Practicing My First Real Kiss 1&2 by seeyara

1.6K 6 3
                                    

Practicing My First Real Kiss (Book 1) & Remembering My First Real Kiss (Book 2) by seeyara

Matagal ko na nakikita yung story na to dito sa Watty kaya nacurious talaga ako. Tapos, yung best friend (na hindi naman talaga nagwWattpad) pero nag-random basa lang dito, eto daw yung binasa niya tapos nagandahan siya. Kaya nacurious talaga ako! Haha! Eto na...

PLOT: Sa lahat yata ng mga stories na nabasa ko, ito na yata yung may pinakamagandang start para sa akin. First chapter palang kasi, naattract na ako na basahin siya. Nagstart kasi ito na si Mars, may gusto siya kay Zeke kaya lang itong si guy ayaw sa kanya. To the rescue naman si Mark Villareal na kaibigan ni Zeke na nag-offer kay Mars na tuturuan niya ito humalik para ang first "real" kiss niya ay si Zeke. Ayun nga lang, accidentally nagkiss si Mark at Mars sa classroom noon. Haha! At doon nagrevolve yung story! Isa ito sa mga stories na di ko ma-put down kasi ang ganda ng twists tapos every chapter aabangan mo kung anong mangyayari. May mga times na masasaktan ka dahil din sa mga nangyayari kay Mars, pero at the same time ma-iinlove ka din kay Mark! Sobrang bet ko siya! May mga scenes din dito na intense lang. Alam niyo na yan! Haha! XD At yung ending ng Book 1? Whoa. As in Whoa lang.

Book 2 is a bit more interesting. Ayoko na magspoil kasi kapag kinuwento ko yun, malalaman niyo na yung ending ng book 1. Haha! What I can say, medyo intense yung mga nangyayari sa Book2. Meron din stuff about life and family. As a whole, maganda yung plot para sa akin. Who would have thought na magsstart lang ang lahat sa kiss? Ang ganda!

CHARACTERS: Makikilala mo talaga sila Mars at Mark dito. Sobrang bagay sila! :) Dito din matetest kung gaano ba talaga nila kamahal ang isa't-isa na kahit na dumaan yung pagsubok, matatag pa rin sila. Hindi din naman kasi madali yung mga pinagdaanan nila sa story. Mattest yung character nila dito and makikita mo kung hanggang saan yung kaya nilang gawin at kung paano sila hindi sumuko. One ideal couple!

WRITING STYLE: Ang ganda ng pagkakasulat nito! One of the best writing styles na naencounter ko ever dito sa Wattpad. Less emoticons and more descriptions of  feelings and emotions. Sobrang ganda din ng pagkakasulat lalo pagdating sa intense scenes. Syempre, kailangan din talaga ng magandang writing style para makapagdeliver ka ng ganung scenes. Kung naghahanap din kayo ng stories na super ayos ng pagkakasulat and magaling yung pagsulat in Filipino, ito yun. Sakto lang din yung length niya... Long enough para madeliver yung buong plot. Hands down ako dito!

OVERALL: Ang ganda nito! One of the most unforgettable stories na binasa ko. Actually... Si Zeke talaga yung gusto ko dito. Hahahaha! =)) Kaya siguro di sila ni Mars, kasi para sakin siya. Hahaha joke! Ayuuun maganda talaga to. Lahat na ng emotions maffeel mo. Worth it basahin at maganda talaga yung plot :D Good job po miss author! :D

P.S. Hi Ate! Congrats po pala sa pagiging Wattpad ambassador! :D

EXTERNAL LINK: Practicing My First Real Kiss

Wattpad Favorites and ReviewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon