Chapter 9

118 10 0
                                    

"Hoy mga bakla narinig niyo na ba? Matutuloy daw ang seniors' night natin!"

"Talaga? Omg!! Sana isayaw ako ng crush ko!"

"Libre mangarap sis, ayos lang 'yan."

Kabi-kabilang chikahan ang naririnig ko tungkol sa seniors' night namin. Last year walang seniors' ball na nangyari pero dahil iba na rin ang principal dito kaya matutuloy ulit ngayong taon.

Nakagawian na iyon sa school namin. Bago kami grumaduate sa senior high magkakaroon muna ng seniors' night. It's a big school celebration for students before they step in to new journey of their life as college students. One of the most memorable moment they would experience.

"Mia, sinong kapartner mo?" tanong ni Zarina na bigla na lang sumulpot at umupo sa tabi ko.

My brows furrowed. "Partner?" Kailangan pa ba iyon?

She rolled her eyes. "It's seniors' night, isang beses lang natin mararanas 'to! It's your chance to have your first dance." Zarina cheerfully said, she look excited. Para namang isasayaw siya ni Kaleb. Tsk.

Noong Js Prom namin wala akong ibang ginawa kun'di ang kumain at magbasa ng libro sa gilid. May nag-aaya naman sa akin na sumayaw pero tinatanggihan ko. Gusto ko kasi kung sino iyong una kong kasayaw ay ako rin ang una niya. Ang sarap isipin na ang una naming sayaw ay sa araw ng aming kasal.

That's my biggest dream, to have a dance with the person l want to spent my whole life with.

But quite impossible to happen.

"Wala akong planong pumunta." Sagot ko saka nagpatuloy sa pagbabasa ng paborito kong nobela.
Nang agawin iyon sa akin ni Zarina.

"Bhe, puwede ba mag-enjoy ka naman kahit minsan lang? Napakabitter mo! ang sarap kaya sa feeling na mainlove. Maranasan ang mga nakakakilig na bagay, makasayaw ang taong mahal mo, kahit isang gabi lang bhe... Kahit isang gabi lang." She look at me, eye to eye. I could see the emotions written on her eyes. "You know what, Mia. I've been looking for the same guy again and again, each day...Andaming nagsasabi na malabong maging kami, alam ko naman iyon. Kaleb is like a star so hard to reach. I'm not being desperate, l just love him so much...that love turns me into a stronger person. Hindi naman ako maghihintay sa kaniya ng ganito katagal kung simpleng paghanga lang ang nararamdaman ko. It's way more than that...It's like a drug and l'm addicted to him. At first it was confusing and l don't want to feel it but my heart says the opposite. It keeps beating rapidly when he's near me. Tell me it's cringe and weird but falling in love feel so right even though it's the wrong person. " She said, there's sincerity in her voice. " I just want you to feel what l'm feeling right now."

I was there and trust me, it's traumatizing.

Gusto ko iyong sabihin pero natatakot akong matanong. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, ayaw ko lang na madamay pa sila 'pag nagkataong mabigo ulit ako.

Kitang-kita ko sa bawat kislap ng mga mata ni Zarina at salitang kaniyang binibitawan kung gaano niya kamahal ang lalaking dahilan kung bakit siya natamaan ng bola noon sa ulo.

Napangiti na lamang ako nang maalala ang araw na iyon. "Akala ko ulo mo natamaan, puso pala."

Mahina siyang natawa. "Imbis na magalit, na starstruck ako no'ng makita ko ang guwapo niyang mukha." She blushed then stopped smiling. " Teka nga, iniiba mo na naman 'yung usapan eh!"

Napakamot na lang ako sa batok. " Oo na, pag-iisipan ko." Nababagot na sabi ko.

Akmang pipitikin niya ako sa ulo nang biglang pumasok si Zahyun sa classroom namin at natahimik ang lahat. Para siyang anghel na dumaan dahil kasing puti ng crema ang kutis niya. Ito namang mga mahaharot kung kaklase abot langit ang ngiti nang makita siya...Ginaganahang mag-aral kapag siya ang nagtuturo.

"You all seem excited hearing the news earlier." He put his right hand in his pocket while his left hand is twisting the sign pen. Damn! He look so hot right there.

Mia, masama 'yan. Nasa paaralan pa kayo.

Paalala ng utak ko.

"The principal summoned us so we could prepare also. This batch of seniors' night would be more unforgettable for all of you. Specially those who want to dance with their partners." He informed which made my classmates clapped in joy.

"Ikaw ba sir, may kapartner ka na?" biglang tanong ng isa kong kaklase.

Umiling siya at sumagot. "Wala, wala pa."

Nagtaas naman ng kamay ang chismosang  si Clarence at sinabing. "Eh kung si ma'am Ritchelle na lang kaya."

"Ayieeeeee!..."

Napuno ng tudyuan sa loob ng classroom namin. Napayuko na lamang ako nang makita ko siyang ngumiti.

So he has a partner.

I bit my lower lip to calm myself from breaking down...Walang ibang pwedeng makaalam ng nararamdaman ko lalo na't wala naman itong katugon mula sa kaniya.

"No. I'm not into Ms. Ritchelle..." Sagot niya na ikinatahimik ng lahat. Halos mabingi na ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Nag-angat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin. "May matagal nang nagmamay-ari ng puso ko." Sagot niya bago nag-iwas ng tingin. Habang ako ay napakurap-kurap sa nangyari.

Iyon ang unang pagkakataon na siya ang unang pumutol sa titigan namin. At iyon rin ang unang beses na may nakita akong ibang kislap sa mga mata niya.

Kislap ng pagmamahal.

Watch Me Fall Again Where stories live. Discover now