Simula
"Miss, puwede raw bang kunin ang number mo?" Napatingin ako sa lalaking nasa harapan ko ngayon. Bumaling ako sa mga kaibigan ko na tutok ang tingin sa panunuod ng banda na nagpe-perform sa harap ng stage.
Fiesta ng aming barangay at pagkatapos naming mga magkakaibigan na magsi-kain. Dito na kaagad kami pumunta.
"Sino?" nakakunot noo kong tanong.
Hindi ako pala-pansin ng tao, hangga't hindi nila ako pinapansin. Pero dahil ayaw ko namang maging masungit, sinagot ko pa rin siya.
Wala namang mawawala, eh.
Tinuro naman niya ang isang babae na nakatayo sa hindi kalayuan sa aking puwesto. "Ayun oh, barkada ko 'yan." Hindi siya ganoon katangkaran, tingin ko rin medyo matanda siya sa akin. Ibinigay ko rin ang aking numero, hindi naman big deal 'yon sa akin. Ang ending naman, nasa sa akin pa rin kung ire-reply ko ba o hindi.
"Sino 'yon?"
Nakita pa niya 'yon ha? Akala ko pa naman tutok siya sa panunuod ng banda. Lihim pa lang nakikinig.
"Ah, 'yon? Kinuha lang number." pagsawalang bahala ko.
"Ganda talaga, oh!" pang-aasar ni Jillian.
Napangiwi naman ako. "Sshh! Manood ka na lang," saway ko sa kaniya. Kapag kasi pinatulan ko pa ang sasabihin niya, hindi niya ako titigilan at baka abutin pa kami ng magdamag.
"Humble ang ate!" tudyo pa rin niya. Kinurot ko nga sa tagiliran, ayon natigil din.
"Sakit, ha!" reklamo niya pero tinawanan ko lang siya.
Inumpisahan mo kasi.
Nauna na kaming umuwi ni Jillian dahil kailangan naming gumising ng maaga. Isinama kasi kami ng kapitbahay namin, pupunta sila ng Baguio. Syempre, sino ba kami para tumanggi? Libre sakay na, isama mo pa ang pagkain. Wala ka ng iisipin pa, pocket money na lang kung sakaling may bibilhin ka roon. Pagkakataon ko na rin iyon para makagala. Simula kasi nang ipinanganak ako, wala pa akong napuntahan na ibang lugar. Kung sa Pangasinan ako pinanganak, dito lang talaga. Ni malibot nga ang Pangasinan, hindi ko magawa.
Masaya ako dahil pumayag sila mama at papa. Hindi lang basta kasi nila kakilala, malapit sila sa isa't isa. Ganoon kasi rito sa lugar namin tuwing may lakad sila. Tulad na lang kapag magdadagat. Hindi nila makakalimutan na mag-aya.
"Puntahan mo ako mamaya, ha?" paalala ko sa aking best friend na si Jillian. Nasa tapat na kasi kami ng bahay namin.
"Oo, tulog mantika ka pa naman."
Nang-aasar pa nga. "Sige na. Alis ka na nga!" Pagtaboy ko sa kaniya. Hindi ko naman maitatanggi iyon, lalo na kapag napasarap ang tulog. Sabihin na rin minsan na kulang ang tulog, kahit pa mag-alarm ako hindi ko pa rin maririnig.
Nang makapasok ako sa bahay, tulog na silang lahat. Balak kasi yata nila na pumunta mamayang madaling araw sa gymnasium. Mas maganda kasi ang palabas kapag mag-uumaga na. May nagaganap na show, nagpa-pasiklaban ang magkabilang banda. Iyon kasi ang sabi ni mama, dahil nga bago ako umalis ng bahay kanina pinadala na niya sa akin ang susi ng bahay at baka hindi na niya ako mapagbuksan ng pinto.
Umagang-umaga pero sira naman. Paano ba naman? Hindi ko narinig ang alarm-clock ko. Kahit kailan talaga, Iliana. Napailing na lang ako sa sarili. Kung hindi lang ako pinuntahan ni Jillian dito sa bahay, hindi pa ako magigising. Alas kwatro ng madaling araw ang si-net ko sa alarm clock ko, pero ala singko na at mag-iigib pa lang ako ng tubig na panligo. Hindi na ako nagpainit pa ng tubig, para naman magising ang kaluluwa kong gusto pang matulog ngayon.
BINABASA MO ANG
TASTE OF REGRETS
Teen FictionONGOING Iliana Mendoza is a 17-year-old student in grade 11. She identifies as bisexual, but this is not accepted by her family. When her best friend introduced her to someone new, it changed everything for her. She managed to regain her parents' tr...