Chapter 17

105 11 2
                                    

He brought me sunshine when l only saw rain. I  hate how he smile and look at me like there's no tomorrow, his stares made me weak and melt. This affection started a decade ago but slowly changing as time goes by.

Kahit anong tanggi at sigaw ng aking isipan na tama na, patuloy pa ring pangalan niya ang tinitibok ng puso ko.

Nakakainis, nagagalit ako sa mismong sarili ko dahil sa bilyon-bilyong tao sa mundo sa kaniya ko pa naramdaman ito. Sa lalaking mas matanda sa akin, sa lalaking naging guro at boss ko, sa lalaking hindi ako maibigan.

Paano ko ba pipigilan ito? Kung pag-ibig ang kalaban ko.

"Hoy!"

Napaigtad ako sa gulat at napahawak sa aking dibdib nang gulatin ako ni manager Kim.

"Manager Kim naman." I pouted but she just laughed.

Nasobrahan ata ako sa pag-isip ng kung ano-ano kaya hindi ko siya napansin agad.

"AHAHAHAHA sorry, kanina ka pa kasi tulala riyan eh." aniya saka tinabihan ako sa counter at inakbayan. "May problema ba? Kung masyadong private naiintindihan ko, pero kung puwede naman nating pag-usapan bukas ang dalawa kong taynga para makinig sa'yo." she said then winked at me.

Tinatrato niya akong bunsong kapatid na parang barkada na niya rin. Mabait siya sa lahat kaya maraming may gusto sa kaniya. Pati mga lalaki.

I sighed heavily.

After that night, wala na talagang pansinan. As in wala. Gano'n pa rin, guro ko pa rin siya pero hindi na niya tinatawag ang pangalan ko sa klase. He's still my boss but he doesn't show up his face to me inside the Mircus. When we're in school l keep avoiding him. There's always a boundary between us. Para naming tinatrato na estranghero ang isa't isa.

At iyon ang masakit.

"Manager Kim..." I badly want to ask this so l would hear his own opinion. "...nagmahal ka na ba?"

Lumaki akong busog sa pagmamahal ng mga magulang. Nakita ko kung paano alagaan at mahalin ni papa si mama at gusto ko ring maranasan ang ganoong klase ng pagmamahal galing sa isang tao. Iyong tao na hindi magsasawang iparamdam sa'kin ang halaga ko bilang babae.

Manager Kim smiled. "Lahat naman ng tao nagmamahal, may puso tayo eh. Pero kung iyong romantikong pagmamahal ang tinutukoy mo, ang sagot ko ay 'oo'." aniya saka umiwas ng tingin na tila ba ayaw pag-usapan ang bagay na iyon. " He's my bestfriend since college, 5 years ago l confessed my love for him but he told me he waited for someone to reach her dreams then marry her after." She said then chuckled.
" Alam mo ba grabe iyong hiya na naramdaman ko  no'ng araw na iyon. Akala ko kasi may pag-asa ako. Ang bait niya eh, tinulungan niya ako noong mga panahon na walang-wala ako... Siya iyong tipo ng tao na hindi mahirap mahalin pero napakaimposibleng mapasa akin."

" He never dated other girl. Hindi siya ang lumalapit, siya ang nilalapitan ng mga babae. He kept rejecting them because he already set himself for someone else." Manager Kim look at me—eye to eye as if she wants to tell me something her mouth can't. "She's very lucky, right? Iyong babaeng hinihintay niya napakasuwerte...dahil bihira lang ang lalaking pangarap muna ng minamahal niya ang uunahin bago ang kaniyang sarili...Minsan hiniling ko na sana ako na lang ang babaeng mahal niya. Pero ganoon talaga, kung hindi siya para sa'yo, may darating na mas karapat-dapat pa para sa'yo...Just believe in God's perfect time."

Habang nagsasalita si manager Kim, hindi ko mapigilang maging emosyonal. Sana ganiyan din ako katapang. Sana matutunan ko rin siyang kalimutan. Sana ganoon lang kadaling mag move on.

Manager Kim continued sharing about his first love na ngayon ay naging matalik na niyang kaibigan. Nakikinig lang ako. Hanggang sumapit ang gabi at oras na para umuwi.

Nagpaalam na ako kina manager Kim at sa iba ko pang kasama sa trabaho. Ngunit nang palabas na ako ng entrance door ay saka naman papasok si Zahyun. Kaagad akong yumuko at humakbang pakanan pero ganoon din ang ginawa niya. No'ng humakbang naman ako pakaliwa, sabay kami.

I bit my lower lip as my heart beats fast.

Tangina ang laki ng pintuan, sa parehong direksyon pa kami hahakbang. Nananadya ba siya?

He cleared his throat. "Ahm, mauna ka na." aniya sa baritonong boses. Humakbang siya paatras para bigyan ako ng daan. Agad akong lumabas at naglakad palayo sa kaniya. Pero bago pa man iyon narinig kong muli ang boses niya na nagsasabing mag-ingat ako. Halos pabulong na niyang sinabi iyon ngunit narinig ko pa rin.

Pinilit kong 'wag maapektuhan pero gaya ng dati, makalipas ang sampung taon kumakabog pa rin ang puso ko sa kaba tuwing nandiyan siya.

"Mia!"

I suddenly heard a familiar voice. I looked around and saw Phillian waving his hand. Lumapit pa siya sa'kin. "Uuwi ka na? Hatid na kita." aniya. Aangal na sana ako pero biglang niya akong hinawakan sa kamay at hinila patawid ng pedestrian.

For some unknown reason, l looked back on the Cafe and saw him staring at us.

Walang emosyon o ekspresyon na makikita sa mukha niya. Basta nakatayo lang siya roon at nakatitig sa amin. Ngunit ang hindi ko maintindihan... bakit ako nasasaktan na makita siyang gano'n?

Nakakalungkot.

Ang bigat sa pakiramdam.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now