IV. Memories of our Friendship

42 1 1
                                    


Leo's POV

True to her words, hindi na ulit ako nilapitan ni Lianne. Ni hindi kami nagkakasalubong sa hallway 'pag uwian. Pero dahil magkaklase kami, hindi maiiwasang magkita kami sa classroom. Pero hindi kami nag-uusap ni nagpapansinan. Na parang wala kaming pinagsamahan. Na parang hindi kami mag-bestfriend na halos hindi mapaghiwalay dati.

We're like strangers to each other.

"Huy, Leo! Anyare sa inyo ni Lianne? Ba't di ata kayo nagpapansinan? LQ?"

Hindi lang 'to ang unang beses na may nagtanong sa'kin nito. Halos lahat ng mga kaklase namin, ganito ang tanong sa'kin. Pero ang isinasagot ko lang ay ngiti saka iling.

Tumingin ako sa gawi ni Lianne. Nag-aayos siya ng gamit para makaalis na. Kakatapos lang ng subject namin na Math at ang lahat ay paalis na. Matapos mailagay ang kanyang mga gamit sa bag ay dali-daling umalis siya. Ni hindi lumilingon sa gawi ko. Ni hindi nagsabi ng, "Oy! Alis na ako!"

Napayuko na lang aako at ipinagpatuloy na ang pag-aayos ng gamit ko. Tapos ay umalis na rin ako.

Habang naglalakad-lakad sa school grounds palabas ng school, naisipan kong tumambay muna sa isa sa mga bench. Pinagmasdan ko ang mga estudyanteng excited nang magsi-uwi't magsitulog sa mga bahay nila. Karamihan may mga kasama. May dalawa, tatlo, apat—lahat, may kasama't kasabay sa pag-uwi.

Gano'n kami dati ni Lianne...

Napailing ako.

Sa totoo lang, hanggang ngayon hindi pa rina ko makapaniwala sa sinabi niya. Na hindi na lang bestfriend ang tingin niya sa akin; na siya ang sumisira sa mga date ko; na nasasaktan siyang makita akong may kasama ni kausap na iba. Na gusto niya ako... na mahal niya ako.

Nakakagulat 'yun, sobra. Kasi hindi ko ine-expect na gano'n na pala ang feelings niya para sa akin. Na ngayon, baligtad naman ang sitwasyon. Siya naman ang na-fall. Siya naman ang nasasaktan.

Napatingin ako sa taas at nakita ko ang marahang pag-ugoy ng mga puno dahil sa banayad na ihip ng hangin. May nakita akong tuyong dahon na nalalaglag kasabay ng ihip ng hangin. Pinagmasdan ko ang marahang pagbagsak nito hanggang sa lumapag ito sa lupa.

Bigla kong naisip: Marahan ang proseso ng pagkahulog pero ang iiwan nitong impact, talaga namang mahihirapan kang makabangon. Na lahat ng bagay na ihagis mo pataas, babagsak at babagsak din sa baba. At 'yon ay dahil sa gravity.

Pero pwede ko rin kayang isisi sa gravity ang pagkahulog ng isang tao? Gravity din ba ang dahilan kung bakit walang pakundangan at bigla bigla na lang tayong nafa-fall? Pwede ko din bang isisi sa gravity kung bakit marami ang nasasaktan? Well, technically hindi naman tayo inihagis pataas, e. At hindi rin naman tayo bagay na inihagis pataas at bumabagsak pababa. But we have this feeling of being high... high with the feelings we have inside. And also, the feeling of falling. Not physically, but emotionally.

Masaya pero masakit. 'Yan ang proper description ng love.

Pero bakit nga kaya gano'n? May pag-ibig na dumadating sa hindi tamang panahon? Pag-ibig na wrong timing. Nakaka-badtrip.

Matapos magmuni-muni, dumiretso na ako ng uwi. Dumating ako na tahimik ang bahay. Si Papa nasa trabaho pa; si Mama baka may binili o pinuntahan lang. nagbihis ako ng pambahay at nang makaramdam ng gutom ay pumunta ako ng kusina. Naghalungkat ako sa ref at nang makitang may harina, itlog, butter, asukal at saging doon ay naisipan kong gumawa ng banana pancake. Habang naghahalo ng mixture ay may alaalang bumalik sa isip ko. Bigla ay parang narinig ko ang boses ni Lianne. Nang mapatingin ako sa gilid ko ay nakita ko ang nakatawa niyang mukha; Madusing dahil sa paggawa ng pancake. Nang subukan niyang pahiran ako ng mixture sa pisngi ay unti-unti siyang naglaho. Kasabay ng matatamis niyang ngiti....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bessie LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon