Hindi ko sinend sa kanya ang pics. And I'm not planning to, ni-stalk ko sya though. Napakasaya tignan ng timeline niya. His profile pic is a pic of him with a surfboard, naka-swim trunks tapos nakangiti na mapang-asar. I smiled a little while scrolling through his timeline.
May mga tagged pics siya Mom niya ata ang nagtag o Tita. Basta puro pics na may birthday, may inuman, different pictures that has him in it. Minsan naka-small smile lang siya, madalas nakangiti na may ngipin tas may matching pataas ng kilay tas may peace sign pa.
Ewan ko ba ba't ko naisipang i-stalk 'to, hindi ko naman pala ise-send ang mga pics. Narinig kong may tumawag sa'kin sa baba kaya pinatay ko muna ang phone ko.
Isang linggo na kami rito ng mga pinsan ko. Halos mga lalaki sila kaya pinapasama sila sa pangingisda. Dahil d'yan, madalas silang wala.
Bumaba ako sa hagdan para makita silang lahat na nasa sala. Kumunot ang noo ko sa pagtataka at pinagpag ang t-shirt kong pambahay.
"Cari, come here! Tara kain kinilaw," pag-aaya ni Kuya Fano. Nakakunot pa rin ang noo ko sa kan'ya at sinilip ang iba kong mga pinsan. Naka-rashguard sila and trunks na may dala-dalang timba ng isda. Ang laki ng mga ngiti nila.
Manghang-mangha ako sa dami ng kuha nila. Nabasa rin yata ni Kuya Fano ang mukha ko kaya mas lumapad ang ngiti niya.
"Tinulungan kami ni Tico sa pangingisda. Sobrang dami pa niyan kanina e, nasa palengke na ang iba. Inutusan ko si Preston at Jehu na magmano sa tindahan sa palengke," Pagpapaliwanag niya sa'kin.
Tumango-tango naman ako at napangiti nang may isda na tumalon pa galing sa kamay ni Dash, pinsan ko. "Luh buhay pa," Komento niya kaya napatawa kami.
Pupulutin na sana niya nang pinulot ito ng isang lalaki na galing sa kusina. "Lutuin na natin 'yan, alas 10 na ng umaga. Para pag-uwi ni Nanay Luz, may nakahanda nang ulam," Pag-aaya ni Tico sa mga pinsan ko kaya nagsipasukan na sila sa kusina.
Tinitigan ko siya habang pinipigilan niya ang kurtina sa kusina para makapasok ang mga pinsan ko. Sinundan niya ng tingin ang panghuli kong pinsan papasok sa kusina. Bago bumaling ang tingin niya sa'kin.
"Hindi ka ba tutulong sa mga pinsan mo?" Tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
Kumunot ang noo ko at sumilip sa kusina pagkatapos ay binalik ko ang tingin sa kaniya. "Tatlo na sila doon, pang-apat ka. I don't think they'll need help. Kung kailangan nila ng tulong, kagandahan lang maiibibigay ko," Suplada kong sagot habang nakakrus ang braso sa dibdib.
He smiled inwardly and raised both of his brows. Tumango siya nang dahan-dahan at lumingon sa mga pinsan ko. Ang ingay nila doon kaya lumapit ako sa kusina para tignan ang pangyayari.
Ang mga timba ng isda nasa lamesa, ang mga rekados nasa lamesa rin. Mga kaldero nakalabas lahat, kung anu-anong plato nilalabas. Ang gulo nila! Hindi pa nga nagsisimula e.
"Welp, hindi nila kailangan ng tulong 'di ba?" Nagsalita si Tico kaya bumaling ang tingin ko sa kan'ya. I rolled my eyes. "Kuya Fano, ikaw sa kinilaw. Dash, sinigang. Gabi, ikaw mag-ihaw. Gugulo niyo." Utos ko.
Lumapit si Tico at nilapag ang isda sa lamesa. "Kami sa pritong isda," Pagpe-presenta niya kaya sumalubong ang kilay ko sa kanya.
Nagkatinginan ang mga pinsan ko at ngumisi. Lumabas sila sa dirty kitchen para doon na magluto. Nagtutulakan pa sila palabas tas nag-aasaran. Kami nalang dalawa ang natira sa kusina.
"Okay, pritong isda. Ikaw linis sa isda, ako ang magpi-prito," Hinarap ko siya para utosan.
He gave me a funny look but he still nodded. Nililinis niya ang isda sa lababo habang hinahanda ko ang kalan. None of us spoke a word. But he was whistling a tune.
YOU ARE READING
Capturing The Blue
CasualeMisamis Oriental Series #1: Balingasag Carissa, a passionate photographer, grew up in the same routine of studying in the city and spending the vacation at her parents' hometown Balingasag. This summer is different as she meets the young and determi...