Napabalikwas ako ng bangon sa narinig kong ingay sa labas ng bahay.
Tinignan ko ang orasan, halos lumipad ako papuntang banyo para maligo, 20minutes nalang at malapit ng mag 7 AM hindi man lang ako ginising ng babae.
Hindi ko na rin nagawang kumain ay dahil sa pagmamadali na makaabot sa exam, mamaya ang babaeng yan makakatikim talaga siya ng sambunot mamaya, alam na alam niya talaga kong kailan ako pipikonin.
Wala sa ayos ang suot kong uniporme, at pati ang suot kong medyas ay hindi magkakulay. Diko na rin nagawang magsuklay sa sobrang pagmamadali.
At nang makaabot sa loob ng school ay kaagad akong tumakbo papuntang classroom, buti nalang talaga at malapit lang sa gate ang room namin, kong napunta ako sa taas ay baka nadapa pa ako ka katakbo.
Pagpasok na pagpasok ko ay siya naman ang pagbibigay ni Ma'am Garcia ng test paper's sa mga classmate's ko.
"G-good morning Ma'am, Good morning classmate's." Hindi ako mapakali sa hiya, hindi na nga maayos ang itsura at buhok ko late pa ako sa pagpasok.
Rinig ko pa ang pagpipigil ng iba na humalahak. Sinamaan ko ng tingin si Lilith. "Mamaya ka lang." Pagbabanta ko, pero ang gaga tinawanan lang ako.
"Ang panget mo," Mahihimigan sa boses ni 'to ang pang-aasar.
Pinandilatan ko ito ng mata, tumawa lang ito bago itunoon ang mata sa ginagawa.
"1 hour at kailangan matapos niyo na 'yan, malapit na ang english teacher niyo," Imporma ng guro, kaagad naman akong nagmadali pumunta sa aking upoan upang magsimula na rin.
Nagfocus lang ako sa pag-a-answer, diretso ang tingin ko sa test paper's at bawat pagbitaw ko ng sulat ay sinisugarado kong tama.
Hindi rin nagtagal ang sagotan kaya madali kaming na tapos.
"Hays! Buti nalang at hindi masyadong mahirap." Uunat-unat nitong sambit.
Hinila ko ang buhok ni 'to at piningot. "A-aray! Para saan 'yun?" Nagtataka itong tumingin sa 'kin.
"Para 'yan sa hindi mo paggising sakin!" Sigaw ko, wala pa ang English teacher namin kaya ganito nalang kaingay ang classroom.
"At 'yung isa?" Hawak nito ang tainga na piningot ko.
"Ahh. . . yun ba? Para 'yun sa hindi mo pagtira ng almusal!" Tuloy-tuloy ang pagsisigaw ko sa babae.
"Grabe ha! Tatlong sandok nga lang 'yung kanin, at 'yong isda naman ay tatlo lang 'rin ang natira." Pangangatwiran ng gaga.
"Wow! Ha! So kasalanan ko pa?" Balik kong tanong.
"Oo." Lah? Nakakahiya sa babaeng 'to, nakikain na nga lang nagrereklamo pa.
"Hay iwan sayo." Tumalikod ako at kinuha ang biscuit sa bag ko, buti nalang talaga at meron ako laging stuck sa bag.
Kinuha ko ang aking cell0hone at tiningnan sandali ang facebook account ko, wala parin naman ang english teacher namin kaya okay lang gumamit.
Nag-scroll lang ako habang nagbabasa ng mga memes posts. Nakakatawa ang mga sulat kaya napapahagikhik ako sa mga nababasa. Biglang nalang nag-vibrate ang phone ko ay dahil nga may nag notifications sa friends request ko, kaagad kong tinungo ito at tinignan kong sino ang nag-add sa 'akin, I don't know what should I have to read this name, masyadong misteryoso ang pangalan. Accept ko parin, malay kobat baka maging isa 'to sa mga taga likes sa post ko. Hindi paman nagtatagal ay ang messenger ko naman ang nag-ingay, binuksan ko ito at tinignan kong sino ang nag messages, nagbabakasali ako na baka si ate. Pero na bigla ako kasi hindi pala si ate.
Pangalan pala ng lalaki na in-accept ko, ang sabi sa chat 'Hi, Trina.'
Nagtaka ako kasi hindi naman Trina ang tawag sa 'kin sa lugar namin kundi Trisha. Ang alam ko lang isang tao lang ang tumatawag sa 'akin na Trina, at si Marky 'yun at nalilito ako kong bakit alam niya ang tawag sa 'akin ng ganon.
"Close tayo? Bat mo ko tinatawag na Trina? Asawa ko lang ang tumatawag sa 'akin sa pangalan na 'yan!" Pagtitipa ko at kaagad pinindot ang send.
'So I'm your husband?'
Ang feeling niya ha, sino na naman kayang ka barangay ko ang gumawa pa talaga nang account para mambweset.
"Tigilan mo nga ako! Si Davis Marky lang ang pwedeng tumawag sa 'akin ng ganyang pangalan!" Napapadiin ang pagtipa ko sa cellphone sa sobrang inis ng ka chat ko.
'But I'm Davis Marky baby. . .' Infainess mga te! Kinikilig ako sa 'baby', kyaaaaah!! Gustohin ko mang kiligin ay naiinis ako sa mga pinagsasabi ng lalaki.
"Wow ha! Hindi kana pala ngayon makapal! Mahangin karin at mapag-angkin ng hindi sa 'yo!" Balak pa talagang akuin ng lalaki ang pangalan ng mahal ko.
'Are you mad baby? ' ay oo, bakit ba ang hilig ni 'to tumawag ng baby.
"Excuse me! Hindi po baby ang pangalan ko. Trisha po, Trisha!" Pinagduldulan ko talaga sa kanya ang pangalan ko.
'But for me, you're my baby,' ay wow! Sanaol! Baby! Hindi ko man lang magawang kiligin sa lalaking 'to. maglulupasay pa 'ata ako kong si Marky ang magsasabi sa 'akin non.
"Hey! Wag ka ngang ano diyan! Sa una lang kayo magaling sa mga salita pagkatapos pag-umabot na ng taon ay masasakit na salita na ang sasabihin niyo. Sa umpisa lang kayo magaling, pag nagtagal ay lalabas na ang totoo niyong ugali." Mahabang tipa ko.
'Sinabi ko lang baby, hindi ko naman sinabing liligawan kita. Bakit galit ka?' Para naman akong napahiya sa mga sinabi ko sa lalaki. Para akong broken sa mga pinagsasabi ko. Hindi pa nga ako nagkakajowa sa buong buhay ko at kong makaasta ako ay parang naranasan kona ang masaktan.
Pinatay ko ang cellphone ng makita ko ang english teacher namin na nasa kabilang classroom na nakaharap lang sa 'amin.
Kaagad nag-ayos nang upo ang mga ka klase ko ng mahinang sumigaw si Lilith na andyan na ang guro namin sa english. Strikta ito kaya naman ganoon nalang ang takot ng buong ka klase ko.
"Good morning class, we have a quiz now, and tomorrow our exam." Naglakad ito sa harapan at upo sa mesang nakalaan para sa mga guro.
Kanya-kanya kaming kuha ng mga papel upang magsimula sa aming quiz. Hanggang 50 ang quiz and the passing score is 30 or 25. Kong baba sa 20 ang score mo ay ibabagsak ka kaagad ni Ma'am Santos, sa klase niya.
Kaya kailangan talaga ng todo aral, kahit nasa high school palang kami ay nahihirapan na rin ako. Hindi ako ganoon katalinohan kaya naman minsan ay may bagsak ako. Buti na nga lang at naiintindihan ako ni ate sa mga bagsak kong exams. Nakakabawi naman ako minsan sa mga quiz at projects, kaya nga todo study ako sa pag-uwi ay para magkaroon naman ng kunting laman ang utak ko. Mas lalo akong mahihirapan sa mga assignments ko lalo na at wala ng tutulong sa 'kin. wala na rin si ate na tumutulong sa mga hindi ko alam.
Inabot kami ng 30 minutes sa pag-answer at sa pagsagot nang mga tanong ni Ma'am Santos, pahirapan talaga pag siya ang guro namin ay dahil sa mahigpit ito at sobrang strikta 'rin.
"Tangina sobrang napapagod talaga bunganga at kamay ko kakasagot at kakasulat sa mga pinaggagawa ni Ma'am Santos, sa 'atin." Pagrereklamo ni Lilith, nag-uunat ito nang kamay na akala mo talaga ay parang natagalan sa pakikinig sa mga sinabi ng guro.
"Oo nga eh, sobrang strikta pa naman, akala mo talaga ay sobrang dali nang mga turo ni 'to." Pagrereklamo ko 'rin. Tumango-tango naman ang babae bilang pagsang-ayon.
Nagtawanan kami sa mga pinagsasabi namin, ka vibes ko talaga ang babaeng to, kahit kalokohan ay nasasabayan ako ni 'to.
Sila ni ate ang naging kasama ko sa buhay simula nang mawala si mama at papa, kahit minsan nakakainis ang babaeng 'to ay hindi niya kinokontra ang mga nagiging disesyon ko sa buhay ko, sinusuportahan pa ako ni 'to sa lahat ng gagawin ko.
Kaya kahit anong mangyari ay siya nalang ang matatakbuhan ko ngayon. Kahit palagi kaming nag-aaway ay hindi ito nagtatampo at nagsisinungaling sa 'akin. Kaya nga sa lahat ng bagay ay nasasabi ni 'to ang lahat ng mga problema niya.
This kind of best friends, para kang nanalo sa lotto. Sa sobrang swerte mo hindi mo hihilingin na makuha ito.
YOU ARE READING
Addicted to the Photographer (ON-GOING)
RandomMarky Davis Montes, at the age of 21 is a celebrity, one of the well-known celebrities as a photographer. One of the things that everyone admires is his talent in photography. But in an instant, only a teenager would soften the young man's heart. T...