First Beat

34 3 0
                                    

CHAPTER ONE: THE ENCOUNTER

"Trine!" Sabay yugyog sa akin. "Ano ba! Lalaki lang iyon, ano! Gosh! Hindi pa end of the world!" Sabay yugyog ulit sa akin.

Nilingon ko naman siya gamit ang nanghihina kong mata.

"Pero mahal ko si Marlowe," sabay hagulgol ko ng iyak.

Ang isang taon at anim na buwan na iginugol ko sa relasyon namin ni Marlowe ay nagawa niyang tapusin sa tatlong salita: AYOKO NA SAYO.

"Hoy gaga! Tigilan mo na nga yan! Dali na! Let's go to the mall!" Masiglang saad ni Patricia.

Napagbuntong-hininga nalang ako. Buti pa itong isang 'to, walang problema sa buhay.

"Ayoko. Ikaw nalang," matamlay kong sagot sa kanya sabay talukbong ulit ng kumot.

Agad naman niya ako sinapak ng malakas at niyugyog ulit.

"HOY EUSTRINE MAE LEVASKEZ! BUMANGON KA NA RIYAN KUNG HINDI, MAKIKITA MO NA TALAGA!" Nakakabingi niyang sigaw.

Inis akong bumalikwas ng bangon at tinignan siya gamit ang nanlilisik na mata.

"Ugh! Patricia! Ano ba?"

Humalikipkip siya.

"Maligo ka na. You're going with me sa mall. Dali na, I'll wait sa labas." Pagkasabi'y nagmartsya na siya papuntang pintuan ng kwarto ko at lumabas.

Napahilamos nalang ako sa mukha. Ugh! Kulit din nitong si Patricia talaga!

NAKARATING KAMI NG MALL NI PATRICIA NG MATIWASAY. Agad niya akong hinigit sa kung saan-saang botique. Madami na din siyang nabili na mga damit habang ako ay parang isang manika lamang na hinihigit-higit niya.

"Ano ba yan, Trine! Lakas ng energy mo, ah?" Iritado niyang puna sa akin.

Inirapan ko siya.

"Sabi ko naman sayong wala akong gana, eh! Tsss."

Ibinaling ko ang tingin ko sa bandang gilid ko imbes na sa pagmumukha ni Patricia. Nakakabanas siya, eh. Sabi naman kasing ayaw ko ayun at nagpumilit pa din.

At ganoon nalang ang panliliit ng mga mata ko sa nakita ko. Pati mga muscle ko sa panga ay nagsilaglagan.

"Oh ano? Dahil na naman ito sa pagluluksa mo sa gago mong ex? Aba Trine, tigilan mo na yang kahibangan mo!"

Totoo ba itong nakikita ko? Si Marlowe? Kasama si Nathalie?

"Hanggang kailan ka ba iiyak ha? Gaga ka! Nag-aaksaya ka lang ng luha sa lalaking iyon!"

TOTOO NGA! SILA NGA!

Nakita kong nagsimula na sila Marlowe at Nathalie maglakad papalayo. Shit! Ano yun? Sila na ba?

"Huwag kang tanga ha! Akala mo naman kung sinong gwapo iyang ex mo! Eh mukha namang tae. Nakuuuu! Talaga ikaw Trine, tigil-tigilan mo na iyang----"

Hinigit ko si Patricia papunta doon sa daan na tinahak nila Marlowe kaya agad siyang napapitlag mula sa pagtalak niya.

"--ARAY! HOY TRINE! ANO BA!"

Nilingon ko siya at inilagay ko ang index finger ko sa tapat ng labi ko.

"Shshh. Huwag ka munang maingay, Pat."

"ABA AT! BAKIT? ANO BANG MERON HA? NAKUUU----" Napatigil siya sa pagtalak nang makarating kami sa parking lot ng mall at nadatnan namin iyong sinusundan ko. "W-wait, sina Nathalie at Marlowe ba yan?" Gulat niyang tanong.

"Oo, kaya tumahimik ka muna diyan." Ani ko nang hindi siya nililingon.

Tiningnan kong mabuti ang mga galaw nila. Sila na ba? Bakit? I mean, kakabreak lang namin ni Marlowe tapos may iba na kaagad siya?

When My Heart Stopped BeatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon