I. The best of friends
Leo's POV
"Bhe, anong say mo do'n sa lalaking naka-bonnet na blue na 'yon? Havey o waley?" tanong ko kay Lianne sabay nguso sa lalaking ilang metro ang layo sa amin. Lunch break at as usual, kaming dalawa ang magkasama. Syempre, best friends kami e.
"Hmm... matangkad, meztiso, mukha namang gwapo. Pwede na. Havey kahit paano." Sagot niya sa tonong medyo bagot. Kumagat siya sa sandwich niya saka muling ibinaling ang tingin sa binasa niyang libro na Harry Potter. 'Yan kasi ang mga tipo nitong babaeng 'to e.
Napaismid nalang ako sa kanya kahit na hindi siya nakatingin. Ibinaling ko na din ang atensyon ko sa kinakain ko nang maagaw ang atensyon ko ng isang poging padaan sa gawi namin.
Kumpara sa lalaki kanina, mas nagbabaga ang isang ito. Mas matangkad, mas maagaw pansin, mas pogi at... mas yummy.
Kasabay niya ang mga-siguro'y kaibigan niya-na naglalakad at nagtatawanan. Kumpara sa mga kasama nito, mas di hamak na angat siya. Kahit na naka-school uniform ito ay masasabing magaling siyang magdala ng damit. Na para bang model siya ng school uniform namin.
Chinito siya, kung ngumiti ay parang model ng Close Up, clean cut ang gupit ng buhok at... my gulay! Type ko siya!
Heto na naman at nararamdaman ko 'yung mabilis na pagtibok nito na para ba akong kinakapos ng hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko nang marinig ko ang pagpalatak ni Lianne. Umirap siya at iniligpit ang mga gamit sabay pasok sa bag.
"'Yun si Jason Chen. Grade 11 section 1. Famous dahil, kita mo naman, papable sa term ninyong mga beki. Gusto mong malaman facebook, twitter at IG niya? Text ko nalang sayo mamaya. Sa ngayon, pupunta muna akong library para makapagbasa ako nang maayos." Parang inis na paliwanag niya saka ako iniwang mag-isa. Ni hindi na niya ako pinagsalita at nagmartsa na siya paalis dala ang mga gamit niya.
Napabuntong hininga nalang ako at napailing. Nitong mga nakaraang araw, nawiwirduhan na talaga ako sa kanya. Dati rati naman, kapag may mga nakikita akong pogi, siya pa mismo ang nagpu-push sa'kin. Siya pa mismo ang gumagawa ng paraan para makakuha kami ng impormasyon sa taong 'yon at sabay naming ii-stalk.
Dati naman hindi siya parang naiirita at wala sa mood tuwing ginagawa namin 'yon pero... lately nagiging cold na siya at iritable. Hindi ko naman alam kung bakit.
Maaaring nagtataka na kayo sa nagiging takbo pero hayaan niyong linawin ko sa inyo ang lahat. 'Yung babaeng nang-iwan sa'kin ngayon ngayon lang, siya ang bessie ko na si Lianne. Siya ang kasama ko sa lahat ng kalokohan ko at laging nakaalalay sa'kin. Siya ang nag-iisang supporter at tropa ko sa lahat ng desisyon kong ginagawa. At siya din ang first love ko na nagparanas sa akin ng first heart break.
Nakakapagtaka ba dahil ex-love ko siya pero naging mag-bessie kami ngayon? Well, mahirap ipaliwanag pero... ganun e. Ganun ang nangyari.
Kahit na siya ang unang taong nagparanas sa akin ng heartache, siya naman 'yung tanging taong umintindi't umunawa sa akin nung nagsabi ako ng sikreto sa kanya. Ano 'yung sikreto?
Na isa akong binabae.
There are times na may natitipuhan din akong babae pero, mas lamang ang mga boylet sa akin. Sa mga babae, nacu-cute-an lang ako pero sa mga lalaki? My gulay! Head over heels ako!
Pero paano ba ako nag-umpisang makaramdam ng attraction sa lalaki? 'Yun ay nang basted-in ako ni Lianne.
Gulo 'no? Heto't lilinawin ko.
BINABASA MO ANG
My Bessie Love
Teen Fiction"Babae siya pero hindi uri niya ang gusto ko..." "Lalaki siya pero lalaki din ang gusto niya. At 'yon ay kasalanan ko..." Paano magkakatagpo ang landas ng dalawa kung ang isa ay panay ang habol ngunit ang hinahabol niya'y may hinahabol ding iba? Ano...