~ Story Recommendations (By Genre and More)

2.9K 10 4
                                    

09.06.13

Hello! Ayan, eto ulit ako. Mema posts lang ulit at di naman review. Hahaha! Anyway, wala lang, naisipan ko lang gumawa ng sarili kong story recommendations. Syempre, lahat naman ng stories na andito sa Wattpad Favorites ay nirerecommend ko sa inyo pero dahil wala na rin akong time gumawa ng isa-isang review na mahaba at sunod-sunod din paminsan yung pagbabasa ko, ito yung naisip kong gawin.

May mga nakikita kasi ako sa twitter or FB na nagtatanong kung ano daw ba yung okay na romantic na story o kaya yung pang teens kaya naisipan ko din gumawa nito. Syempre, opinion ko lang lahat to! Pwedeng para sa akin, feeling ko romantic yung story pero di naman kayo kinilig. Pwede rin naman na para sa inyo emotional yung story pero ako di man lang naiyak. Hahaha! Ayuuun. Basta opinion ko lang to.

Pasensya na rin kung wala akong massuggest na vampire, action or fantasy story kasi hindi ako mahilig magbasa sa ganung genre. Kung sakaling may mga stories dito na wala na sa Wattpad at napublish na, bili nalang kayo ng book!

Share ko lang din yung mga stories na nabasa ko na. Click EXTERNAL LINK! Out of dyan ko kasi pinili yung mga stories na sinama ko dito. Kung wala man yung favorite story niyo dito, sensya na po talaga. Syempre, iba-iba din tayo ng tastes ;)

And kayo din, feel free na magsuggest ng mga stories! :) So here goes :D

Romance - Majority yata ng mga stories dito sa Wattpad ay tungkol sa love and romance. Kahit naman ako, puro sa romance yung genre na binabasa ko. Hahaha! Oo na, ako na hopeless romantic. Pero for me, what makes a story romantic? Siguro para sa akin, mas nagiging romantic ang isang story kapag nakafocus siya sa love ng dalawang main characters na boy and girl. Yung tipong, kinukwento niya kung paano nagmeet yung dalawa, nadevelop yung feelings hanggang sa dulo. Marami din nakakakilig at cheesy na scenes. Siguro less focus sa side stories. Haha. Basta nakakainlove! <3 Eto yung suggestions ko :D

Break the Casanova's Heart Operation (alyloony) - Ito talaga yung pinakaromantic na Wattpad story na nabasa ko kasi nakafocus talaga siya sa love story nila Stephen at Naomi. It revolves around them... Gusto ko din yung balance of emotions sa story na to. :) Already a published book.

Finding Mr. Wrong  (walangmagawa1210) - Book 2 of I love you, Kuya! Better na mabasa niyo muna yung Book 1. 

Baka Sakali 1&2 (jonaxx)

KaSaMaAnBaTayo Tamadao Sia (Blacklily)

Teen Fiction - Para sa akin naman, nasasabi kong certified Teen Fiction ang isang story kapag pang teenager at young at heart yung story. For me, it's not enough na teenager yung characters. May mga characters din kasi akong naeencounter na although teenager palang sila, they act so mature and so older. Wala naman mali, syempre, pero for me mas preferred ko lang talaga kapag characters act their own age. Masasabi ko rin na appropriate for teens yung isang story sa values o kaya sa scenes. Walang SPG syempre. Minimal na cursing lang. LOL hahahaha!!! So here goes :)

haveyouseenthisgirl stories (Diary ng Panget, Voiceless, I Met A Jerk Whose Name is Seven, 11 Ways to Forget Your Ex-Boyfriend, 10 Signatures to Bargain With God) - Yan palang yung mga stories ni Ate Denny na nabasa ko. Bakit appropriate yung stories niya for teen fiction? Kasi for me may values yung stories niya like about what true beauty means, about choosing the right decision, using your mind, etc. Syempre, teenagers din mostly yung mga characters niya and maffeel mo yung youth kapag binabasa mo to.

548 Heartbeats (peachxvision) - Your most realistic high school story ever ;)

Teen Clash (iDangs)

If I Fall (shirlengtearjerky)

JessicaConcha stories (A Place in Time 1&2, CrissCross) 

Nonteen Fiction - As compared sa teen fiction, mature naman yung theme ng stories dito. Usually, college students or twenties na yung age ng mga characters. Mas mature na yung mga conflicts and problems na naeencounter nila. May mga times din na rated SPG yung mga scenes dito kaya medyo kelangan mo din maging open-minded. LOL XD Pero syempre kapag bata ka pa, wag ka magbabasa dito. Hahaha! Di ko alam, pero feeling ko mas maappreciate mo yung nonteen kung di ka na super bata. Eto na!

Blacklily stories - For me, si Ate Blacklily ang pinakamagaling na nonteen fiction writer dito. Ang galing, kung umarte yung mga characters niya talagang mature na! Yung mga conflicts din dito, ito yung mga hinaharap ng mga relationships in real life. Super consistent din niya. Kahit humor o drama, kaya niya. And definitely one of the best writing styles ever ;)

jonaxx stories - Si Ate jonaxx naman ang pinakafavorite kong author ever! Hahaha :)) What I like most about her stories is the cross between teen and nonteen. True, nonteen yung mga stories niya pero maffeel mo pa rin yung youth. Exciting and unique ang mga plot ng stories niya. Commendable writing style ;)

mercy_jhigz stories - Witty and funny yung mga stories ni Ate Cas. Light lang and super feel-good! Chillax lang pag nagbabasa kaso lulumutin talaga utak mo. LOL! 

Your Place or Mine (turning_japanese) - Maganda to kasi para kang nagbabasa ng professional pocketbook kapag binabasa mo to. Haha!

MissWitty stories - Si Ate Jen naman, Rated R yung mga stories niya. Pero natutuwa ako kasi hindi lang yung basta puro BS pero maganda talaga yung flow ng plot ng stories niya. Magaling din siya magsulat!

Humor - What makes a humorous and funny story for me is that syempre, NAKAKATAWA TALAGA SIYA! =)) Syempre, haha! Pero para sa akin, better kung nakafocus lang siya sa humor. May mga stories kasi akong nakikita na nasa humor category pero ni minsan di naman ako natawa. Sorry naman! =)) So siguro sa stories na ito, less yung romance din? At more focus sa humor. Eto na =)

Avah Maldita (simplychummy) - Ito talaga yung certified na nakakatawang story! Nakakatuwa kasi napanindigan niya yung pagiging funny niya. Syempre may kilig scenes (HELLO NEO) din naman pero nakakatawa pa din. Kahit yung book 2 nito, okay pa rin :)

Blacklily stories (And They Killed Each Other, Ang Kwento ng Greenminded, Ang Diary ni Jeannie Paolo)

Diary ng Panget (haveyouseenthisgirl)

Ayan na ang By Genre! Tapos eto, may additional pa sana ako irerecommend. Hahaha! Pero ito naman hindi na siya by genre.

Emotional -  Ito naman yung mga stories na nakakaiyak para sa akin. Di lang naman nakakaiyak, pero heartbreaking talaga. 

She's Dating the Gangster (SGWannaB)

A Place in Time 1&2 (JessicaConcha)

Let Me Be The One (mi-mhytot)

Realistic - With scenes that happen in real life ;)

The Despicable Guy 1&2 (shirlengtearjerky)

548 Heartbeats (peachxvision)

If I Fall (shirlengtearjerky)

A Place in Time 1&2 (JessicaConcha)

Intense Scenes - Cliffhanger scenes and such. Makapigil-hininga. Minsan magagalit ka sa characters. Maiinis. Masasaktan. Di makakahinga. LOL. Intense emotions grabe!!

For Hire: A Damn Good Kisser 1&2 (beeyotch)

Training to Love (jonaxx)

Your Place or Mine (turning_japanese)

His Bedmate (MissWitty)

Practicing My First Real Kiss 1&2 (seeyara)

Ayan lang! :)) Syempre, magbabago pa rin to in case may mahanap akong magandang bagong stories. Ilalagay ko naman kung iiupdate ko to or whatever or kung kelan. Haha! Sana nakatulong to sa inyo. Ayuuun lang. Suggest din kayo ng magagandang stories! :D Enjoy :D

***

Wattpad Favorites and ReviewsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon