Kabanata 1

7 0 0
                                        

"Dada, please wake up na!! you'll going to be late on your work" paggising sa akin ng maliit na boses ng isang batang lalaki.

pagdilat ng aking mga mata nasilayan ko ang mala asul na dagat na mata ng aking anak na nakatingin at tudong nakangiti.

"Good Morning Dada, you woke up late again" sabi ng aking anak habang nakapout. Agad ko itong binuhat at pinaupo sa aking harapan.

"Good morning baby" bati ko sa kaniya at pinuno ito ng halik. Napahagihik na lamang ito at panay tawa dahil sa paghalik ko rito

"Let's go Dada, I'm hungry na po" pacute na sabi nito

Binuhat ko ang aking anak pababa ng hagdan. Kita kong nakahanda na ang mga pagkain para sa almusal ng pagbaba ko.

"Hey sleepy head, you woke up late again. Malalate ka nanaman niyan" Panenermon ng lalaking asa aking harapan sabay gulo sa aking buhok. Kinuha naman neto ang aking anak sa aking mga bisig at pinaupo ito sa silya.

Naging payapa ang aming umagahan. Agad- agad akong nagtungo ng banyo pagkatapos naming kumain. Makalipas ng mga ilang minuto agaran din akong natapos at nagmadaling magbihis. Kinuha ko ang aking mga importanteng gamit at lumabas na sa aking silid.

Kita ko sa sala ang aking anak na nakaupo sa sahig habang may busy sa pagkulay sa kaniyang coloring book. Batid ko sa murang edad ng aking anak alam kong ito'y matalino kumpara sa kaniyang mga kaederan. Ako'y lumapit at hinalikan ang kaniyang ulo at nagpaalam.

" River, dada is leaving for work na, behave ka and don't be stubborn  to your papa tito" pagpapalaam ko rito. Tumango-tango na lamang ito at ako'y hinalikan sa aking pisngi

"Liam, mauuna na'ko, ikaw na ang bahala rito. Maaga naman matatapos ang shift ko sa hotel ngayon" pagpaalam ko sa kay liam na asa kusina pa rin hanggang ngayon.

"Wait for a while, ilalagay ko lang sa paper bag itong baon mo" pagsagot ni Liam

Liam is a great friend of mine simula ng bumalik ako rito tatlong taon na ang nakakalipas, nakilala ko ito sa una kung trabaho bilang call center agent. Nagsama na rin kami sa iisang bahay para makaminus sa pangaraw-araw gastos. Napakamaalagang tao ni Liam nang malaman netong pinagbubuntis ko si River tatlong taon na ang nakalipas agad-agad itong nagdesisyong samahan akong tumira rito sa aming bahay. Di ko maitatanggi na may gusto sa akin si Liam ngunit hindi ko pa rin siya kayang mahalin. Hanggang ngayon may takot pa rin akong nararamdaman rito sa aking puso, hindi ko na kayang magmahal pang muli yan ang nakatatak sa aking puso't isipan dahil na rin sa traumang aking naranasan.

" you're spacing out again Kylie" pagkuha ng atensyon ko ni Liam. Ngumiti na lamang ako sa kaniya.

Inaabot nito sa akin ang aking lunch. Nakagawian na netong gawin sa simula pa ng magsama kami, dahil na rin siguro sa napansin niya na di ako mahilig kumain ng tanghalian kaya't pinababaunan niya ako.

"Thank you for this Liam" sabi ko sa kaniya "I'll be early for today. Please Take care River for me" habiliin ko rito

"Kahit di mo sabihin I'll always take care of you guys" sabi nito sabay gulo ng aking buhok " you go already, tuluyan ka ng malalate niyan" pagtataboy neto sa akin.

Kinawayan ko na lamang ito habang isinasarado ang aming gate. Buti na lamang at agad na may dumaang jeep pagkalabas ko sa amin.

eksaktong alas-otso ng makarating ako sa Hotel kung saan ako nagtratrabaho bilang front desk officer. May 15 minutes pa ako bago magstart ang aking shift, nagtungo ako sa employee area para ilagay ang aking gamit at makapag time in na rin.

Napaka daming  guest ngayon dahil sa nalalapit na Panagbenga Festival.  May mga local guest at foreigner akong napagsilbahan. Pagod na pagod akong napaupo sa aming employee area, tiningnan ko ang aking relo pasado ala tres na pala ng hapon.

"Out mo na Sir Andy?" tanong ni Peter na katrabaho ko

"Oo Peter, Ikaw ba shift mo palang?" sagot at tanong ko sa kaniya

"Oo sir, nakipag palit kasi tong si Miguel kaya ngayon ang shift ko" Wika ni Peter " Sige sir Kylie mauna na ho ako baka nakabusangot na si Miguel pag wala pa ako" pagpapaalam ni Peter

Nagpalit na ako ng damit at inayos ang aking gamit. Palabas na ako ng Hotel ng sumagi sa aking isipan na nakalimutan ko ang aking cellphone na nakacharge sa front desk area. Tumungo ako roon at sa di inaasahang pagkakataon.

"Room for Mr Lake Storm Dee" barito at buong buong boses na sabi ng lalaki sa aking tabi

ako'y tila nawalan ng hangin at dugo sa aking katawan ng marinig ang pangalan na iyon. Di ko magawang lingunin ang lalaking asa aking tabi.

"oh Andy! anong ginagawa mo pa rito? may nakalimutan ka ba?" Sabi ni Cassandra na ngayon ay asa aking harapan na

"ahh ehh naka-li-mutan ko kasi yung cell-phone ko jan sa dra-wer." Utal kong sagot kay Cassandra

"Here you go Sir,  Room 402 executive room for Mr Lake Storm Dee" Sabi ni Mitch sabay abot ng susi sa aking tabi

agad naman itong kinuha ng lalaki kay Mitch, hindi ko pa rin ito nililingon hanggang ngayon.

"Andy! eto na yung phone mo" abot ni Cass sa akin. Nagpasalamat ako kay Cass at nagpaalam kanila ni Mitch. Nagmadali akong lumabas ng Hotel ngunit kung minamalas ka nga naman talaga Oo.

" It's nice seeing you again Kylie Addison Marquez " malamig at may pang-aakit na sabi ng lalaking sumira at nagpaguho sa aking buhay tatlong taon ang nakakaraan.






Love me or Leave MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon