Chapter 2

8 0 0
                                    

"*sigh* mag-resign na lang kaya ako?" Sabi ko habang nakatingin sa kisame. Nandito ako ngayon sa break room namin dahil lunch break na. Hindi ko alam kung ilang beses na akong bumuntong-hininga.

"Hindi ako bagay sa work na ito," dagdag ko habang pinipigilan kong huwag maiyak sa sitwasyon ko ngayon. Napatigil naman akong mag-emote nang biglang pumasok si Andy at inabutan niya ko ng burger.

"First day sucks?" Tanong niya habang iniinom niya yung coke na hawak niya.

"Medyo? Pero kakayanin hehe" what the! Anong hehe? Goodness! Kailan ka pa naging pabebe, Seline?

"You should eat that. Food is the best for stress."

"S-Salamat!" Ngumiti lang siya sa'kin at iniwan na niya akong mag-isa. Woah! yung puso ko walang tigil sa pagtibok. Huwag kang assumera, Seline! Mabait lang siya at gwapo...

"Seline! Time mo na!" Nagising naman ako sa realidad nang tawagin ako ni Nemo. Psh. Ito na naman si poker face boy.

"Kanina ka pa nakatunganga dyan. Ikaw naman sa counter. Nagugutom na ko." Sinamaan ko lang siya ng tingin at bumalik na ko sa trabaho.

"Excuse me, nandito ba si Andy?" Napatingin naman ako sa babaeng nasa harap ko at nagulat na lang ako sa ganda niya. Artista ba siya? What the! Sobrang ganda niya.

"Hello? Nandito ba si Andy?" Napatigil akong tumulala sa kanya nang winagayway niya yung kamay niya sa mukha ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello? Nandito ba si Andy?" Napatigil akong tumulala sa kanya nang winagayway niya yung kamay niya sa mukha ko.

"Ahh. Si Andy? Wait lang... Andy! May naghahanap sayo," sabi ko at bigla namang nagbago yung expression ng mukha ni Andy. Who is she? Girlfriend ba siya ni Andy?

Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa habang naglalakad sila palabas ng shop. Bakit parang kumikirot yung puso ko?

"May girlfriend si Andy?" "Ganda ng girlfriend niya ah!" "First time ko lang makita yung babae na yon"

Napatingin naman ako sa mga lalaking chismoso na ito. Basta talaga magandang babae wala silang preno eh noh? Psh.

"Good job everyone! See you bukas!" Isa-isa na kaming nag-alisan dahil kakatapos lang namin maglinis. Grabe sobrang sakit ng katawan ko feeling ko hindi ko na kayang makarating sa bahay.

"Bye, Seline!" Nag-wave naman ako kela Jul dahil magkakaiba kami ng way. Nagulat na lang ako nang makita kong nasa likod ko pala si Andy.

"Dito rin yung daan mo?" Tanong ko sa kanya na may pagkagulat.

"Yes. Do you mind?" Umiling lang ako at sinabayan niya kong maglakad.

Gustung-gusto ko siyang tanungin about sa babaeng kausap niya kanina pero sino ba naman ako para tanungin siya? like duh! Hindi naman kami close!

"Ilang taon ka na pala?" Hindi ako makapaniwalang nagstart siya ng conversation.

"You should never ask the girl's age," pang-aasar ko sa kanya.

"Sorry!" Natawa naman ako sa reaksyon niya.

"Joke lang. 24 na ko. Ikaw?"

"22" napatingin naman ako sa kanya. Mas matanda ako sa kanya? Yikes! Child abuse pala ako LOL

"Should I call you ate?" Pang-aasar niya sakin.

"Nakakita ka na ng lumilipad na sapatos?" Natawa naman siya sa sinabi ko at natahimik na naman kami.

"Free ka ba sa weekend?" Tanong ko sa kanya out of the blue. Seline! What the hell are you doing?

"Hmm.. sure, Why?"

"I need your help para sa pagiging barista. Okay lang ba na magpaturo ako sayo?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at sinasabi ko ito sa kanya. Nababaliw na ba ko?

"Oo naman. Let's meet sa shop?"

"Sige..."

"Then I'll see you there! Maybe at 2 PM?"

"2 PM" ngumiti siya sa'kin at nag-wave na lang ako sa kanya dahil hindi ko na kinakaya yung kilig na nararamdaman ko.

I have a date with him! Is this real?

"I HAVE A DATE WITH HIM!" Napatigil naman akong magtatalon nang makita kong nakatingin na pala lahat ng tao sa akin.

Nagbulungan naman yung mga tao pero pakialam ko ba sa kanila? Basta ako, may date kami ni Andy!!!

Nagbulungan naman yung mga tao pero pakialam ko ba sa kanila? Basta ako, may date kami ni Andy!!!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
How To Unlove You (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon