Voiceless by haveyouseenthisgirl

5.5K 24 5
                                    

Voiceless by haveyouseenthisgirl

PLOT: 

 Isa sa mga pinaka-interesting na plot para sa akin ang Voiceless. Fan-Idol ba naman diba?  Mahilig din kasi ako sa mga banda and sobrang fan girl ako ng maraming bagay :)) Sobrang unique and interesting niya. Ang ganda rin ng pagmemeet ni Momo at ng Syntax Error. Kung paano siya naging close sa kanila at kung paano siya naging close sa bawat character. At syempre, ang love story ni Sync at Momo!! Kilig lang <3 at yung love triangle nila ni kevin sy! hahaha the best yun :) Darating pa sa point na hindi mo alam kung sino ang mas gusto mo para kay Momo. Well, ako yun :)) Ang ganda ng flow ng story, lalo yung paglipat ni Momo ng Runaway. Okay, ang spoiler :)) Ganda rin ng mga side stories ng mga characters, yung tipong bawat relationship may lesson kang matututunan. Yun nga lang, for me, as in opinion ko lang, I feel like tragic ang Voiceless. I mean, oo, given na happy ending siya... yun nga lang syempre nalungkot din ako nung may nangyari kay Momo. Alam niyo na yun XD Di ko na sasabihin para dun sa mga hindi pa nakapagbasa :)) Nashock ako dun. As in, hindi ko inexpect! Ang galing kasi napaka-unpredictable ng plot. Pero ang ganda ng ending kasi they end up learning lessons sa buhay and pag-improve ng characters nila as a person :)

CHARACTERS

Momoxhien Clarkson - Katulad ng pagiging unique ng plot ng Voiceless, si Momo din ang isa sa pinakaunique na characters na na-encounter ko sa mga stories. Napakavulnerable niya. Parang sa Syntax Error at kay Sync umiikot yung mundo niya. But she has a good and gentle heart. Yun nga lang, fragile and breakable ang puso niya :)) And so, she gave in kay Sync. Pero after nung mga nangyari sa kanya, I really loved kung paano nadevelop yung character niya. Kasi sa end ng story, she ended up as a strong person :)

Sync Mnemosyne - Nainlove at nainis din ako sa kanya at some point sa story. I love him kasi ba naman vocalist siya!! Okayyy ako na mahilig sa banda :)) Nakakainlove yung mga moments nila ni Momo pero pag nalaman mo na yung totoo, yung mga sinabi niya etc na naoverhear ni Momo, ang sakit lang </3 Na hindi pala siya yung guy that you think he is. I feel Momo sa part na yun. Pero katulad ni Momo, he also came out good sa dulo. Kumbaga, they needed time and space para malaman kung ano ba talaga ang meron sila :)

OVERALL: For me, unique ang story na to. Kung gusto mo ng may pasabog and unexpected twists, eto yun. Tapos andami pang lessons na matututunan :) Maganda siya and sobrang worth it basahin :)

EXTERNAL LINK: Voiceless by HYSTG

P.S. birthday ni ate denny ngayong tintype ko to. kaya happy birthday ate denny! :)

Wattpad Favorites and ReviewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon