I had a dream.
I woke up earlier than I usually do and there I saw Mama preparing for breakfast, together with Meng. Nagsalubong kami ni Papa papunta sa kusina na tila may namuong competition sa mga isipan namin. And in just a span of seconds, nag-unahan kaming dalawa papunta sa dining para mayakap si Mama.
But both of us lose.
Kuya won.
Tawang-tawa si Mama saming tatlo dahil bakit daw ba kami nagtatalo kung pwede naman niya kaming yakapin lahat. And that's what she did. Hindi nagpahuli si Papa dahil ginamit niya ang title niya as asawa para siya raw ang mauna. Kuya used his panganay role para maunahan ako.
And when it's already my turn, namalayan ko nalang na tumutulo na pala ang mga luha ko. Maingat na pinunasan ni Mama ang mga luha ko nang makalapit siya sa'kin. Hindi ko parin pinapakawalan si Mama sa yakap ko nang biglang tumahol sa Meng, tumatalon-talon pa. I carried him with me at sabay naming niyakap si Mama.
Her warmth. This happiness. I'm no longer wishing for more. Sana manatili lang kaming ganito kasaya.
"Pat, nandito na tayo."
Too bad, I woke up.
"'Tay, anong oras na po?" tanong ko kay 'Tay Sergio.
"Ala-una na ng madaling-araw, Pat. Diretso ba tayo o ihatid nalang kita sa bahay niyo?"
Umiling ako at tipid na ngumiti. Wala rin akong dadatnan sa bahay. Iiyak lang ako at mag-iisip. I badly need courage right now. This is my very first time coming in a hospital. Too bad, si Mama pa ang una kong pupuntahan.
Bumaba na ako sa sasakyan at ganon din ang ginawa ni 'Tay Sergio. I don't know what I'm doing but I'm just taking my time. I walk slowly as I delay the inevitable. Alam kong makikita ko rin si Mama pero gusto ko lang pabagalin sandali ang oras.
There I saw how busy the hospital is. It smells unusual. People around me are either sick or dying. All of them are in pain.
"Cerina David po," sagot ko sa nurse.
"Nasa room 204, Ma'am."
Hinarap ko si 'Tay Sergio at tumingin naman siya sa'kin na may halong pag-aalala. "Bakit Pat? Nagugutom ka ba?" tanong niya. Tumango ako kahit hindi naman totoo. Ibinilin niya ako sa nurse bago lumabas ng hospital para bumili ng pagkain.
"204 po 'di ba?" I asked, confirming. She nodded and led our way to the room.
We were just walking silently. Nang maka-akyat na kami sa second floor, hinarap ko siya at sinabing, "Ako nalang po ang pupunta." Nagtataka siyang tumingin sa'kin. Ngumiti naman ako just to assure her that I can do it alone.
Hindi na nga ako nagpasama kay Tatay Sergio kasi ayaw kong maawa siya sa'kin. Ayaw kong ako ang pagtuunan nila ng pansin. Ayaw kong makaabala.
My heart beats faster when I reached the room. As well as my mind went blank when I saw Mama lying in the hospital bed. I guess Papa heard the door creaked kaya nabaling ang tingin niya sa'kin. Gustuhin ko mang lapitan si Mama pero napanghihinaan ako ng loob.
"I-I c-can't do this," humihikbi kong sabi. Lumabas ako agad para umiyak. Hindi ako sanay sa ganito. This event is too sudden for me. Masaya ang pamilya ko all my life. Kuya and I get fever sometimes but not to the point na itatakbo kami sa hospital.
I was busy crying when I saw a familiar face. Kunot-noo kong tinitigan nang mabuti kung si Miguel Dela Vega ba ang kausap ng Doctor sa katapat naming kwarto. Pero nang magtama ang mga tingin namin ay nginitian ko nalang din siya. As much as I want to ask kung ano'ng sadya niya rito, I don't want to meddle. Hindi naman kami ganon ka-close pero schoolmate ko parin naman siya kaya walang rason para hindi ko siya pansinin. Ayaw ko lang mangialam.