Kinabukasan. I woke up with food ready on the table, with notes. "Eat first before leaving." syempre, hindi ko kinain binalot ko na lang para dalhin kila mama at lola baka hindi pa sila nag a-almusal.
" Good morning ,lola." Bati ko Kay lola na mukhang kagigising lang rin.
" Saan ka natulog kagabi? " Tila nag aalala niyang tono
" Don po, kay tita Lisa."
" Ano iyan? Nag abala ka pa," ani niya habang sinusundan ako sa lamesa para e handa yung dala kong pagkain.
" Alam ko pong hindi pa kayo nag aalmusal ni mama." Ngumiti ako sakanya
" Apo, pag pasensyahan mo na ang nanay mo uh? "
" Sanay naman po ako." I smiled hard ." Kaunti na lang po baka ma-manhid na itong katawan ko sa pangbubugbog niya."
" Alam mo lola..tinatanong ko rin yung sarili ko..minsan, anak ba niya talaga ako? Niluwal niya ba talaga ako ? O inampon lang.
Sa pagkakaalam ko walang ina ang kayang manakit ng anak, walang ina na ituturing na hayup ang anak. Sa akin kasi kay mama turing niya sakin hindi anak...masahol pa sa hayup." Umiwas ako ng tingin Kay lola dahil nagbabadya na naman ang luha ko.
Gusto kong sabihin kay mama na Ma.. mahal mo ba ako? Anak mo ba talaga ako? O alaga mo lang akong hayup, ayun kasi yung nararamdaman o eh, isa lang naman yung gusto ko. Yung ituring niya akong tunay na anak. Mahalin niya ako tulad ng pagmamahal ng ibang nanay sa anak nila.
" Apo, tumawag pala ang Tito alvin mo." Tinignan ko si lola na uupo sa sofa
" Si Tito alvin? Yung na sa abroad ? " Dali dali akong lumapit sa kanya
" Oo, tinatanong nga kung gusto mong mag aral ulit." An niya ." Siya raw ang magpapa aral sayo, matutupad mo na yung pangarap mong maging
attorney. "" Naku! Kung ibinibigay sakin ni alvin yang pera na ipa-pa aral niya sa babaeng 'yan. Wala siyang mapapala dya
Dyan. Walang alam yang babaeng yan eh. " Biglang singit ni mama
" Ano ka ba naman betty. Wala ka bang tiwala sa kakayanan ng anak mo? " Pakikipagtalo ni lola
" Wala! ." Sigaw ni mama saka higa sa kama. " Alam mo xiamara. Maganda naman 'yang katawan mo, mukha mo, bakit hindi ka nalang mag bar ng mapakinabangan ka naman."
" Betty!" Singhal ni lola
" Lola, hayaan niyo na po. " May sakit kasi sa puso 'tong si lola.
" Wen, tara." Aya sakin ni yehsa
" Saan na naman ?" Tanong ko sabay lapit
" Du-- anong nangyari dyan ?!" Tinakpan ko pa yung bibig niya saka siya hinila palabas baka magising na naman si mama.
BINABASA MO ANG
𝘛𝘏𝘌 𝘌𝘓𝘋𝘌𝘚𝘛 𝘚𝘖𝘕 𝘖𝘍 𝘛𝘏𝘌 𝘗𝘙𝘌𝘚𝘐𝘋𝘌𝘕𝘛
RandomSamuel william rumualdez is the eldest son of the incoming president, educated at famous schools abroad. handsome, smart, rich and above all kind. .Wen xiamara gomez, a woman who grew up in poverty did not finish school so she did not get her dream...