II. Two faced Friend

40 3 2
                                    

II. Two faced Friend



Lianne's POV

Dala dala ang mga gamit ko ay nagmartsa ako paalis, palayo sa kanya. Heto na naman ang paninikip ng dibdib ko na nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang ganoong reaksyon sa kanya. reaksyong nagsasabing attracted siya.

Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag-dial. Ilang ring lang ay agad din itong sinagot ng aking tinawagan.

"Hello, Lianne? Napatawag ka?"

Tumikhim ako bago nagsalita, "I need you to do me a favor... again." Seryoso kong sabi na mukhang nakuha agad ng kausap ko ang ibig kong sabihin.

"Ohh~ sounds like meron na naman akong aakitin. Who is it this time?" Nahihimigan ko ang ngisi sa boses niya. Di ko na rin napigil ang ngiti ko dahil alam kong gustong gusto niya ang mga ganito.

"Jason Chen. Grade 11 section 1. Ang so called Chinito guy na feeling famous sa ating campus. I want you to flirt with him. Even just for a day. Kailangan ko lang maipakita sa kanya na hindi rin interesado si Jason sa mga tulad niya."

Tumawa siya. "You're really evil, Lianne. I can't believe you. Best friend mo na noong una e suportado mo pero ngayon ikaw din ang umaahas sa mga 'boylet' na type niya? Kaya ako tuwang tuwa sa mga pinagpapagawa mo e." Aniya at napairap nalang ako.

"Just do your task, Jade. Quit making fun of me," I said then ended the call.

Napabuntong hininga ako at napahagod ng buhok ko. Bakit nga ba ako nagkakaganito? Hindi ko din alam.

Nakakatawang isipin dahil dati rati, ako pa talaga ang humahanap ng eye candy para sa kanya. Ako pa mismo ang nagse-set ng mga date para sa kanila pero... habang tumatagal, pakiramdam ko may... may hindi tama.

I find it weird, actually. Kasi nga, dapat 'okay lang' sa akin ang mga escapades niyang gano'n pero... bakit habang tumatagal... nasasaktan na ako?

Bakit habang tumatagal pakiramdam ko ipinagkakalulo ko 'yung dapat ay sa akin lang?

Bakit habang tumatagal at hinahayaan ko siya, pakiramdam ko nadudurog ako nang unti unti?

Pero hindi ako papayag na tuluyan akong maubos at madurog.

Kaya kahit na alam kong para akong balimbing, ginagawa ko ito. Kasi hindi na kaya ng dibdib ko ang makita pa siyang makipaglapit sa iba-lalo na sa mga lalaki.

Matapos ang klase ay agad akong dumiretso sa bahay. Hindi ko na nasabayan si Leo dahil ayoko muna siyang makita. Naaalala ko pa rin kasi 'yung reaksyon niya-hindi lang kanina-kundi tuwing makakakita siya ng type niya.

Pamilyar na pamilyar ako sa reaksyong 'yon. Dahil minsan sa buhay ko, ipinakikita niya 'yong tuwing tumutingin siya sa akin.

Nakakagulat ba? Well, hindi naman kasi ako manhid at walang pakialam. Alam ko 'yung pakiramdam na may tao sa paligid mo na may gusto sayo. Malakas ang hinala ko sa mga gano'n. 'Yun nga lang, hindi ko lang mapaniwalaan noon na may feelings nga siya sa akin.

'Yung feeling kasi na may gusto sa'yo ang isang tao at 'yung sadyang close na close lang sa'yo, halos hindi mo rin madidifferentiate e. Kasi halos parehong pareho lang. Walang ipinagkaiba.

At nang makumpirma ko nga ang mga hinala ko, huli na ang lahat.

Huli na dahil nung mga panahong 'yon, umamin naman sa akin ang ultimate crush ko na si Jake.

Alam niya ang tungkol kay Jake na 'yon; syempre dahil best friend ko siya. Alam niya kung paano ko pagpantasyahan ang mga picture ni Jake sa facebook at Instagram; Alam niya kung paano ko i-stalk si Jake mapa-online man o sa eskwela; Alam niya kung gaano ako kinikilig sa tuwing makakasalubong namin ang grupo nina Jake at mapapadikit ako ng kaunti sa braso niya. Lahat 'yon, siya at siya lang ang kasa-kasama ko.

My Bessie LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon