I started my day with a cup of coffee and three pancakes para I love you, charot. I wasn't inform that today is holiday so l decided to apply in Mircus Urban Café. Sana matanggap ako, though marami pa naman akong puwedeng applyan pero mas malaki ang MUC at mas sikat ito dahil sa masarap na lasa ng mga kape nila. Malaki rin ang suweldo kahit part-time ka lang.
[Ayaw mo ba talaga sa bake shop ng mommy ko? Malaki rin sahod doon.]
Napabuntong hininga na lamang ako habang kausap si Clarence sa cellphone.
"Ano namang alam ko sa pag bake? At saka may tatlong nakaassign na sa counter. Sapat na ang empleyado ng mommy mo kaya ayos lang." Hindi naman sa mata pobre ang mga magulang ng mga kaibigan ko, pero kasi nakakahiya rin dahil wala akong alam sa trabahong iyon. Alam ko paano magluto pero magbake hindi, nasubukan ko na iyon at ang pangit ng gawa ko.
[Okay, sabi mo 'e. Goodluck sa pag-apply, sana matanggap ka...Basta 'pag may kailangan ka o magbago ang isip mo sabihan mo'ko ah?]
I smiled. Clarence is such a caring friend.
"Oo na. Salamat bhe."
Saktong pagbaba ko sa cellphone ay huminto na ang sinasakyan kong taxi. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa Mircus.
You can do this Miraya Faele Delos Santos! Para sa pamilya mo, laban!
The manager accompanied me and thankfully it's a girl, she's nice and friendly. I already gave her the said requirements. We're sitting on their mini office for some questions. Hindi naman mawawala ang interview 'pag nag-apply ka ng trabaho, big time man o hindi gaano.
First she asked me about my skills and what l know about coffee making. Well, hindi naman sa pagmamayabang pero ako ang tagatimpla ng kape sa pamilya namin. Tuwing may lamay din sa mga kapitbahay namin ako ang pinapatimpla nila ng kape sa gabi. Masarap daw kasi akong magtimpla ng kape.
"I like your name ah, it's pretty and unique kaso ang haba, how should l call you? Miraya or Faele?" the manager asked.
Mahina akong natawa. Ganoon kasi parati ang tinatanong sa akin lalo na ng mga teachers ko, mahaba raw kasi ang pangalan ko. Miraya is the combination of my parents name, Mirlan and Seraya. While Faele is my tita's second name. She has an ovary problem so she can't bear a child, ako ang itinuturing niyang anak.
"Mia na lang po ma'am." pinaikli para hindi na siya mahirapan.
Tumango siya at pinagpatuloy ang pagbabasa sa résumé ko. "Kaka-eighteen mo pa lang pero gusto mo agad magtrabaho. Bakit?"
"For my family ma'am...ako na lang kasi ang natirang anak at matanda na rin ang mga magulang ko. I want to give back everything they'd done for me, for us. My brother just died and the responsibilities was given to me. I really need this job so l could buy medicines for my sick mother. I'm not begging, but l hope you'll give me a chance." I sincerely said. I can't tell the whole story but at least l'm saying the truth. I'm not the type of person who lie just to get what she wants. Kung hindi man ako palarin na matanggap ayos lang, naniniwala akong hindi ako pababayaan ng Diyos. I know l have a bright future because l have God.
Manager Kim smiled then she excused herself. May tinawagan muna siya sa labas, nang bumalik siya sa loob ay inilahad niya ang kamay niya sa akin.
"Congratulations Ms.Delos Santos, you're hired!" masaya niyang bati.
I felt the joy in my heart. I can't explain all the emotions l'm feeling at the moment. Indeed an answered prayer!
Instead of shaking hands, l hugged manager Kim. "Thank you po ma'am...Promise l'll do my best po."
Thank you, Lord! May trabaho na ako.
Iginiya ako ni manager Kim sa bawat sulok ng MUC para alam ko kung saan ang puwede at bawal kong pasukin na room.
"Iyang nasa pinakadulong private mini room na iyan kay sir Do 'yan. Ang may-ari nitong Mircus. Bawal pumasok ang mga empleyado riyan, hindi naman sa may dinadala siyang babae rito ah, nbsb kasi 'yon." pagkuwento ni manager Kim. Tango lang ang naitugon ko ngunit kanina pa may bumabagabag sa akin...'yung clock keychain na nakasabit sa metal door bolt lock pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung nagkataon lang kasi kaparehong-kapareho no'ng ibinigay kung clock keychain kay Zahyun, 10 years ago.
Pagkatapos akong e tour ni manager Kim ay binigyan niya ako ng uniform para makapagsimula na ako bukas. 4:30-8:00 PM ang shift ko, saktong pagkatapos ng klase at activities namin sa school.
I thanked the manager before l go. Pero natigilan ako sandali nang mahagip ng paningin ko si Zahyun na nagkakape sa labas ng Mircus. Nakashades pa kala mo naman ikinaguwapo niya.
Matagal na siyang guwapo sis.
Napailing na lang ako sa sariling naisip. Ano ba 'yan nakakadistract. Sana 'wag na siyang bumalik dito kapag nagtrabaho na'ko. Ayaw kong makita ang pagmumukha niya, naaalala ko lang ang mga pang-iinis niya sa akin. Nakakairita!
"Hi Mia!" masayang bati niya nang makita ako.
I want to ignore him but l remember what Hyunje said. Makisama ako at respetuhin ko siya.
"Hello po sir Florez." I greeted back but the smile on his face fade. I don't know why, l didn't do something wrong. I'm being polite here...But why does his eyes seem so sad?
May nasabi ba akong hindi maganda?
Bakit naaapektuhan din ako sa emosyon ng mukha niya?
Ayaw ko nito, baka masaktan na naman ako.
YOU ARE READING
Watch Me Fall Again
Short StoryWhen an eighteen years old Miraya Faele Delos Santos fell in love with his childhood crush and now twenty-five years old general chemistry professor Zatticus Dohyun Florez.