"Tapusin na natin 'to. Gusto ko nang umuwi."
Mukhang inosente naman siyang tumango lang sa sinabi ko. Hindi ba niya maramdaman na gusto kong umiwas sa kaniya? It's not like I didn't appreciate what he did kanina sa classroom nila but it's just that... natatakot ako sa pwedeng maging kapalit. Ayaw kong aminin sa sarili ko na naging masaya ako kasi alam ko na ang susunod na mangyayari.
"Uuwi na tayo?" tanong ni Ducci habang nakatingin sa libro.
"Oo," tipid kong sagot.
"Uuwi ka sa'kin?"
Nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa'kin dahilan para mapatayo ako.
Inilibot ko ang tingin sa buong tennis court at napansing kaming dalawa nalang ang nandito. Dito ko na nga piniling mag-aral kami dahil busy ang mga Grade 9 sa mini-park, wala kaming space do'n.
This is the most peaceful place I know sa school pero hindi ko naman inakala na sarili ko palang nararamdaman ang gugulo sa'kin.
I can still hear the spikes of the athlete's shoes pero nasa basketball court na sila. Ilang metro ang layo kung nasaan kami ni Ducci Isaac ngayon.
Tumayo na rin si Ducci Isaac pagkatapos ay pinampagan ang sarili. Akmang kukuhanin na niya ang bag ko sa gilid nang bigla akong tumakbo at unahan siya para kunin 'yon.
"What's wrong, Patricia Amerin?" his forehead creased. Nakahalata na yata siya na may iba sa mga ikinikilos ko.
"Don't do that again, Ducci Isaac," I honestly uttered. There's no reason to filter my words. As much as possible, I want to become honest on what I truly feel.
Matagal-tagal pa ang final exams, ilang linggo ko ring makakasama ang Spanish na 'to.
He clenched his jaw as if he didn't like what I said. "Do what? Serenading you? Deserved mo naman."
Kinuha ko sa mga kamay niya ang mga libro ko. "Answer pages 46 until 54. Check natin next week."
Hindi ko na siya hinintay pang makapag-react. I walk as fast as I could pero mukhang kulang pa ang bilis ko dahil nakasunod parin siya sa'kin.
"Merienda muna tayo. Libre ko," saad pa niya na parang normal lang ang lahat.
O ako lang ang nagbibigay ng meaning sa lahat nang ginagawa namin? Bakit ba hindi siya makaramdam? Hindi ba niya napapansin na gusto ko siyang iwasan? Ang tanga tanga ni Ducci Isaac. Hindi bagay sa hitsura niya.
"Busog ako."
"Ihahatid na kita."
"May sundo ako," I lied.
Naramdaman kong huminto siya sa paglalakad. Nababaliw na yata ako dahil tumigil din ako at nilingon ko pa siya dahilan para maaninag ko ang malamlam niyang mga mata.
"Bukas nandito parin ako."
Kunot-noo kong binalingan nang tingin ang mga daliri niyang parang nanginginig. His sweats are also visible and I can't help myself to feel worried.
Pero kailangan ko siyang tiisin.
I don't want to tolerate his behaviors— candied behaviors, knowing that Dawson is currently out of the picture. I don't want Ducci to feel that his acts towards me are valid.
Hindi ko siya kilala. Hindi ko siya kaibigan. Affected lang ako pero hindi ko siya gusto.
"Bukas ikaw parin."
I gasped for air when I heard what he said. Hinihintay ko ang salitang joke sa sinabi niya kasunod dapat nang malakas niyang tawa.
A sound from the basketball buzzer wrapped the area but I still didn't hear any words from him.