Chapter 2

1 0 0
                                    

^ _ ^

"Good morning mr. Markien, mr. Rain Miguel and mr. Loui Shan, napaka aga naman ata ng sanck time nyo?" magkasalubong na kilay ang bumugad samin pag pasok sa room.

Andun na pala si Ma'am. Merline, Science teacher namin saka second subject namin sa umaga.

"Go back to your sits now, I'll be giving a surprise test." Masungit na sabi ni Ma'am. Merline

Haysttt! Di ko talaga alam sa teacher na toh kung bakit napaka terror, kaya pa nagmumukhang matanda na eh dahil sa ugali.

Nagkatinginan nalang kaming tatlo bago kumuha ng papel at nagsimulang mag test, buti nalang talaga at may stack knowledge ako sa science.

Pagkatapos namin sa second subject ay mabilis naring natapos ang klase namin sa buong araw, katulad lang ng dati, ma turo pagkatapos ma exam. Nakakapagod din pala ang mag aral ng mag aral.

"Sawakas natapos din" inaantok na sabi ni Rai pakatapos namin mag linis sa room.

Kami kasi ang cleaners ngayon, ewan ko ba bakit monday pa eh! May laro ako ngayon eh.

"Itapon nalang natin ito, pag katapos uwi na rin" sabi naman ni Loue habang hawak hawak yung itim na plastic bag ng basura.

" Awit pre! may laro kami ngayon, nag chat si sir sa gc namin" napabuntong hininga nalang ako dahil may laro pa pala mamaya.

Pagkatapos namin itapon ang basura, gaya ng napagusapan ay umalis na rin kami sa room, pumunta akong covered court para mag training at yung dalawa naman ay may kikitain daw sa labasan.

Nakasuot na ako ngayon ng sport short at black na t-shirt na may tatak ng school namin, pagkarating ko sa court tamang tama at nag sisimula palang sila mag stretching.

Katulad ng dati, nag practice lang kami ng serving at ng receive dahil malalakas na din naman ang player namin kaya hindi na kami masyadong nag hihirap pag may laban, hindi na ako magugulat kung makakarating ulit kami sa palarong pambansa.

Mag didilim na nung natapos kami mag practice, nag ayos na ako ng gamit ko at inilagay sa bag ko yung tubig at nag palit na rin ako ng sapatos.

Pagkatapos ng training ay pumunta na ako sa abangan ng jeep dito malapit sa school, nakakapagod na rin mag laro kundi lang para sa scholarship di na ako mag lalaro.

Habang nasa waiting chade ako ng sakayan ng jeep ay rinig ko parin ang bulungan ng mga babae na kasabay kong nag iintay.

"Grabi ang hot talaga ni Kien, lalo na pag nakasuot pa sya ng pang volleyball na jersey."

" Oo nga! Hingi kaya tayo ng jersey nya yung may apelyido nya sa likod"

Haysttt! Araw araw nalang ba ganito? Lagi nalang ako nakakakuha ng attention ng mga babae.

Pag dating ng jeep ay sumakay narin ako, medjo mahaba ang biyahe dahil traffic narin pag ganitong gabi na. Pag ka baba ko samay kanto ay nag lakad na ako papauwi sa bahay.

Nasa labas palang ako ay may napansin na akong pamilyar na sasakyan. Agad akong pumasok para malaman kung kanino yung sasakyan na nasa labas

" Oh Kien bakit nauwi ka palang? Gabi na, siguro nakipag date ka pa" tatawang bati sakin ni papa.

Bihira lang kasi umuwi si papa dahil yung trabaho nya malayo dito samin kaya minsan lang o tatlong beses lang sa isang lingo kung umuwi sya.

"Nako pa, wala pa sa isip ko yan. Kakatapos lang ho namin mag training para sa dadating na competition laban sa ibang school" sagot ko naman kay papa, tumango naman sya kaya pumunta na akong kwarto para makaligo na dahil amoy pawis na rin naman ako.

Pagkababa ko ay nakita kong nag hahanda na si mama ng gabihan namin, andun nadin si Kuya Kiyan, sya yung nakakatanda kong kapatid. 1st year college na sya ngayon at nag aaral ng Criminology, medjo malayo nga yung school nya kaya naka dorm na sya ngayon.

Pag uuwi si papa, ay umuuwi din si kuya para mag kakasama kami pag andito si papa, ang saya nga dahil nakokompeto parin naman kami kahit papano.

Umupo na ako sa tabi ni kuya para kumain, antok na rin ako kaya kunti lang ang kinuha kong pagkain para makatulog na rin ako pagkatapos.

"Hay nako Kien, nung nasa age moko ang dami kong girlfriend nuon. Tingan mo ikaw kahit isa di ka pa nagkaka jowa" panimula ni kuya habang kumakain.

"Sigurado ka bang wala ka pang girlfriend sa school nyo Kien?" pagtatanong ni papa sakin.

"Nako pa, focus ako sa academic ko hindi naman ako mauubusan ng babae jan diba" sagot ko nalang dahil sa tuwing nag kakasama kami girlfriend agad ang tinatanong nila. Di ba pwede walang girlfriend pag pogi? Haysttt

Tuloy tuloy lang akong kumain habang si papa at si kuya ay nag uusap tungkol naman sa pag aaral ni kuya. Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako sakanila na matutulog na.

Ginawa ko na lang muna ang assignment ko at nag review ng kaunti para sa topic namin bukas bago matulog.

Panibagong araw nanaman, ngayon ay maaga na akong nagising at nakapag almusal na rin bago pumasok sa school.

"Oh anak, iyan yung lunch box mo. Kainin mo yan huh" inabot sakin ni mama ang baunan ko bago pa ako lumabas ng gate

Si papa ay malamang tulog pa at si kuya naman ay umaalis din pagkatapos ng dinner dahil kailangan nya pang pumasok kinaumagahan.

Pagkarating ko sa school ay nakita ko kaagad mga kaibigan ko na may pinag uusapan at tatawa tawa pa sila. Ng maramdaman nila ang presensiya ko ay pareho silang napalingon sa gawi ko na nasa tapat ng pinto

" Kien pre, halika dito may kwekwento ako hahaha" bungad agad sakin ni Rai

"Shout up Rai, don't embarrass me" inirapan ni Loue si Rai habang tumatawa naman itong isa

" Ano bayun? Napaka aga ang ingay ingay ko Rai" sabi ko habang inaayos ang gamit ko sa upuan.

" Diba kahapon may kinita kami sa labas ng gate, akala ni Loue sya yung hanap ikaw pala pre yung kailangan hahahaha" tumatawang pag kwekwento ni Rai sakin habang si Loue naman ay hindi na maipinta ang mukha dahil sa kahihiyan.

" Cut it off Rai, btw Kien ikaw nga ang hanap. Dude you got the jackpot, I'm sure ma i'in love ka dun" kibit balikat na sabi ni Loue

Huh? Ako nanaman? Bakit ba ayaw akong tantanan ng dalawang toh? Sabi ng ayaw ko 'muna' ng relationship eh, kulit naman nila.

Di ko nalang sila pinansin dahil dumating narin naman ang teacher namin, katulad lang din ng dati Boring na boring lang talaga habang nag di-discuss.

Mabilis din naman na lumipas ang oras at sawakas break time na kaya kinuha ko ang luny box ko at pumunta na kaming canteen nila Rai at Loue.

Mabuti nalang at may nahanap agad akong bakanteng upuan kaya naman umupo na agad kami bago pa may umupong iba.

Iniwan ako nung dalawa para mag bili ng snacks nila, dahil nga meron naman akong baon di na ako sumama at nag intay nalang sa table.

Nag open ako ng social media ko para tingnan kung may training ba kami mamaya or wala, ayos wala daw kasi may aasikasuhin si couch.

Napaangat ang tingin ko ng biglang may nahulog na tray at nagtilapon ang mga pagkain sa sahig. Kitang kita ko ang takot at kaba nung babae habang hawak hawak naman ng isa pang babae yung kwelyo nya.

_________________<3____________________________________________


When Destiny Say Where stories live. Discover now