CHAPTER THREE: THIS IS THE LAST TIME
Kinabukasan ay maaga akong nagtungo sa isang mamahaling jewerly shop upang bumili ng regalo para kay Reissa sapagkat ang plano kong bilhan siya kahapon ay naudlot.
Mapayapa akong nakabili ng isang silver necklace roon na mayroong kambal na puso na pendant. Pagkabili'y gumiyak na ako pabalik sa bahay namin upang maghanda para sa party mamaya.
I glanced at my wrist watch. It's still 1 PM, mamaya pang ala sais ang simula ng party.
Napagdesiyunan kong tumunganga muna sa kwarto tutal ay mamaya pa naman ang party. Hindi din namana kailangan akong magpaganda ng bongga para roon, dahil effortless ang beauty ko.
Sinugbit ko ang iPad ko at nag-facebook na lamang doon. Tiningnan ko ang mga walang kwentang notifications, messages at friend requests doon. Tss, mga walang kwenta! Pumirmi na lamang ako sa newsfeed ko. Hanggang sa nabulabog ako sa isang post na halos dinakot ang halos kalahati ng populasyon ng aking mga friends sa facebook.
"Periah Sutilanna, Quennie Levaskez, Lia Samonte, Chienna Yu and 978 others liked a post."
Tiyempo pang mahina ang signal ng wifi namin ngayon kaya hindi agad lumabas ang larawan na iyon. Isang itim na larawan lamang ang bumalaga sa akin, palatandaan na nagloloading pa ang post na iyon. Naiinip ako kaya nagtingin-tingin muna ako sa comments. Parang bigong-bigo ang mga babaeng nagkomento roon. Napaisip nalang ako. Anong meron ba dito?
Nagtitingin pa ako ng comments at nakita kong nagkomento rin si Enna doon! Si Enna ay blockmate ko. Kaswal lang ang batian namin. Nilihis ko ang tingin ko sa komento niya roon.
Chienna Yu: Omg! What happened ba? Get well soon.
Napataas naman ang kilay ko. Ano ba kasing meron sa litratong ito na kanina pa ayaw mag-load?
Nag-antay pa ako ng ilang minuto pagkatapos ay unti-unting bumungad sa akin ang isang matipunong lalaki na naka hospital bed. Nanlaki agad ang mata ko. This guy! This guy was the guy from yesterday and from the other day! Si Xian!
Tiningnan ko ng mabuti ang larawan na iyon. It was posted 58 minutes ago. At ganoon na agad karami ang likes and comments?
Nakaawang ang bibig niya sa naturang litrato na parang nanghihingi ng simpatya sa madla. What the heck? Anong nangyari sa kanya? No, I wasn't concern. Guilty, siguro. Napaisip ako kung dahil ito sa pagsuntok ko sa kanya kahapon.
Ngunit kung titignan ang post niya, hindi naman siya mukhang kaawa-awa talaga. Mayroon lamang maliit na band aid na nakadikit sa gilid ng labi niya. Masyadong OA lang ang mga commenters kaya aakalain mong malapit na siyang mamatay.
Nanginginig sa inis kong pinindot ang pangalan niya at agad akong napadpad sa timeline niya.
Wait, ano nga bang ginagawa ko dito? Napagbuntong-hininga nalang ako at tiningnan ang wrist watch ko. It's 4 PM already. Mabuti pa ay magsimula na akong mag-ayos para sa party mamaya.
NANG MAKARATING AKO SA VENUE NG PARTY AY AGAD AKONG SINALUBONG NI PATRICIA. Hinagkan niya ako pagkatapos ay parang batang inalu-alo ang kinulot kong buhok.
"I like you hair, sissy! Bongga!" Puri niya. "Let's go inside na?" Aya niya, tumango naman ako pagkatapos ay iginayak na namin ang sarili namin papasok.
Engrande ang buong party. Mayroong mga nakahilerang putahe sa bawat dulo na nakapatong sa mahahabang lamesa. Gustong-gusto ko ang disenyo na iginirang sa venue. Inilalabas ang hindi maipaliwanag na aura gamit ito. At ang mga bisita ay nagsisigawan ng karanyaan gamit ang kanilang mga engrandeng kasuotan.
Naupo kami sa table na malapit lamang sa mini stage sa harapan.
Maya-maya pa ay nag-umpisa na ang pagdiriwang. Nag-welcome address ang mommy ni Reissa muna. Pagkatapos noo'y tinawag na niya ang kanyang anak at madramang naglakad si Reissa patungo sa mini stage.
Agad na nagpalakpakan ang mga guests at pati na rin kami ni Patricia ay nakisali.
Sa kalagitnaan ng pagdiriwang ay dinalaw ako ng inang kalikasan kaya sininyasan ko si Patricia na pupunta muna ako sa CR. Pagkatapos ay mabilis akong tumayo at nagtungo na nga roon.
"Hmmm, ahh, hmmm." Dinig ko sa kung saan habang papalapit ako sa banyo.
Napadilat ako ng husto nang paglingon ko sa isang gilid na malapit sa CR ay nakita kong naghahalikan sila Marlowe at Nathalie.
What the hell? Can they at least get a room or something? Nakakadiri sila!
Nang dumapo ang titig ni Nathalie sa akin ay agad niyang naitulak ng malakas si Marlowe palayo sa kanya.
"Tangina," inis na sambit ni Marlowe na mukhang nabitin sa halikan nila pagkatapos ay sinundan ng tingin ang pagtitig ni Nathalie sa akin.
"Trine?" Umayos siya ng tayo. "Tangina! Ano bang ginagawa mo dito? Di ka pa ba tapos sa ilusyon mong magkakabalikan tayo?" Asik niya.
Nanginig ang buong sistema ko sa sinabi niya. Gustong-gusto ko siyang suntukin pero wala akong lakas para gawin iyon. Binalot ako ng mga memorya naming dalawa. Binalot ako ng mga masasayang alala na sabay naming binuo. Napaisip ako, lahat ba ng mga iyon ay may halaga sa kanya? Ni katiting man lang?
Sa nakikita ko ngayon, parang wala. Wala iyong halaga sa kanya. Minahal ba niya talaga ako? 'O wala lang din sa kanya ang isang taon at anim na buwan naming pagsasama? Kati-kati akong itanong sa kanya iyon. Pero masyado iyong nakakababa ng pride. Napahikbi ako ng mapakla. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko naitatanong sa kanya iyon. Sira na ang pride ko kaya lulubusin ko nalang bago ko itayo iyon muli.
"M-marlowe," ani ko sa mahina at nanginig na boses.
Agad siyang napadilat sa sinabi ko.
"PUTA! Ano? At anong iniiyak-iyak mo diyan?"
"Minahal mo ba talaga ako?" I asked him as tears running down my tears. I know I look pathetic but at the moment, I didn't care.
Nakita ko kung paano gumuhit ang isang matagumpay at pilyong ngiti sa kanyang labi.
"You were fooled, Eustrine. I did not love you." Tinalikuran niya na ako. "Kahit kailan, hindi." Pagkatapos ay naglakad na siya palayo....sa akin.
Nginisihan din ako ni Nathalie bago niya sinundan si Marlowe.
Agad na kumawala ang isang mapait na hagulgol mula sa akin ng mawala sila. Putek, ang sakit.
"HAYOP KA!" Sinuntok ko ang pader sa gilid ko at agad na nagpakita ang dugo sa ginamit kong kamao. Pero nagpatuloy pa din ako sa pagsuntok.
"Tigilan mo na yan," ani ng isang pamilyar na tinig.
Tumigil ako at nilingon ko siya at kahit nagulat ako ay nanatili akong walang emosyon sa harapan ni Xian.
"Ang panget kaya nung lalaking yon. Dapat ang iniiyakan mo ay iyong gwapo, gaya ko." Sabay akto niya ng mabagsik na tindig.
Pinunasan ko ang luha ko at umiling sa kanya.
"Shut up! Wala ako sa mood kaya pwede ba? Tumabi-tabi ka diyan." Ambang maglalakad na ako palayo ng higitin niya ako at sinandal sa pader.
Halos malagutan ako ng hininga dahil ang lapit-lapit ng mukha niya sa akin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga.
"Babe, no one deserves your precious tears. You don't deserve to be hurt. So hush, stop crying."
Ewan ko pero may kung anong higit ang mga salita na iyon na galing sa kanya, at ito ang nagpahagulgol sa akin ng tuluyan.
This is the last time, I won't cry for that jerk again. Xian is right, he doesn't deserve my tears.
BINABASA MO ANG
When My Heart Stopped Beating
Novela Juvenil"When your heart stopped beating, I'll make it beat again." ⓒ ItsMarieXoxo