Fourth Beat

29 0 0
                                    

CHAPTER FOUR: HE HAD BEEN MY CRUSH ONCE

Maaga akong gumising kinabukasan. Ang gaan sa pakiramdam! Ang sarap mabuhay! Ngayon lang ako ulit nakahinga nang ganito simula ng break-up namin ni Marlowe.

Agad akong bumangon at nag-ayos na ng aking sarili. Huwebes ngayon kaya may pasok na naman. Nang matapos ay lumabas na ako ng kwarto at nadatnan ko sila Mommy na paalis na. Kaya sumabay at nagpahatid nalang ako sa kanila sa school ko.

"Have a nice day, sweetheart. Take care," ani ni Mommy sabay halik sa pisngi ko nang makarating kami sa university. Ngumiti naman sa akin si Daddy mula sa driver's seat

"Yes, mom. You both, too. Huwag po masyadong sagarin ang trabaho. Bye!" Ani ko sabay kaway sa kanila habang humaharurot palayo ang sasakyan nila Dad.

Tumalikod na ako at nagsimula ng maglakad papasok sa paaralan.

"Ang sarap mabuhay!" Ani ko sabay huni na parang ibon.

Natigil lang ako nang may humila sa akin at hinigit ako sa kung saan.

Takte! Sino ba 'tong feeling close na hinayupak na'to? Kung makahigit naman sa akin.

"OY ANO BA! SINO KA BA?!" Asik ko. Hindi ko makita kung sino siya sapagkat nasa likod niya ako at nakatalikod siya sa akin habang higit-higit ako.

Tumigil lang siya sa kakahigit sa akin nang makarating kami sa isang liblib at tagong parte ng university. Agad niya akong isinandal sa pinakamalapit na pader.

Nanliit ang mata ko nang makita ko kung sino ito.

"IKAW? XIAN? ANO---"

Agad niyang tinakpan ang bibig ko. Inilagay niya ang index finger niya sa tapat ng labi niya.

"Shsshsh," sambit niya. "I need your help." Dugtong pa niya.

Buong lakas ko siyang itinulak palayo sa akin. Agad kong pinahiran ang bibig ko na tinakpan niya kanina.

"PWE! Huwag ka nga diyan! Ang baho ng kamay mo!" I lied. Mabango naman talaga kamay niya pero ayokong sabihin sa kanya iyon.

"Weh? Sus. Mas mabango pa tong kamay ko kaysa sa ex mo, no!" Angal niya.

Inirapan ko lang siya. Why does he need to butt in my stupid ex? Tss.

"Anong maitutulong ko? At bakit mo pala nalaman na dito ako nag-aaral?"

Siya ba ang stalker talaga na tunay sa aming dalawa?

Inayos niya ang sarili niya at umayos ng tayo nang bahagya.

"Oh no, stop it. Nakita kitang papasok diyan sa university na yan and I have no choice kasi wala akong kilala rito. Huwag mo akong igaya sayo na stalker! Tsss, that's not my thing." iling niya. Inirapan ko lang siya ulit.

WHATEVER!

"So, anong pinagsasabi mong I need your help dyan ha?"

"I'm looking for my cousin. Baka kilala mo siya. And if not, bahala ka na. Gawan mo ng paraan." Agad na tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.

"ABA?" Inis kong angil.

"Tinulungan kaya kita kahapon! Kinomfort kita at hinayaang umiyak sa abs ko. Sobrang lugi nga ako eh," panunuya niya.

Agad ko siyang pinanlakihan ng mga mata.

"ANG KAPAL! Abs ba kamo? Eh, puro taba lang kaya naramdaman ko." I lied again.

It's true, kagabi, he somehow comforted me. Hinigit niya ako papuntang kotse niya. Ewan ko kung anong katangahan ang sumapi sa akin kagabi at naisipan kong ibuhos lahat sa lalaking ito kagabi. Siya ang iniyakan ko. Ang boba lang diba? Hindi ko rin alam kung bakit niya ako hinayaang umiyak sa kanya, whatever it is, I'm indeed thankful though.

When My Heart Stopped BeatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon