"Earth to Seline? Hey! Ayos ka lang?" Napatingin naman ako kay Sander dahil hindi ko namalayan na kanina pa pala niya ko kinakausap.
"May sinasabi ka ba?" Bumuntong-hininga naman siya sa tanong ko at hinawakan niya yung mukha ko gamit yung dalawa niyang kamay.
"Focus on me, okay? What's wrong?" Nagulat naman ako sa ginawa niya dahil sobrang lapit ng mukha ko sa mukha niya na ramdam na ramdam ko yung hininga niya.
"Uhhh...okay lang ako," tinaasan naman niya ko ng kilay na para bang hindi siya naniniwala sa sinasabi ko.
"Fine!" Bumitaw siya sa pagkakahawak sa mukha ko at hindi ko alam kung bakit parang uminit bigla yung mukha ko. What's wrong with me?
"I said I need your help."
"Help? Para saan?" Kinuha niya yung cellphone niya at hinarap niya ito sa akin.
"Here! It's my mom's birthday next week so I need your help for the party."
"Marami bang bisita?"
"Not really. It's just mom, you, and me."
"Yung papa mo?" Bigla naman nagbago yung expression ng mukha niya nang mabanggit ko yung patungkol sa Papa niya.
"He passed away..."
"Sorry..." wala talagang preno yung bibig ko. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong sabihin dahil sobrang awkward ng situation namin ngayon. Magsasalita na sana ako nang makita kong ngumiti siya na parang walang nangyari.
"So, are you going to help me?"
"As if I have a choice?" Ngumiti naman siya sa akin ng sobrang lapad at hinawakan niya yung kamay ko. Hindi pa rin talaga ako sanay kapag sobrang clingy niya sa akin.
"I'll text you later! Ingat ka sa work mo!" Nag-wave naman ako kay Sander pagkasakay niya ng kotse. Pupunta pa kasi ako sa part-time job ko, at siya naman ay may aasikasuhin daw.
Napatigil akong maglakad nang marinig kong tumunog yung phone ko.
From: Andy
Hi Seline, kamusta ka? :)Muntik ko nang malaglag yung phone ko dahil sa gulat. Hallucination ba ito? Si Andy ba talaga yung nag-message sa akin?
Kamusta? Pagkatapos niya kong talikuran sa airport? Okay lang siya? Kung nandito siya sa harap ko baka nasapak ko na siya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Kailangan ko ba siyang reply-an? Ano namang sasabihin ko? Sumakit lang yung ulo ko kakaisip kaya naisipan ko na lang na itago sa bag ko yung phone ko.
"Hoy Seline! 15 minutes mo ng nililinis yang baso. Baka kumintab naman yan sa kakalinis mo," Sabi sakin ni Neo. Kanina pa pala ko nakatulala hindi ko na namalayan. Mahigit isang oras na rin yung nakalipas simula nang makarating ako dito sa shop at mabasa yung message sa akin ni Andy.
Kinuha ko yung phone ko na nakatago sa bulsa ko. Binasa ko ulit yung message ni Andy.
To: Andy
Okay lang naman. Ikaw, kamusta? :)Pagkatapos kong i-send yung message ko ay ibinalik ko na sa bulsa ko yung phone at baka mapagalitan pa ko ng Manager namin. Hindi ko na naisip kong tama ba or mali yung ginawa kong pag-reply sa message niya pero masaya ako sa ginawa ko.
Palabas na kami ng shop dahil kakatapos lang ng shift namin. Nagkanya-kanya na kami ng daan at syempre wala akong kasabay. Si Andy lang naman yung nakakasabay ko kapag umuuwi kami. Magkalapit lang naman kasi kami ng bahay. Two streets away kaya minsan ay nagkakasalubong kami.
Napatigil ako sa pag-reminisce nang mapansin kong may message ako sa phone.
From: Andy
Okay lang ba na tawagan kita?Halos atakihin na naman ako dahil sa nabasa ko. Hoy Seline! Umayos ka! Parang last week lang umiiyak ka dahil sa kanya tapos ngayon kinakausap mo siya na parang walang nangyari? Nababaliw ka na ba?
Oo, baliw na nga talaga ako.
To: Andy
Okay lang naman. Ngayon na ba?Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay bigla na lang tumunog ulit yung phone ko.
Lumingon-lingon ako sa likod at gilid ko kung may mga tao. Nang makita kong ako lang mag-isa sa daan ay nagmadali naman akong umupo sa may gilid at sinagot ang tawag ni Andy.
"H-hello?" Sabi ko na may halong kaba. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.
"Hi...nakauwi ka na ba?" Parang may kumirot sa puso ko nang marinig ko yung boses niya sa kabilang linya.
"Actually, hindi pa. Nandito pa ko sa labas."
"Ahh sorry.. naistorbo ba kita?"
"Hindi.. ayos lang! Gusto ko din magpahangin muna dito sa labas."
"Kakatapos lang ba ng work niyo?"
"Oo, medyo busy nga kanina pero ayos lang naman. Kamusta ka?" Narinig ko yung paghinga niya sa kabilang linya.
"I'm good. Medyo busy din sa restaurant kanina."
"Wow, congrats! Nabuksan mo na pala ulit yung business mo dyan."
"Thank you..." ilang minuto din kaming natahimik na dalawa. Hindi ko rin naman alam kung ano ba yung dapat ko pang sabihin sa kanya.
"Seline...."
"Huh?"
"I'm sorry..." ito na naman yung sorry niya.
"Para saan?"
"For everything.." hindi ako sumagot dahil ayokong lumabas yung pinipigilan kong luha. Hindi pa ko handa na masaktan ulit.
"Huwag mo na kong tawagan ulit, Andy. Goodbye." Pagkatapos kong sabihin 'yon ay pinatay ko yung tawag at bigla na lang tumulo yung mga luha ko. Ang pathetic mo talaga, Seline!
"Bakit ba kapag nakikita kita lagi ka na lang umiiyak?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko naman si Sander na nakatayo sa harap ko.
Hindi ako nagsalita pero tumayo ako at nagmadali akong yakapin siya. Ito yung kailangan ko ngayon kaya sobrang nagpapasalamat ako dahil nandito siya sa harap ko.
"Shhhh..everything will be okay." Sabi niya habang hinahaplos niya yung ulo ko.
BINABASA MO ANG
How To Unlove You (Hiatus)
RomanceA boy and a girl fell in love with each other is a perfect romance, but what if this is about a boy (likes men) and a girl (hopeless romantic) fell in love with each other? Would this be a perfect romance?