CHAPTER TWO: THE GUY FROM YESTERDAY
Humikab ako bago bumangon sa kama ko. Napagod din ako sa lakad namin ni Patricia kahapon. Samahan pa nung eksenang ginawa ko sa parking lot.
Martes ngayon at wala pa din kaming pasok dahil sa event na pinaghahandaan ng university na pinapasukan ko. Hanggang Miyerkules kaming walang pasok. Mabuti na iyon para makapagpahinga pa ako ng konti.
Tumunog ang phone ko at nakita ko ang text ni Patricia doon. Binasa ko ang mensahe niya para sa akin.
Sender: Patricia
Hoy gaga! Pupunta tayo sa birthday party ni Reissa bukas kaya bumili ka ng regalo sa kanya ha!!! Mwaah!
Blockmate ko si Reissa at pinsan siya ni Patricia sa mother side. Ngayon ko lang naalala na kaarawan niya na pala bukas. Hmm, ano kayang magandang iregalo sa kanya?
Lumabas ako ng kwarto nang matapos akong maligo at mag-ayos. Nakasimpleng faded shorts lamang ako at plain white t-shirt. At naka-pony tail ang bagsak kong buhok.
"Oh? Saan ka pupunta, Trine?" Salubong sa akin ni ate Perlie. Working student siya. Pinagsisilbihan niya kami kapalit ng pagpapaaral at pagpapatira namin sa kanya dito.
"Ah, may bibilhin lang po ako, ate. Sige po." Tumango lamang siya at ngumiti. Lumabas naman ako agad ng bahay at agad na pumara ng taxi.
Gustuhin ko mang gamitin ang kotse namin ay hindi din naman pupwede dahil hindi ko pa masyado kabisado ang pagmamaneho. Tatlo ang kotse namin. Ang isa ay kay Daddy, ito ang ginagamit nila Mommy papunta sa kanilang trabaho. Ang isa naman ay sa kuya ko. At ang isa ay bigay sa akin ni Mommy pero hindi ko pa ito ginagamit dahil hindi pa ako marunong masyado. Tsaka na siguro pag magaling na akong magmaneho. I take driving class naman during my free time para ma enhance ang driving skills ko.
Tumigil sa harap ng vintage shop ang taxi. Agad kong ibinigay ang pamasahe ko at lumabas na sa taxi.
Tinangala ko ang vintage shop sa harapan ko. Isa ito sa mga malaki at kilalang vintage shop sa aming lugar. Medyo mahal din ang mga produkto dito pero bawing-bawi naman ito sapagkat tunay na maharlika ang mga binebenta nila dito.
Pumasok ako roon at sinalubong kaagad ako nung sales lady roon. Umiling ako sa kanya at ngumiti.
"Magtitingin muna ako, miss. Tawagin nalang kita pag nakapili na ako."
"Okay po, maam." At nilubayan niya na ako.
Nagtitingin ako sa mga nakahilerang mga damit. Pumili-pili ako roon para makita kung alin ang bagay at magugustuhan ni Reissa.
"Mom! Can you just please fucking let me go back there?" Ani ng isang pamilyar na tinig.
Saan ko nga ba narinig iyon?
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon at nalaglag ang panga ko sa nakita ko. It was him! That...that guy from yesterday!
Tinampal ng babaeng tinatawag niyang Mom ang kanyang bibig.
"Watch your mouth, Xian." Umirap ito sa kanya. "Why don't you enjoy your stay here?" Ani nito.
Agad na nanlamig ang buong pagkatao ko. Damn! Bakit siya nandito?
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa pintuan ng vintage shop na ito habang nakatingin pa din sa gawi nila na mukhang nagtatalo pa din. Hanggang sa napagtanto ko nalang ang katangahan ko nang may mabangga ako.
"AYYYY!" Sigaw nung babaeng nabangga ko at agad na nagsilaglagan ang mga dala niyang paperbags.
Shit! Bakit ba hindi ako tumingin sa dinadaanan ko?
BINABASA MO ANG
When My Heart Stopped Beating
Teen Fiction"When your heart stopped beating, I'll make it beat again." ⓒ ItsMarieXoxo