Leo's POV
Gaya ng nakasanayan, hindi naman ako binigo ni Lianne. Pagkauwi ko ay agad akong naka-receive ng text sa kanya. Laman nito ang mga impormasyong ipinangako niya. Napangiti ako at hindi ko mapigil ang saya ko.
Sabi ko na nga ba't hindi niya ako matitiis e! Natutuwang bulong ko sa isip ko.
Matapos magmano sa mga magulang ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ko. Binuksan ko ang laptop at fb ko saka ko hinanap ang pangalang nasa text ni Lianne. At nang makita ko ang picture niya? Ohmygulay! Fes palang ulam na!
Agad kong ini-stalk ang facebook niya at tiningnan ang mga album niya. May pictures siya na kasama ang-siguro-family niya, meron naman na may mga kasing edad lang niya, meron ding mga kasama niya sa basketball. Pero ang nagpaluwa ng mata ko, ay picture niya na nasa Bora!
And if you're in Bora, op kors kailangang naka-summer outfit ka!
"Owmayghad! May abs si Koya!" impit kong sabi na may kasama pang hampas sa lamesa.
Binusog ko pa nang bongga ang mata ko pagkatapos ay nag-send ng friend request sa kanya. Nang tawagin ako ni Mama para bumaba't kumain ay agad naman akong sumunod. Matapos ding kumain ay agad din akong bumalik sa kwarto ko para asikasuhin ang assignments namin at syempre, para ipagpatuloy ang aking "research".
Bandang alas otso ng gabi ay muli akong nakatanggap ng text mula kay Lianne na lalong nagpabuo ng gabi ko.
From: Bessie Lianne
Bukas ng lunch break, makakasama natin si Jason. Then if may free time pa siya after class, pwede tayong makipag-hangout sa kanya.
Agad kong dinial ang number niya matapos mabasa 'yon at dalawang ring palang ay sinagot na niya.
"Ohmayghash, bessie! Thank you nang hard! Gravity! Ay kennat talaga! Ay sow lab yuu na!" Tuwang tuwa kong bungad sa kanya na medyo mahina dahil baka marinig ako nina Papa.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya magsalita. "Of course. You're always welcome, Leo. Best friend kita e." Aniya na... parang pilit ang pagpapasigla sa boses niya? Napakunot noo ako. "Bakit naman parang hindi ka happy d'yan? Alam mo, napapansin ko ah. Kanina ka pa ganyan e. Miski nung mga nakaraang araw. Anong problema mong bakla ka, ha?"
"Wala akong problema, stressed lang. Alam mo na, graduating na tayo at masyadong hassle ang mga school works."
Napatango naman ako sa sinabi niya. Oo nga naman. Konting push nalang at makakapagsuot na kami ng aming toga at makapaghahagis ng graduation cap. Halos lahat kaming graduating ay abala na sa pagkukumpleto ng mga requirements para makasama sa most awaited day ng aming high school life.
"Sabagay. Tama ka d'yan, friend. Pero 'wag ka namang masyadong magpa-stress at baka tumanda ka agad n'yan!" Pilit kong pinagagaan ang aming usapan at sinusubukan ko ring pagaanin ang kanyang pakiramdam. Alam na alam ko kasi kung paano mag-drama at magpaka-stressed ang isang 'to at ayokong magkaganun na naman siya.
Muli siyang bumuntong hininga at nakarinig ako ng kaunting kaluskos sa background. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at akala ko ay nakatulog na siya pero muli siyang nagsalita.
"O siya, sige na. Kailangan ko pang kumain at gumawa ng assignment. Ikaw ba may assignment na?"
"Oo naman, gurl! Ako pa ba ang tatamaring gumawa ng assignment sa Values?" biro ko at tumawa siya. "Sira ka talaga. Sige na. Babye na. Kita nalang tayo sa school bukas."
"Owkey, friend! Salamat ulit!" matapos niyang magpaalam ay naputol na din ang tawag. Ako naman ay nakangiting ipinagpatuloy na ang ginagawa ko kanina at hindi na mapigil ang excitement para bukas.
BINABASA MO ANG
My Bessie Love
Teen Fiction"Babae siya pero hindi uri niya ang gusto ko..." "Lalaki siya pero lalaki din ang gusto niya. At 'yon ay kasalanan ko..." Paano magkakatagpo ang landas ng dalawa kung ang isa ay panay ang habol ngunit ang hinahabol niya'y may hinahabol ding iba? Ano...