Chapter 6

7 0 0
                                    

One week after...

Kakapasok ko lang ng gate nang marinig ko ang mga tawanan ng mga bata sa loob. Napangiti na lang ako habang tinititigan ang bawat isa sa kanila.

"Ate Seline! Bakit ngayon ka lang?" Tanong sa'kin ni Sarah. Umupo ako para makita ko nang maigi yung mukha niya. "May inasikaso lang si Ate Seline. Nandyan na ba sila Matthew?" Tumango naman siya sa tanong ko at hinila na niya ako papasok ng classroom.

Pagkapasok ko ay bigla namang nagsitakbuhan palapit sa akin ang mga bata. Iba talaga ang feeling kapag kasama ko ang mga batang ito. I feel warmth and comfort from them.

"Ate Seline, bakit hindi mo na kasama si Kuya Andy?" Nawala yung ngiti ko nang marinig ko yung pangalan ni Andy. It's been one week ever since na umalis siya papuntang France. Wala na akong balita sa kanya simula noong huli naming paguusap sa airport. "Busy lang si Kuya Andy. Nagawa niyo ba yung mga assignments niyo?"

"OPO!" Sabay-sabay nilang sigaw. Pinilit ko na lang na maging okay kahit na pagod ako emotionally. I still need to be professional. Wala namang masama kung magpanggap akong okay di ba?

"GOODBYE, ATE SELINE!!" nag-wave ako sa mga bata nang makita kong sinundo na sila ng mga magulang nila. Kakatapos lang kasi ng class at deretso naman ako ngayon sa part-time ko.

"Welcome back!" Bungad sa'kin ni Jul pagkapasok ko ng shop. "Okay ka na ba?" Tanong naman sa akin ni Dale. "I'm okay. Salamat sa pagsalo ng shift ko bawi ako sa'yo next time."

"Talagang bumawi ka. Libre mo ko mamaya." Napailing na lang ako sa kakapalan ng mukha nito ni Dale. Wala naman akong choice kundi ilibre siya. Sobrang laki ng ginawa niya para sa akin. One week ba naman akong absent dito buti na lang hindi pa ako pinapaalis ng Manager namin.

Pagkatapos kong magbihis ay pumwesto na agad ako sa counter. Hindi naman gaano karami yung customers ngayon dahil weekdays.

"May I take your order?"

"Can I have green tea?"

"Is it to go, Sir?"

"No, I'll drink it here. Wait..." napatingin naman ako sa kanya nang bigla niyang dinuro yung mukha ko. Problema nito?

"Uhhh, yes?"

"You look familiar... I think i've seen you before... where is it?" Nakatingin pa rin ako sa kanya habang nagiisip siya kung saan niya ako nakita. Ano bang sinasabi niya eh hindi ko nga siya kilala.

"Ah! That's right! I saw you at the airport! Remember?"

"Ahh Sorry, sir.. medyo makakalimutin kasi ako."

"Ahh hindi mo nga ako makikilala kasi umiiyak ka non."

"What?"

"Bye." Magsasalita pa sana ako nang tinalikuran na niya ko at nagsimulang maghanap ng table. Who is he?

"Green tea for Mr. Sander!" Napalingon ako sa isinigaw ni Neo na name. Nakita ko namang lumapit yung lalaking kumausap sa akin kanina na akala mo close kami kung makapagkwento siya.

"Sinong tinitignan mo ng masama?"
"Ay bakla!" Nagulat naman ako sa presensya nito ni Dale. Bigla naman kasing sumusulpot nang walang pasabi.

"Sinong bakla? Ako?" Inirapan ko lang siya at bumalik ako sa trabaho ko.

Nakita ko namang tumayo na yung lalaki kanina, Si Sander, at lumabas na siya ng shop. Sinundan ko lang siya ng tingin habang naglalakad siya. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumingon at ngumisi sa akin. Fyi, NGUMISI! para bang nangaasar siya na hindi ko alam. Ugh! What's his problem?

"Guys! Manlilibre daw si Seline!" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni Dale. Tapos na kasi yung trabaho namin at pauwi na kami ngayon. Ang usapan namin siya lang yung ililibre ko pero niyaya niya pati yung dalawa.

Wala na kong nagawa at kasama ko silang tatlo ngayon. "Anong nakain mo Seline at manlilibre ka? Guilty ka ba kasi one week kang MIA?" Sinamaan ko naman ng tingin si Neo dahil sa sinabi niya.

"Shut up and just eat!" Nagtawanan naman silang tatlo. These rude boys! Ang malas ko talaga hays.

"Btw, kamusta pala si Andy? Nakakausap mo ba siya?" Tanong ni Dale kay Neo. Napatigil naman ako sa pagkagat ng burger dahil hinihintay ko yung response niya.

"Okay lang naman daw siya. Nagsend nga siya ng picture eh. Tignan niyo." Pinakita ni Neo yung picture sa cellphone niya. Gusto ko man na hindi ito tignan pero gusto ko lang din malaman kung okay ba siya.

Hindi ko alam kung matutuwa ako o masasaktan dahil sobrang saya niya sa picture at kasama niya yung babaeng pumunta sa shop before.

"Kasama niya pala yung girlfriend niya. Sana all ganyan kasaya yung buhay aba!" Napatayo akong bigla dahil sa sobrang inis. Napatingin silang tatlo sa akin at hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko.

"Uuwi na ko. Ubusin niyo na lang yan." Hindi ko na sila hinintay sumagot at naglakad na ko palabas ng restaurant.

Hindi ko na naman mapigilan na hindi maiyak dahil sa nararamdaman ko. Why does it hurt so much? Wala kasi siyang pake.

Patuloy lang ako sa paglalakad kahit marami nang taong bumubunggo sa akin. "Ano ba yan! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo! Stupid!" Napaupo na lang ako sa gilid ng kalsada habang patuloy kong pinupunasan yung mga luha ko.

"You're crying again?" Napatingin ako sa lalaking nagsalita at nagulat ako nang makita ko si Sander. No... Did I say lalaki? Hindi siya straight na lalaki but.... He's gay.

How To Unlove You (Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon