Nagdaan ang araw na ganoon parin ang takbo ng buhay ko, walang pagbabago. Patuloy parin kami ni ate sa pag-aaral, pagtatanim at pagbebenta.
Kailangan namin ng pera para sa darating na mga araw, hindi kami sana'y na kahit walang ginagawa ay nakatunganga.
Tuesday ngayon, kaya nandito kami sa bukid ng maaga 5am palang kaya hindi pa mainit sa balat ang pagtatanim.
"Ate?" Pagtawag ko sa nakakatandang kapatid.
"Hmm. . ." sumagot lang ito, hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Isang taon nalang ate magtatapos kana, anong balak mong kunin na course?" Usisa ko.
Ngumite ito ng matamlay sa 'akin. "Hindi ko ata itutuloy Trisha. . . Ang daming gastosin. Kaya naman naisipan ko nalang mag call center sa ibang bansa, malaki ang sahod doon." Nakangite ito pero kita sa mata ang pagkadigusto sa sinabi niya.
"Bakit? S-sayang naman ate." Ngumite lang ito at nagpatuloy sa ginagawa.
Pansin ko ang pagiging matamlay ni ate sa nagdaang araw.
Hindi ko 'na ito kinulit, nagpatuloy narin ako sa ginagawa ko para ng sa ganoon ay matapos ang pagtatanim namin at umuwi na rin.
At sa wakas na tapos rin inabotan kami ng araw, dahil nga napapansin ko minsan si ate na para bang may malalim na iniisip. Hindi ako nagtanong. Hinayaan ko si ate na magkusa magsalita. Ayaw ni ate ang pinapangunahan siya kaya naman hindi na ako nagtanong sa mga problema niya.
"Trisha, ikaw muna ang magluto. Mahihiga muna ako para magpahinga." Tumango lang ako upang ipahiwatag na oo.
Katulad ng bilin ni ate at nagsaing ako at nagluto ng tortang talong.
Matapos lahat ng mga gawain ko ay dumiretso narin ako sa aking silid, kinuha ko ang cellphone kong lowbat at nag charge nang mabuksan ko ay bumungad sa 'akin ang tadtad na mga messages at calls. Alam ko kong kanina ito galing, kahit walang pangalan na nakalagay ay alam kong galing ito kay Marky. Isa-isa kong binuksan ang mga messages, para akong maiihi sa sobrang kilig ay dahil lahat ng 'yun ay puro papuri.
From: 09******162
Nakauwi kana?Btw congrats! You're really pretty.
Why didn't you not answer my call?
Hindi kapa ba nakauwi?
I'm waiting you're text back.
I can't go home. Nag-aalala ako sa 'yo.
Okay ka lang? Please pick up you're phone, Tell me that your safe.
Nawala kaagad ang kilig ko ng bumungad sa 'akin ang ibang text ng lalaki.
Kaagad akong nagtipa at nag send nang messages.
To: 09******162
Okay lang ako sorry. Hindi ako nakasagot kagabe ay dahil nakatulog ako pag-uwi sorry.
Hindi ko pa man tuluyang nailalagay ang cellphone ko sa mesa upang mag charge at nakita ko ang calling.
Hindi ako mapakali, kong sasagutin ko ba o hindi, sa huli sinagot ko rin.
Me: H-hello?
Marky: Are you okay?
Me: O-opo. . . B-bakit? 'Utal pa selp!"
Marky: Just wanna hear you're voice, congrats kagabe. 'Malalim ang pagkakasabi ng lalaki.'
Me: T-thank you.
Pinatay ko ang tawag ng marinig ko ang pagtawag ni ate Misma sa pangalan ko.
Kumain kami ng tahimik, si ate na ang naghugas. Matutulog rin ako ay dahil papasok ako mamayang tanghali sa school.
Hindi ako nakaabot kaninang umaga ay dahil napasarap ang tulog ko.
At katulad sa nagdaang araw, linggo at umabot ng isang buwan ang ganoon lang ang ikot ng buhay ko, papasok, magbebenta, at kong may raket papasukan namin ni Lilith. Pagdating ng gabe manood ako ng mga vlogs ni Marky.
Walang kay bago-bago sa araw, kong minsan nga nakakapagod na pero dahil na rin sa tyaga ay kinakaya namin ni ate.
Maiiwan akong mag-isa sa bahay. Alam ko naman na kaya ni ate ginagawa ang paglayo ay para makapagtapos rin ako sa pag-aaral. Malaki na ako kaya kakayanin kong mamuhay sa bahay namin na ako lang mag-isa.
"Bat ngayon ka lang?" Usisa sa 'akin ni Lilith.
"A-ahh wala. Galing akong banyo kaya natagalan ako sa pagbalik." Tinignan muna ako ni 'to bago hinarap ang ginagawa.
Nang makauwi ng bahay ay nakita ko si ate nagliligpit ng mga dadalhin atang gamit. Mamayang gabe ang flight ni ate papuntang Africa.
"Oh? Kanina ka pa?" Tanong ni 'to ng makita akong nakatayo sa harap ng pintoan ng kwarto.
"Kararating lang po, mag-iingat ka sa byahe ate." Lumapit ako it niyakap ito ng mahigpit.
Gusto ko iparamdam kay ate nandito lang ako, handa akong makinig sa kanya, isa sa mga ugali ni ate ang maglihim. Ayaw na ayaw ni 'to na pinpilit siya magsabi. Kagagalitan ka lang pagpinilit mo.
"Ate, paano si Kuya Davy? Buti at pinayagan ka?" Usisa ko. Selosong tao si kuya Davy kaya nagtataka ako kong bakit kaagaran ang alis ni ate.
Ngumite ito, ngiteng hindi abot sa mata. "Wala na kami. . ." Ramdam ko 'na basag ang boses ni ate.
"H-ha? B-bakit?" Nagulat ako sa sinabi ni ate, alam kasi sa lugar namin na sobrang sweet ang dalawa. Makikita talaga sa kanilang dalawa na mahal na mahal nila ang isa't-isa.
"Tinapos ko 'na. . . Kahit gaano ko kamahal at gustong ipaglaban ang lalaking 'yun, talo ako. . . Talong-talo. Alam ko na 'sa hulihan ako parin ang maiiwan." May pait ang bawat bigkas ni ate sa mga katagang lumabas sa bibig ni 'to.
Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni ate, hindi ko alam ang sasabihin ko, ang alam ko lang nasasaktan siya. At ang sakit na 'yun ang nagpapatakot sa kanya.
"Wag mo nalang ako pansinin, basta lagi mong tatandaan. Na kahit gaano ka kalakas, manghihina at manghihina ka parin. Hindi sa lahat ng pagmamahalan Trisha ay may happy ending. Tandaan mo kapag napagod ka magpahinga ka. Kong kaya muna tsaka ka lumaban ulit. . . Hindi porke't na pagod ka bibitawan mo, dahil kong totoong nagmamahal ka? Mahahanap mo 'yun at makikita mo ang pagmamahal." Mahabang lintaya ni ate.
Sa mga sinabi ni ate binabagabag ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni 'to.
Nagkulong ako ng kwarto at inisip ang mga sinabi ni ate, kong ganoon ay napagod kaya siya sa pagmamahal kay kuya Davy? Kaya na siya lalayo ay para magpahinga? Pero bakit? Nalilito ako at wala akong makuhang sagot ni ate. Malalim ang pinanhuhugotan ni ate.
Iniisip ko nalang na baka nga napagod siya at kailangan na niya magpahinga.
Mamayang 7pm ang flight ni ate, nagpaalam si ate na may pupuntahan lang siya, at ako naman ay nandito lang sa bahay. Katulad ng nakasanayan ko ay nanood lang ako sa cellphone ng vlogs ni Marky.
YOU ARE READING
Addicted to the Photographer (ON-GOING)
De TodoMarky Davis Montes, at the age of 21 is a celebrity, one of the well-known celebrities as a photographer. One of the things that everyone admires is his talent in photography. But in an instant, only a teenager would soften the young man's heart. T...