KABANATA 4

9 1 0
                                    

Kabanata 4

Hindi ko pa nagawa na magpaalam sa magulang ko, kaya naman nagawa ko na lang tawagan sila. Paano ba kasi late na ako nagising, alas nuebe na nang umaga. Nagawa ko pa kasing matulog pagkauwi, dahil wala naman na kaming pasok. Bukas na ang last day ng pasok at iyon ang araw ng Christmas day namin...

Bakasyon na!

"Hello po, ma..." medyo kabado kong sabi. Mahirap kasi magpaalam sa kanila kapag sa tawag. Isa rin 'yon sa ayaw nila.

"Anak, ano 'yon?"

Napalunok ako. "Nagpapasama po kasi si Yvon sa mall, bibili ng ireregalo niya."

"Wala na bang ibang sasama sa kaniya? Bakit ikaw pa?"

Bumagsak ang balikat ko nang marinig 'yon. Hanggang ngayon pa rin ba wala pa ring tiwala ang magulang ko? Na hindi na ako 'yong dating Lia... tapos na ako sa puntong iyon ng buhay ko.

Nagawa ko pang umiling kahit hindi naman makikita iyon ni Mama. "Wala na pong iba. Busy din po kasi ang iba naming kaibigan," sagot ko.

Narinig kong napabuntong hininga ang mama. Alam ko naman ayaw niya, pero wala na siyang choice. "Sige. Huwag ka lang magpapagabi."

Napasuntok ako sa hangin. Hindi ko puwedeng ipahalata na masaya ako, baka maudlot pa. "Salamat po, mama."

Hindi ko naman idedeny sa sarili ko, na sa kinikilos ni Mama. Ramdam kong may part pa rin sa kaniyang hindi niya ako kayang pagkatiwalaan lalo na tuwing aalis ako ng bahay. Kahit din siguro sabihin kong kaklase o kaibigan ko pa ang kasama ko, hindi pa rin iyon mababago.

Ilang taon na ang lumipas, pero tila sariwa pa rin ang pangyayaring 'yon kay Mama. Hindi ko naman siya masisisi, kasi kasalanan ko naman talaga. Ako ang may gawa, kaya alam kong deserve ko 'yon. Sinira ko ang tiwala nila.

Umalis din kaagad ako nang pumayag si Mama. Kahit pa man walang kasiguraduhan, nakapagbihis na ako para hindi na ako magtatagal pa sa bahay kapag pumayag man si Mama. Kung hindi man ay madali na lang na magpalit ako ng pangbahay.

Habang papunta ako ng bayan, nakatanggap ako ng text message mula kay Yvon.

From: Bes Yvon

sa dagupan na us kita bes. sa csi

Napanganga ako sa nabasa. Akala ko sa bayan lang kami. Hindi ko pa naman sinabi kay Mama, dahil alam kong malapit lang kami pupunta. Balak pa pa lang mag-mall ng kaibigan ko na 'to.

"Yayamanin talaga," wala sa sariling bulong ko.

To: Bes Yvon

Okays

Makalipas ang sampung minuto, nakarating din ako sa bayan. Kaagad akong bumaba nang makita ko ang bus na papaalis na. Mabilis kong tinakbo 'yon, dahil wala nang susunod.

"Wait!" sigaw ko.

Mabuti at narinig ako ng konduktor ng bus. Hindi naman ganoon kalayo ang tinakbo ko, pero hingal na hingal ako ng tuluyan na nakaakyat sa loob sa bus.

"Salamat, kuya..." saad ko. Tumango lang ito sa akin.

Tinungo ko ang bakanteng upuan, malapit lang sa driver. Ito pa naman ang isang kinatatakutan ko, lalo pag mag-isa ako. Ang pumara!

Medyo matagal pa naman ang byahe, kaya naisipan kong umidlip muna. Nagising na lang ako nang may kumalabit sa akin. Nang dumilat ako, hindi ko pa gaano nakikita kung sino. Pero malinaw kung nakikita na nakalahad ang kamay nito.

Umiling ako. Bakit lapitin ako ng mga namamalimos?

Hindi pa rin umaalis ang lalaki, at nakalahad pa rin ang kamay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TASTE OF REGRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon