*Ring* Ring* *Ring*
Ang aga kong nagising dahil sa alarm ko na kanina pa tunog ng tunog, halos mga fige minutes na ata ring ng ring arghhhh"Ughhh! ano ba yan, kulang pa tulog ko ehh." pag mamaktol ko dahil naputol yung panaginip ko.
"Kien, bumamaba ka na ri'yan ano pa bang sinisigaw mo jan? Mag asikaso kana baka ma late kapa" sigaw ni mama sa baba habang nag hahanda ng agahan.
Napakurapas naman ako ng takbo papuntang cr pagtingin ko sa orasan! F*ckkk 7:00 am na, nag madali na akong maligo at mag suot ng uniform ko dahil baka ma late pa ako, nag suot lang ako ng white polo na may guhit na black sa parting gitna at black na layer naman sa kwelyo, naka tuck in lang iyon sa black slacks ko at black shoes dahil Monday palang ngayon.
"Anak, ang I.D mo asan?" bigla akong napakapa sa harapan ko at napansin na hindi ko nga suot ang I.D ko.
Haysttt, kung kelan naman nag mamadali saka naman nag eepla ang pagiging sabaw ko sa umaga.
"Ma, sa cafeteria nalang po ako mag aalmusal baka ma-late pa ako at maiwan ng jeep" sabi ko kay mama sabay labas ng gate at tumakbo na papauntang sakayan ng jeep.
Pagkarating ko palang sa may waiting area ng jeep, ramdam ko na agad ang tinginan at rinig ko rin ang bulungan ng mga nag iintay roon.
"Ang gwapo talaga ni Markien"
"Hala bakit ang fresh nya sa umaga"
"Kasabay ba natin sya sa jeep? Ako ang katabi nya okay!"
Rinig ko sa mga babae sa gilid habang nag iintay ng jeep.
Di naman talaga maipag kakaila na masasabing 'gwapo' nga ako dahil kapag may laban ng men's pagent sa school ay ako lagi ang nanalo. Isa rin ako sa mga habulin ng babae sa campus pero mas focus ako Ngayon sa pag aaral ko.
May mga lumalit pa sakin na babae para mag pa picture, wala naman akong magawa kundi ngumiti.
May mga lalapit pa sana buti nalang at dumating na ang jeep sumakay nalang ako sa may bandang hulihan dahil medjo siksikan na rin sa loob.
Mabuti nalang at hindi masyadong traffic kaya hindi din ako na late sa first subject namin. Pag pasok ko palang sa entrance ng school ramdam ko na agad ang tinginan ng mga babae sa paligid (hayssttt hirap talaga pag gwapo hahaha joke!). Deredereto lang ako haggang sa marating ko na ang room namin.
Mabuti nalang talaga at hindi ako na late at wala parin naman ang advicer namin.
"Kien pre, bakit mukhang na late ka ata ngayon? Dami bang humarang sa daan?" Tanong agad ni Rai pagkaupo ko sa upuan malapit sakanya.
Rian Miguel Suares, Rai for short ayaw nya kasing tinatawag na Rian. Best friend ko simula elementary, actually parang kapatid ko na rin sya dahil sa dasal nya sa bahay pag weekends.
"Oo nga Kien, di ka naman gantong oras pumapasok dati ah" dagdag pa ni Loue sa kabilang upuan
Louis Shan Monter, kilala bilang Loue sa clase, sya kasi yung mabait, masipag at sinasabi rin ng iba na si Loue daw yung 'standard' ng mga babae. Marami na syang naging girlfriend dahil sa charisma nya, ewan ko kung bakit iba iba nalang ang nagiging girlfriend nito.
Sasagutin ko na sana sila ng biglang pumasok ang advicer namin na si Mr. Lacson ang math teacher namin at advicer narin.
Hindi ako kagaya ni Loue na halos lingo lingo ay merong shota, di ko lang makita ang sarili ko na may pinag bubuhusan ng attention. Dahil mas tutok ako sa pag aaral ko at sa Sport na sinalihan ko.
Ughh! Lagi nalang boring ang math subject, hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko para lang manatiling gising habang nag di-discuss si Sir Lacson.
Mabuti nalang at nag ring na ang bell para sa next subject naman, pero meron kaming Fifteen minutes para sa break time or kung meron gustong mag comfort room.
"Tara sa canteen, di pa akong nag aalmusal bibili lang ako ng cheese burger" aya ko kina Rai at Loue
"Tara sakto gutom na rin ako" sabi naman ni Rai. Lagi nalang gutom itong lalaking toh, kala mo ay di kumakain mayaman naman
" I'll just come with you guys, wala naman akong gagawin baka may chixs din don" nakangiting sabi naman ni Loue.
" Teka Loue, asan na yung ka date mo mung last week? Don't tell me Break na agad kayo?" nag tatakang tanong namin mi Rai habang nag lalakad kami papuntang canteen.
" Ughh! She's so boring, di ko gusto yung mga gusto nya. We're not even like each other things kaya i know na hindi rin naman mag tatagal yun" kibit balikat na sagot ni Loue.
" As expected Louis Shan, hindi ka talaga nakokontento sa isa, bahala ka baka karmahin ka rin" pag sisingit ko sa usapan nila.
Agad naman tumawa si Loue dahil alam naman nya na kaya nyang kuhain lahat ng babae dito sa campus dahil sa natatangi nitong charisma.
Kahit kailan talaga, hindi man lang sila tumulad sakin na walang inatupag kundi ang pag aaral at ang sport ko, i dont see my self getting in a relationship. I dont really know how to handle a good relationship so hindi nalang ako sumusubok.
Pagkatating namin sa canteen ay pumila na agad ako sa bilihan ng cheese burger, medjo natagalan pa akong nakapila dahil marami ng nakapila at gumagawa pa lang din dahil maaga pa nga naman para sa snack time.Bumili naman ng drink yung dalawa, sumama lang talaga sila dahil inakit ko, at wala naman atang balak kumain itong mga to.
Pag kakuha ko ng cheese burger ay agad ko na ring inabot yung bayad ko, derederetso akong pumunta sa kung saan naruon sila Rai at Loue. Nasa may bandang exit sila nakaupo dahil mga hindi din naman kami mag tatagal.
"Kien, may irereto ako sayo I'm sure you will like it" sabi ni Loue pagkarating ko sakanila
Reto? Sakin? Huh? Nihindi nga sumagi sa isip ko na maging in a relationship dahil 3rd year highschool palang naman kami, saka wala pa talaga sa isip ko ang mga ganung bagay.
"Oo nga pre, nakita ko kanina I'm sure magugustuhan mo talaga sya" dagdag pa ni Rai.
"Haysttt! Alam nyo naman na wala akong time sa date date na yan diba, nag aaksaya lang tayo ng oras. Mabuti pa ay bumalik na tayo sa room baka andun na next teacher natin" pag putol ko sa usapan para di na nila ako kulitin._________________<3____________________________________________
YOU ARE READING
When Destiny Say
Fiction généraleThe story of Kein who's loved playing sports, but not the heart of his love.