I still can't compose myself from what happened a while ago. How can I do that kung hanggang ngayon ay tawang-tawa parin si Ducci Isaac sa naging reaksyon ko.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin 'yong iba kong mga kasamang magtuturo. I tried my hardest to looked calm kahit ang totoo ay gusto ko nang dagdagan ang tabas sa kilay ng lalaking 'to.
"Kanina ka pa, Pat?" my classmate asked. Nakita ko pang inayos niya 'yung hawak niyang folder na parang may kasama pa yatang flashcards.
Napabuntung-hininga ako dahil paniguradong hindi lang flashcards ang learning materials na magagawa namin ni Di-Ay kung nandito siya ngayon. Another heavy sigh came out from me. Hindi naman talaga ako sa mga gamit nanghihinayang kung 'di sa oras na sana ay kasama ko siya habang ginagawa namin 'yun.
"Kadarating ko lang din," sagot ko pero hindi nakaiwas sa'kin ang pagngiwi ng labi ni Ducci Isaac. Inirapan ko naman siya pero ngumiti lang siya dahilan para makita ko nanaman ang mga ngipin niya na parang tinurukan ng gluta.
Nang magsimula ng maging crowded ang classroom ng Section 12 ay sinenyasan ko si Ducci Isaac na sa labas na kami mag-usap.
"Gusto mo agad akong masolo? Virgin pa 'ko, Patricia Amerin."
Binato ko siya ng tuyong dahon dahil sa sinabi niya. He even crossed his arms around his body na para bang susunggaban ko siya. Asa naman. Never in my life.
Ano ba 'to! Sino ba 'to? Bakit ba siya ang napunta sa'kin e parang alam naman na niya lahat. Pati kahalayan sa katawan mukhang expert pa nga siya.
"Mini-park," utos ko.
Naglakad ako palayo sa kaniya pero sumunod naman siya agad. Aba! Kung ganyan siya kamanyak, required na may common sense dapat siya. Hindi sapat ang gwapo lang kung tanga ka naman.
Sa stage kami ng Grade 8 dumaan diretso sa pathway ng Grade 10 para hindi kami makita nina Katkat at Chloe. Kapag kasi dadaan kami sa building ng Grade 8 ay paniguradong mapupuno lang ng tuksuhan sa bahay namin mamaya dahil kay Katkat. Kapag sa Jaica building naman kami dumaan, baka hindi na makaalis si Ducci dahil siguradong uusisain siya ni Chloe.
Pumasok kami sa mini-park at sa pinaka-dulo at liblib na upuan kami pumwesto. I watched him check himself— mula sa buhok niyang copper hanggang sa sapatos niyang mukhang hindi galing dito sa Pilipinas.
"Let's start," he said na akala mo'y nasa business meeting siya.
"To tell you the truth, hindi ako nakapag-prepare ng learning materials," I honestly uttered. Knowing him for almost an hour, baka sabihin nanaman niyang ipinunta ko siya rito sa mini-park dahil gusto ko siyang masolo. Gladly, para naman siyang tanga na tumango-tango lang.
"Okay? Anong gagawin natin?" he mischievously asked. Napairap nalang ako dahil sa kapilyuhan niya. Curious siyang lumingon sa mga estudyanteng maingay kaya natanaw ko nanaman iyong tattoo niyang phoenix.
"Sabihin mo nalang kung saang topic ka nahihirapan. I'll try to remember that topic tapos bukas ko nalang i-elaborate."
"So... you mean, makikita pa kita bukas?"
"Definitely."
"Can I ask something?"
"Sure."
"Until when we will do this?" dahan-dahan niyang tanong kasabay nang pagturo niya sa'kin at sa sarili niya.
"Hanggang final exam."
"And after that? What will happen?"
Para kaming nasa one-on-one interview dahil ang dami niyang tanong. I have no choice but to answer his queries anyway. It feels like there's an unwritten rule and my guts are telling me to just... talk to him.