Chapter 1

11 0 0
                                    

"Everyone! These are the new trainees. Please be good to them!"

Lahat sila pinagtitinginan kami at kulang na lang ay malusaw ako sa kaba at hiya. Ito yung first day ko sa training. Nag-apply kasi akong barista dito sa Milky Project coffee shop. First time kong mag-apply ng work kaya sobrang masaya ako na natanggap ako dito kahit na part-time lang.

"Pwede na kayong magpakilala sa kanila," sabi ng Manager.

Nagtinginan naman kami sa isa't-isa dahil hindi namin alam kung sino ang mauuna. Apat kasi kaming bago dito. Si Jul (mukha siyang cutie kasi mas bata siya sa'kin), si Nemo (laging naka-poker face hindi ko alam kung lagi ba siyang galit), si Dale (pinakamatanda sa amin), at ako. Oo, tama kayo. Ako lang yung babae na nag-apply dito sa coffee shop na ito. Ang saya di ba?

Tumingin naman sakin itong mga lalaki na ito na para bang sinesenyasan ako na ako na lang ang mauna.

"H-HELLO! AKO SI SELINE!" Sabi ko na para bang nasa kabilang bundok yung kausap ko. Parang gusto ko na lang mamatay sa hiya dahil sa ginawa ko.

"HAHAHAHAHAHAHA!" Walang tigil sa kakatawa itong tatlo na ito na akala mo wala nang bukas.

"I'm Jul!" "Nemo" "You can call me Dale." Sabi nila isa-isa.

"Welcome sa Milky Project!"

_______________

"The work here is easy. Sa una lang siya mahirap dahil first day niyo pa lang. May mga tanong ba kayo?" Sabi ng Manager namin.

Umiling na lang kami dahil sobrang buryo na kami kakakinig ng mga instructions. Like WTH?? Mas matututo kami kung may on-the-spot na paggawa ng kape.

"Kung wala kayong questions may gusto akong ipakilala sa inyo. Siya yung magha-handle sa inyo kaya kung may tanong kayo, sa kanya kayo lalapit. Andy! Halika dito!" Napatingin naman kami sa taong tinatawag niya at ewan ko ba kung anong sumapi sa akin pero parang nakakita ako ng anghel.

 Andy! Halika dito!" Napatingin naman kami sa taong tinatawag niya at ewan ko ba kung anong sumapi sa akin pero parang nakakita ako ng anghel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Wow..." sabi ko habang nakanganga. Napatingin naman siya sa'kin at umiwas ako ng tingin sa kanya. WTH! Seline! Ano bang ginagawa mo? First day mo pa lang pero kung anu-ano nang pumapasok sa kokote mo.

"Hi, I'm Andy! It's nice to meet all of you!" Sabi niya habang nakangiti. Bakit ang gwapo niya? Goodness! Lahat yata nang nagtatrabaho dito puro mukhang prince charming. Pero mas nangingibabaw siya. Hays.

"Seline, right?" Bumalik ako sa realidad nang makita kong lumapit siya sa'kin.

"Uhhhh....yes?" Ngumiti siya sa'kin. The heck! Huwag kang ngumiti sa'kin. Marupok ako.

"You can start to work na. Iniwan ka na ng mga kasama mo," Sabi niya. Napalingon naman ako sa mga kasama ko at wala na nga sila. Iniwan nila ako. Traitors!!

Nagmadali naman akong pumwesto at nag-asikaso ng mga orders. Tignan mo nga naman. Puro mga babae ang mga pumupunta dito.

"Good morning! Can I have your order?" Sabi ko habang nakangiti.

"Uh..let's see.. Can I have an americano? Uhh no.. maybe a frappe? Uh no, I'm on a diet. Hmmm..." WTH! Ano ba talagang gustong order-in ng babae na ito? Nakakaloka! Pinipilit ko pa ring ngumiti kahit nanggigigil na ko sa inis dahil sa tagal niyang mag-order.

"Okay. Americano na lang." Finally! Muntik ng mapunit yung bibig ko sa kakangiti.

"Babe, what do you want?" Sabi nang lalaki habang naka-akbay sa jowa niya.

"Anything. Basta galing sayo hihihi" dito pa talaga sa harap ko nagharutan aba. Napabuntong-hininga na lang ako sa mga customers na nakikita ko.

"Can I have an americano with ice, please?"

"So you want an iced americano?"

"No. Americano with ice!"

"Yes, iced americano."

"Are you deaf? I said I want Americano with I-C-E!"

I give up! I'm not getting paid for this *****!

How To Unlove You (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon