Leo's POV
Mahirap daw magmahal, sabi nila. Ang sagot ko naman, aba'y oo naman! Lalo na kung ang gusto mo ay kalahi... kapareho mong Adan.
Di ko naman itinatanggi, e. Alam ko din naman sa sarili ko na... ganito ako. Bakla, bading, beki... lahat na!
At tanggap ko 'yon pero... bakit 'pag katabi ko siya-isang babae na kung tutuusin ay kakumpitensya ko sa atensyon ng mga lalaki-ay bumibilis ang tibok ng puso ko? Nakakaramdam ako ng mga bagay na DAPAT ay sa mga lalaki ko lang maramdaman.
Normal ba 'to? Normal ba 'to para sa mga kagaya ko o... nalilito lang ako?
Lalo na't siya ang bessie ko.
---
Lianne's POV
Sabi ng isang karakter sa isang kwentong nabasa ko, "Love is War. I am your soldier".
Nakakakilig 'di ba? Kung may lalaking magasasabi sayo n'yan at magdedeklara ng pag-ibig niya sayo.
Pero paano kung ang mismong "soldier" mo ay soldier din ang hanap? Paano kung ang lalaking dapat ay magtatanggol sayo, ay siya ring giyerang dapat mong ipanalo?
Makakatagal ka kaya?
Kung ang taong gusto mo ay lalaki din ang gusto?
Kakasa ka ba? Ipaglalaban mo pa rin ba?
Kung ang oras mo ay bilang na?
BINABASA MO ANG
My Bessie Love
Teen Fiction"Babae siya pero hindi uri niya ang gusto ko..." "Lalaki siya pero lalaki din ang gusto niya. At 'yon ay kasalanan ko..." Paano magkakatagpo ang landas ng dalawa kung ang isa ay panay ang habol ngunit ang hinahabol niya'y may hinahabol ding iba? Ano...