Naglalakad ako sa isang lugar na hindi ko maipaliwanag. Sobrang ganda ng lugar na ito. May mga puno, mga bulaklak, at tirik na araw pero hindi siya masakit sa balat. Habang naglalakad ako ay nakita kong may isang lalaking nakangiti sa akin. Palapit ako ng palapit at nakangiti pa rin siya sakin. Nakasuot siya ng puting polo at pants. Yumuko ako at nakita kong nakasuot ako ng puting dress.
Tinignan ko siya ulit at nakalahad na yung kamay niya na para bang hinihintay niya na abutin ko rin 'yon.
"Andy..." sabi ko sa sarili ko dahil walang lumalabas na boses sa bibig ko. Hindi siya nagsasalita pero alam kong sinasabi niya sa'kin na, "Let's go!"
Ngumiti ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya na nakalahad sa akin. Maglalakad na sana kami nang mapansin ko na mayroong nakakapit sa kabilang kamay ko. Tinignan ko ito at nakahawak sa akin ang kamay ng isang bata. Batang babae na nakasuot din ng puting dress. Tinignan ko si Andy at nakangiti pa rin siya sa'kin. Nagsimula na kaming maglakad at hindi namin alam kung saan kami papunta.
"Seline, don't---
"SELINE! BUMANGON KA NA!" Muntik na kong sumubsob sa sahig dahil sa gulat. Panaginip tungkol kay Andy? Ano yung gusto niyang sabihin? Hays! Hindi ko na maalala!
"Bumangon ka na dyan! Kanina pa kita ginigising." Pinalo-palo ko yung ulo ko dahil hindi ko maalala kung ano yung panaginip ko tungkol sa kanya.
"Anong ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba ng ulo?" Sinamaan ko naman ng tingin itong tatay ko. Kasalanan niya 'to!
"Pa! Bakit mo ko ginising? Sobrang importante ng panaginip ko!" Pagmamaktol ko.
"Anong panaginip? Tigilan mo na yan at kumilos ka na baka ma-late ka pa sa trabaho mo!" Wala na kong nagawa at tumayo na ko. Alam ko namang hindi ako titigilan ng tatay ko hanggat hindi ako kumikilos.
"Wow! Anong meron? Ang dami yatang pagkain ngayon?" First time ko lang kasi makita na magluto siya ng marami para sa aming dalawa.
"Nakalimutan mo ba? Death Anniversary ng Mama mo." Napatigil akong kumain at tumingin ako kay Papa.
"Right.. it's been 2 years." Pareho kaming natahimik at nagdasal kami para kay Mama kung nasaan man siya ngayon.
"Anong meron?" Tanong ko kela Jul dahil nagkukumpulan sila sa break room. Kakadating ko lang sa trabaho ko kaya nahuli ako sa balita.
"Aalis na daw si Andy." Napatingin naman ako sa sinabi ni Dale.
"Aalis? Saan siya pupunta?" Hindi nila ko sinagot at napatingin naman ako sa direksyon kung saan sila nakatingin. Ngumiti lang sa'kin si Andy habang dala-dala niya yung mga gamit niya. Hindi ko alam kung anong sumapi sa'kin pero hinabol ko siya palabas ng coffee shop.
"Andy! Sandali!" Tumigil siyang maglakad at nilingon niya ko.
"Sorry, Seline..." lumapit ako sa kanya at tinignan ko siya ng deretso sa mata.
"Saan ka pupunta?" Tinitigan niya ko ng matagal bago niya ko sinagot, "Tama yung sinabi mo na darating yung isang araw na malalaman ko kung ano talaga yung gusto ko. I'm going back to France that's why I quit. I will open my business again. Sorry kung hindi ko agad nasabi sa'yo pero salamat. Ikaw yung dahilan kung bakit ko nalaman yung gusto ko."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak ngayon. Why am I crying? Am I happy? Disappointed? I don't know.
"Bakit ka umiiyak?" Hahawakan na sana niya yung mukha ko pero iniwas ko ito.
"I'm just happy... congrats! Masaya ako na nalaman mo na kung ano yung gusto mo." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay ngumiti siya sa'kin.
"Hopefully we can see each other again." Pinanood ko lang yung likuran niya habang naglalakad siya palayo. Is this my first heartbreak? Napapikit na lang ako sa sakit at hinayaan na tumulo ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
How To Unlove You (Hiatus)
Storie d'amoreA boy and a girl fell in love with each other is a perfect romance, but what if this is about a boy (likes men) and a girl (hopeless romantic) fell in love with each other? Would this be a perfect romance?