Chapter 20

223 7 0
                                    

A/N:

Hi! How are you? I hope you're doing fine.

Anyway, just want to say that my characters aren't perfect. I'm still in process of learning and improving my writing skills. If you find this story or my stories unpleasant to read, then stop reading it. I understand, and l am sorry lf l disappoint you.

Hindi man ako sikat na manunulat, ako ay nagsusulat pa rin ng kuwento. Mga kuwentong maaaring magustuhan o hindi ng iba, mga kuwentong hindi perpekto ngunit pinagsikapan na mabuo...Ako ay manunulat na nangangarap at nasa proseso pa rin ng pagkatuto. Nawa'y maintindihan ninyo, maraming salamat po :)

Let's spread love and positivity! Love you mga bb, ingat palagi. Sumunod pa rin sa health protocols. And don't forget your mental health, it's okay to take a rest if you're tired at kapag okay ka na laban ulit. Wag susuko, makakamit mo rin ang mga pangarap mo sa buhay.❤️


-----------

Zahyun's POV

° ° ° ° °

"Truth or dare tayo!" teacher Mae Anne get an empty bottle of wine then she placed it at the center of the table where we dine-in.

I was busy checking on my phone, waiting for her reply. I saw her recent ig story, she's with that guy again and they seems on a date. Naiinis ako tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng binatilyong iyon.

"Mukhang may hinihintay kang reply Prof ah." Ito na naman si Sir Anton, kanina lang nasa kabilang upuan siya ngayon nasa gilid ko na. Iba talaga kapag chismoso.

Hindi ko na lang siya sinagot. Ininom ko ang natirang wine na binigay nila sa akin at saktong pagkaubos ko no'n ay tumama sa akin ang ulo ng boteng pinapaikot nila sa gitna.

They're all waiting for my respond.

"I'm out of the game, ma'am, sir." I said to my batchmates and co-educators.

Hindi ko alam kung sinasadya ba o ano pero tuwing naglalaro kami ng ganito parating ako ang taya.

"Para kang others, Prof. Hindi naman mahirap sagutin ang isang tanong o gawin ang isang simpleng bagay." teacher Gale gave me a smile but l knew better than anyone that it was not genuine. Gusto lang nitong makasagap ng chismis mula sa akin kaya dinadaan ako sa pangiti-ngiti.

As if l have a choice. Kukulitin lang ako ng mga ito kung hindi ako sasagot gaya noon. Parati na lang truth, masubukan nga ang dare. "Fine, just one dare then after this l'll go home." I said. I still have an important thing to do.

Kapag nakapasok na ako sa eskwelahan na iyon at naging estudyante ko na siya, araw-araw kong babantayan ang bawat kilos niya. Lalo na iyong kaibigan niya kuno na halatang may gusto sa kaniya. Tsk. I'm a man too and l know those kind of stares, eyes that show affection...He wants to own her and l won't let that happen.

"Yon oh!" my batchmates cheered and since teacher Gale started the game, she'll be the one to dare me. "Easy lang para hindi ka mapressure." biro ni teacher Gale.
I waited patiently for it. Hinanda ko na rin ang mga gamit ko para 'pag nagawa ko na uuwi kaagad ako.

"Say I love you to the girl you want to marry." she said and everyone in the circle cheered except me. Lahat sila may karelasyon, 'yung dalawa kasal na. Habang ako rito hinihintay ang isa riyan na maging matagumpay muna sa buhay bago ko lakas-loob na yayain ng kasal.

Nagdadalawang isip pa ako kung sa real account ko siya ko icha-chat. Kaya nga gumawa ako ng pangalawang account para makausap siya kahit alam kong mali dahil posibleng malaman niya na ako iyon. Ayaw ko siya magmukhang tanga pero ito lang ang paraan para malaman ko ang kalagayan niya, dito ko siya nakukumusta...dito sa account ko na 'to nalaman kung gaano niya ako kinamumuhian. Masakit pero tinitiis ko, may kasalanan din naman ako...pero ayaw ng pamilya niya sa akin eh. Kung hindi ko siya nireject dati at nagpadala ako sa nararamdaman ko, maaaring ilayo nila siya sa akin. Maaaring hindi na kami magkita pa.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now