Umuwi na kaming magpipinsan sa bahay. Sumabay si Tico sa amin para ihatid kami doon. Napagod silang lahat kaya pagdating sa bahay, diretso kwarto ang lahat. May mga pinggan pa na hindi pa nahugasan pero pagod na silang lahat kaya kami nalang dalawa ni Tico ang nagpasyang maghugas.
"Gumagamit ka ba ng Facebook? I-ch-chat kita mamaya tungkol bukas," Tanong niya habang sinasabunan ang isang mangkok.
I gave him a glance first and he was staring at me, waiting for my answer.
"Oo, gumagamit ako ng Facebook. Carissa Faye Acierto," I replied.
Tinago ko sa likod ng tenga ko ang takas na buhok. Hindi ko alam kung paano nalagyan ng bula ang mata ko pero humapdi ito.
"Mata ko," Sambit ko.
Dali-daling pinunasan ni Tico ang kamay niya sa t-shirt at inangat ito para ipunas na rin sa mata ko. Hinawakan niya ang batok ko at hinipan ang mata ko. Medyo hindi malinaw ang paningin ko pero nakikita ko pa rin siya. Sobrang lapit niya sa akin, naiilang ako.
"Ayos na, ayos na," Ulit ko para lumayo siya nang kaunti sa akin. Umatras naman siya agad at ineksamina ulit ang mata ko.
"Are you sure? Hindi naman pumula pero baka mahapdi pa," Pag-aalala niya sa akin. Tumangka siyang lumapit pero umiling ako.
"Okay na," I assured him before blinking fast so I can adjust my vision. "P'wede ka na maging medics," I laughed a little, just to tease him.
That made him smile with his brows up. Kumuha siya ng panibagong pinggan at naghugas ulit. "P'wede na ba maging doctor?" Lumingon siya sa akin at nginitian ako.
"Yes. Bakit? Gusto mo?" Tanong ko pabalik sa kanya. Binaling ko ang atensyon ko sa kanya pagkatapos kong mahugasan ang panghuling pinggan ko.
"Maging doctor? Oo. Kaso mahirap sa pamumuhay na ito," His voice dropped.
Tinitigan ko siya nang malagay na mabanlawan na niya ang huling pinggan niya. Gusto niya pala maging doctor, habang ako rito binabalewala lang ang gusto ng mga magulang ko na maging doktor.
"My parents want me to take Med.." I trailed. Lumingon agad siya sa akin. Turning his full attention to me.
Nagkatitigan kami. Nagkabasahan ng nararamdaman habang pinunasan ang kamay niya gamit ang basahan. I waited for him so he can listen. Tumango siya, indicating I should continue.
"Kaso gusto ko Cinematography. Wala akong passion for Med. Takot ako na baka kung magtagal ako sa course na 'yan, I'll end up disappointing them. Pero kung Cinematography ang pipiliin ko, they'll also be disappointed." I pursed my lips and hung my head low. Sumandal ako sa counter para masuportahan ang bigat ko.
Lumapit siya sa harap ko at inangat ang baba ko. Tinitigan niya ako at bumuntong hinga siya. "Sometimes you have to disappoint other people to follow your heart." He smiled faintly.
Tama siya. I'll disappoint them both ways so why not disappoint them in a way that I'll be happy. But won't it make me selfish? Mga magulang ko sila. Pero I've never asked for anything in my life. Then one time I asked for something, hindi ako pinayagan.
I sighed heavily at inayos ang tindig ko. Naging sentimental ako bigla. Umayos din sya ng tayo at nagbigay ng daan sa akin. Nilingon ko sya nang umubo siya.
Tinitigan ko siya. Siya na naman ang nakasandal sa counter nang patalikod, medyo alanganin pa ang posisyon niya dahil sa katangkaran. Nakahawak lang ang mga kamay niya sa counter. Nilinga-linga niya ang ulo niya kahit saan habang sumisipol.
Tumigil siya sa pagsipol nang magtama ang tingin namin. Medyo nagulat pa ang mga mata niya at umayos ulit siya ng tayo.
"Thanks.." I said, with a little smile on my lips.
YOU ARE READING
Capturing The Blue
RandomMisamis Oriental Series #1: Balingasag Carissa, a passionate photographer, grew up in the same routine of studying in the city and spending the vacation at her parents' hometown Balingasag. This summer is different as she meets the young and determi...