Adi and I decided not to attend the program last Valentine's day. Kinagabihan ay nagpunta rin naman dito sa hospital sina Chloe at Katarina kasama sina Krista at Auntie Rosie. Hindi na rin kami pumasok ni Adi kinabukasan since Friday na rin naman.
We spent the weekend on the hospital. Next week came at paulit-ulit lang ang naging routine namin ni Adi. Sabay kaming papasok sa school, we will attend our classes, I'll tutor Ducci, dadaan kami sa resto para kumustahin si Meng, sasaglit lang sa bahay, at babalik na rin sa hospital.
Sa tuwing mararamdaman ko nang magsasalita si Ducci ay agad na akong hahakbang palayo sa kaniya. I just can't handle him right now. Gusto ko lang mag-focus sa pag-aaral at pag-aasikaso kay Mama.
Sa ngayon, hindi siya kasama sa mga plano ko.
February passes like a wind. Another week is about to end nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hanggang ngayon ay nandito parin kami sa resto dahil hindi kaya ng sasakyang suungin ang baha.
I was worriedly thinking what might happen at the hospital while we're here. Ayaw ko lang na kapag may nangyari roon ay wala ako.
That day was too much. Hindi na ako nakatulog nang maayos simula nang mawalan ng pulso si Mama. Para bang sa tuwing pipikit ako ay may mangyayaring hindi maganda. This damn curse of happiness got me traumatized.
Tahimik akong pinagmamasdan ang resto when Dawson approached me. Ever since Mama was hospitalized, the resto became gloomy. Its ambiance was vividly hugging the cold and sad atmosphere na hindi ko alam kung dahil lang ba sa ulan o sa pinagdadaanan ng pamilya namin ngayon. He handed me our aprons. Feeling confused, I still managed to look at him.
"Let's finish the cookbook today, Pat," determinado niyang sabi.
Kunot-noo ko siyang tinignan. Gusto kong mainis sa sinabi niya. "What are you trying to say?"
He avoided my gaze. He then uttered, "Habang may oras pa." Tumingin siya sa labas at pinagmasdan ang paligid bago ibinalik ang tingin sa'kin. "Habang hindi pa tumitila ang ulan."
Mabigat sa loob akong tumango sa sinabi ni Adi. "I got the metaphor, Adi."
Finishing the cookbook feels like fulfilling Mama's last wish.
Hindi na umuuwi si Papa at halos sa hospital na rin siya nakatira. Kuya Pat dropped some of his subjects para mas maluwag ang schedule niya at makauwi siya rito sa Tarlac. Sina Nanay Lita, Tatay Sergio, at Abel nalang ang halos tumao rito sa resto.
Our family is falling down. Its foundation maybe strong and brave but it's not firm enough without its brightness and pacific.
Ilang buntung-hininga ang pinakawalan ko bago isa-isang inayos at hiniwa ang mga sangkap. Habang nagtatrabaho ay hindi ko maiwasang maalala lahat ng memories ko kasama si Mama.
I was 6 when she taught me how to hold a knife properly. She told me na 'wag daw dapat iwan ang paligid habang bukas ang mga tangke ng gas. Siya rin ang nagturo sa'kin kung paano maghugas ng plato at kumuha ng orders ng mga customers. When I broke a pile of plates, I was so scared. But I didn't hear any resentful words from her. Instead, she covered my wounded little finger and told me that next time I should be careful. Hindi raw kasi forever na nasa tabi ko siya. I should learn how to be strong to be able to protect myself.
At first, I was confused. When I was 6, I don't understand her. Now that I'm 14, it's making me want to become 6 again.
Tipid akong ngumiti nang lumapit si Meng sa'kin. His confused eyes made my tears fell. Na para bang tinatanong niya kung okay lang ako.
Para bang nagkakasundo ang ulan at ang mga luha ko dahil pareho silang hindi tumitigil sa pagpatak. Nang mapatakan ko ng luha ang hinihiwang gulay ay wala sa sarili akong dumiretso agad sa basurahan para itapon iyon.