☀️
"Busy?" Rinig niya sa kabilang table ng shop na nakapwesto sa Presya Diamond Park. Pinapalibutan ng tatlong lalake ang isang college freshman na abala sa pagsusulat ng notes.
"Whoop! No exit!" sambit ng isa ng tinangkang lumipat nito nang table.
"Jethro, papansin ka na naman sa chicks!"
"Maganda, eh. Sarap siguro," komento nung Jethro na hindi na natiis ni Summer kaya agad niyang nilapitan ang mga ito.
Pinatayo niya ang babae sa kinauupuan nito at hinawakan ang braso. "Let's go."
Suminghal ang isa. "Teka miss, bastusan? Kinakausap pa namin 'yan."
"Tara na," aya niya pa rin sa babaeng nanginginig pa.
"Di ka naman kaibigan niyan, ah. Nakikialam..."
She started to get annoyed, she fiercely looked at the men. "Stop cat calling, don't you know that it is also a sign of disrespect? You're making her uncomfortable."
"Okay ka rin pala," may ngising sabi nung Jethro habang pinagmamasdan si Summer na nakakuha na ng atensyon nito.
Tinampal ni Summer ang kamay ng kasama ni Jethro nang hawakan ang braso ng dalagang walang imik sa tabi niya. "Don't touch her!"
Hindi aakalain ni Summer na biglang kikilos ang babae para tumakas sa mga ito. She didn't feel irritated because she left her.
Mas mabuti nga iyon para hindi na ito pagtripan ng dalawang walang magawa sa mga buhay nito kundi mang-harass ng kung sino.
Natatawang kinalabit siya ni Jethro na kaagad niyang tinanggal.
"Learn how to respect people, Mr."
Nang akmang aalis na siya ay mahigpit na hinawakan ni Jethro ang kamay niya.
"Kinakausap pa kita," anito nang may tumawag sa kanya.
"Summer," padarag na tanong ng kadarating lang na sina Rava kasama ang mga kaibigan nitong masama ang tingin sa lalakeng nakahawak sa kanya.
Wala si Ren, kailan ba niya makakabisadong wala na itong koneksyon sa kanya?
Pathetic, Summer!
"Ano 'yan?" nakakunot ang noong tanong ni Zestro na hindi na rin maipinta ang mukha.
"Gusto ko lang siyang makausap may masama ba?" walang takot na tanong ni Jethro na inakbayan pa siya.
Sinubukan niyang alisin ang pagkakaakbay nito, ngunit mas malakas ang binata.
Pasugod na sila Yakzi ng biglang lumitaw ang mascot yellow bear at walang pasubaling sinapak si Jethro pati na rin ang kasama nito!
Napatingin tuloy sa kanila ang mga tao.
"Yellow bear?" she mumbled.
Basta na lang siya nitong hinatak papalayo hanggang sa mapagod na rin ito kakahatak sa kanya.
Napasapo ang mascot sa malaki nitong ulo na parang mayroong ginawang hindi dapat. "Thank you."
Ilang minutong naestatwa ang mascot bago nito dahang-dahang tanggalin ang costume ng pang-ulo nito.
Nagsimulang tumalon ang puso ni Summer ng makita kung sino iyon.
"Ren?"
☀️
BINABASA MO ANG
Crushing Summer
RomanceEpistolaryo: Pana-Panahon (Unang Serye) Ren loves to sketch special subjects isa na roon ang; mga kaibigan niyang walang ginawa kundi pestehin siya, mga lugar na lagi niyang pinupuntahan at isang wanted na vandalism student mula sa kabilang kursong...