The Despicable Guy 1&2 by shirlengtearjerky

3.7K 30 32
                                    

The Despicable Guy 1&2 by shirlengtearjerky [PERSONAL FAVORITE :) ]

Uunahan ko na kayong lahat! Ayoko man maging bias pero... ITO ANG PINAKAFAVORITE KO SA LAHAT NG MGA NABASA KO!! Okay, naka all caps. Hahaha. Ganun ko siya kagusto. Seriously. Ito lang yung nag-iisang number one na all time favorite ko. Pinakagusto ko sa lahat ng mga stories, kahit sa mga na-review ko na, at sa mga irereview ko pa. Marami na akong nabasa before and after nito, pero wala talagang pumantay dito. 

PLOT: Simple lang ang plot. Basically, love story lang siya ng dalawang college students sa UPLB. Simple lang diba? Akala mo lang yun! Hahaha! :P Pero maganda talaga, typical story siya pero sobrang unexpected ng mga mangyayari. For me, ang highlight ng story na to ay yung mga events na nangyari sa kanila. Makikita mo kasi kung paano sila nadevelop, kung paano nagstart yung pag-aaway nila, sa harap ng Oble, nabuo yung nickname na "Devil Woman", naging barkada, yung unexpected kiss, at syempre ang "The Best Way to Lose" essay ni Jersey. Every scene is remarkable. And that's what makes the story different from others. Babasahin mo to not because you want to know the ending, but because you want to know what happens. :)

Sobrang realistic din ng plot. Influential siya mula sa UPLB culture (dahil sa story na to parang gusto kong pumunta dun. tara punta tayo hahaha) at sa mga songs. Grabe lang, dinownload ko yung mga magagandang songs dito! Paulit ulit ko nga pinatugtog yung Sugarfree songs, How Deep is Your Love at Bye Bye Na. 

Maganda din yung pagka-realistic kasi hindi siya nakakaumay. Yung ibang mga stories kasi lalo na kapag based sa true story ng author? Nakakaumay eh, at masyadong personal. Pero ito? Okay lang :) Sobrang makakarelate ka and andami din lessons about love. :) At yung ending? It left me wanting more but at the same time, fulfilled ako :)

CHARACTERS:

Jersey Santiago - Isa sa mga pinakaunique na main character si Jersey! Once and for all, hindi kasi siya perfect. Yung mga girl characters kasi sa ibang story, puro perfect, maganda, mayaman, etc. Pero si Jersey, kakaiba! Palasigaw at balahura! Hahaha! :)) Pero punong puno ng confidence at matalino. Gusto ko siya kasi typical girl lang siya. Yung tipong makakarelate ka. Ordinary lang, college student, nagkakaboyfriend, kailangan mag-aral. Nakikipagbalikan sa ex :)) Di din kasi siya OA. At sobrang maaliw ka sa kanya sa buong story!

Kevin Santos - Sobrang nainlove ako kay Kevin!! GRABE LAAAANGGG!! Pero on a second thought, hindi pala. Kasi ito lang yung namumukod tanging story na si Kevin ay para kay Jersey at si Jersey para kay Kevin :D HAHAHA. Gusto ko din si Kevin dito kasi hindi siya perfect. Kumbaga, pareho sila ni Jersey na imperfect, katulad lang ng mga relationships sa totoong buhay. Oo, mayabang at palamura din siya pero wagas kung magmahal. As in, grabe. At tao din siya dito, nasasaktan. Nung nakipagbreak siya kay Jersey (second time)? Bet ko yun, sobra. Ayyy syempre di ko gustong magbreak sila! Pero kasi, nagbreak sila para maayos yung mga sarili nila. Yung mga stories kasi dito sa wattpad, nagbbreak kasi daw masyado nilang mahal yung partner nila. CHAROT. Saan banda nangyari yun sa totoong buhay?! Hahaha! Kaya love ko si Kevin :D ay este, love pala siya ni Jersey :D Pero seriously, dream guy ko siya :)

WRITING STYLE: Yung writing style ni ate leng ang isa sa pinakafavorite ko na writing styles sa lahat. Ang galing laaaanggg! Sobra! As in! Hindi siya perfect, alam mo yun. Pero sobrang smart and witty. Hindi jeje, pero hindi din naman sobrang formal. Hindi din kasi maganda yung masyadong formal, nakakanosebleed din kasi hahaha :P Pero ang talino ng pagkakasulat at paggamit ng words. Fluent siya both sa English at sa Filipino. At yung shifting ng POV? Ang galing lang, sakto sa timing :)

OVERALL: Speechless ako, ang ganda lang talaga ng TDG. Bakit ito yung favorite story ko? Kasi ito yung nag-iisa sa Wattpad eh. Kumbaga, it's on a kind of its own. Ito yung tipo ng kwentong hindi mo pwedeng icompare sa iba. Oo, love story siya pero hindi nakakaumay. Hindi kasi ito yung typical na cheesy moments na sa sobrang sweet, eh mauumay ka. Sobrang feel good din niya! Oo, maraming twists sa plot, pero hindi ka masstress emotionally. Meron kasing mga stories dito sa Wattpad na tumigil ako ng halos dalawang buwan dahil puro twists lang ang alam, eh nastress ako ng sobra. Hahaha. Realistic din siya. Wala yung mga anak ng mayaman, may business achuchu, arranged marriage cherlavoo na sobrang gasgas na sa Watty. 

Hindi perfect ang story na to. Hindi din perfect sila Jersey at Kevin. Pero alam mo that it's imperfectly perfect. Gulo no? The best talaga siya. At isa pang reason? Sa ibang story, babasahin mo yun para malaman yung ending. Pero dito, it will always leave you wanting more. Yung tipong ayaw mo na matapos, kahit na 30 pa sila, o 50 hanggang magkaapo, gugustuhin mo pa rin malaman yung story nila.

And last but not the least? Hindi ka nito paaasahin na ang love ay nasa Wattpad lang. It will make you believe that somehow, true love really exists in real life. :) Baka seatmate mo na pala yan :))

Yun lang.

BASAHIN NIYO TO. SEROYOSO! =))

Walang external link dahil wala na si Ate leng sa Watty (imagine ang lungkot ko nun huhu). Tanong tanong nalang kayo around, may mga gumagala namang softcopies :)

Wattpad Favorites and ReviewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon