CHAPTER FIVE:
"THANK GOD, IT'S FRIDAY!" Masiglang sambit ni Patricia habang inaayos ang kanyang mga gamit dahil tapos na ang klase namin.
Marahan lang akong tumawa at umiling-iling.
"Let's go malling, Trine!"
Agad akong sumimangot sa anyaya niya.
"Bo-ring," tamad kong saad.
Inirapan niya naman ako.
"Tsss, nagluluksa ka pa din sa lintek mong ex?"
Natigilan ako sa pag-aayos ng gamit ko at tinapunan siya ng masamang tingin.
"Pwede ba? Ayoko na sa kanya. Tanggap ko na. K?"
Inirapan niya naman ako ulit.
"Tsss," mahina niyang usad. "Let's go to the bar nalang!" Aya niya.
Gusto ko sanang tumangi dahil wala talaga ako sa mood pero baka paratahan niya lang akong KJ at nagluluksa pa sa hayop kong ex kaya um-oo nalang ako.
Pumalakpak siya sa sagot ko.
"Good! Later then, bitch! Yay!"
Umiling lang ako sa sigla niya. Bakit ba ang hyper nang isang 'to?
TUMUNOG ANG CALL RINGTONE NG PHONE KO. Kinuha ko iyon at nang makita kong si kuya ko iyon ay inis ko itong sinagot.
"Kuya J, ano ba! Malapit na mag ala sais oh! Nasaan ka na ba?!"
Dumidilim na kasi ang paligid tapos wala pa'rin siya dito sa school ko para sunduin ako. Pwede namang mag-isa akong umuwi. Usually naman kasi talaga ganoon kasi college na ako and I can handle myself already. Ang kinaiinisan ko lang is because my asshole kind of a brother freaking insisted to fetch me! Halos dalawang oras nako nakatanga sa harap ng university pero di ko pa din naaaninag ang anino niya! Gosh! Masasapak ko talaga iyong buwesit kong kuya!
"Uhh, baby girl—-"
"OH, DON'T CALL ME BABY GIRL! YOU ASSHOLE!" Sigaw ko sa phone at inis na pinatay ang tawag.
That's it, he can't fetch me. Pag tinatawag niya akong "baby girl," it's either he messed up or he messed up. Damn shit! Naghintay ako sa wala!
Humakbang na ako palabas ng school at agad na nag-abang ng taxi sa daan.
Nakakainis talaga! Makukutusan ko talaga yung Jasper na yun mamaya! Ubod siya ng leche!
Mga sampung minuto na din siguro ako naghihintay pero wala pa din akong masakyan na taxi. Ughhh!
BINABASA MO ANG
When My Heart Stopped Beating
Roman pour Adolescents"When your heart stopped beating, I'll make it beat again." ⓒ ItsMarieXoxo