Kabanata 3
Nang makita ko ang profile picture no'ng sinabi ni Jillian. Doon nasagot ang aking katanungan, siya pala iyong kaklase ni Jillian. Iyong hinintay namin bago kami pumunta ng simbahan.
"So, Patrick Pangilinan pala ang name..." wala sa sariling sambit ko.
Pakiramdam ko, nakita ko na siya noon. Hindi ko lang maalala kung saan.
Familiar siya.
Tinanggap ko ang kaniyang friend request. Tulad nga nang lagi kong sinasabi, wala namang mawawala. At nakadepende pa rin naman sa akin iyon kung i-rereply ko siya kung sakali na ma gmessage man siya.
"Kumusta ka na?" naguguluhan na sabi ko.
Hindi ko maalala kung kailan pa kami naging close ni Patrick. Kung magkakilala na ba kami noon. Simula kasi nang matanggap ko ang kaniyang friend request ay kanina ko pa siya kausap. Wala namang mali sa pangungumusta, pero kasi parang ang dating ay matagal na niya akong kilala.
Ngayon pa nga lang kami nagkausap, masyado na niyang ginugulo ang isip ko.
To: Patrick Pangilinan
Ayos lang naman ako. Ikaw ba, kumusta?
Syempre, kinamusta ko na rin. Hindi naman ako tulad ng iba, na sasagutin lang iyong tanong tapos wala na. Pag ganoon ang nangyari, panigurado na hindi interesado ang isang tao.
Hindi interesado? So, anong tawag mo sa sarili mo Iliana?
"Sino 'yang kausap mo?"
Mabilis kong itinago ang aking cellphone nang marinig ko ang boses ni mama. Ngumiti ako sa kanIya na nauwi lang sa ngiwi dahil seryoso siyang nakatingin sa akin.
"W-Wala po 'yon, ma." Pagsisinungaling ko.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, wala na yatang ibabago. Alam ko namang normal lang ang magsinungaling, pero bakit parang pagdating sa akin mas lumala?
"Akala ko ba magsisimba ka ulit?" Nakataas kilay na tanong ni mama. "Bakit hindi ka pa natutulog? Baka hindi ka magising niyan mamaya."
"Matutulog na po."
"In-off mo na ang tv. Hindi ka naman nanood."
Pagtalikod ni mama, mabilis kong pinatay ang tv. Hindi ko namalayan na naka-switch pa pala. Mabuti na lang at lumabas pa ng kuwarto si mama. Kung hindi, malalagot na naman ako. Dumiretso na ako ng kuwarto ko, baka kasi balikan pa ako ni mama.
Ayaw ko naman na makuha ang cellphone ko. Kahit naman matanda na ako, hindi ko pa rin maiwasan na mangamba kapag ganoon. Dahil noon, pinagdaanan ko iyon. Kapag may mga bagay na hindi ko sinunod at hindi nila nagustuhan, paniguradong kukunin nila.
Nag-umpisa na ang misa nang nakarating kami, mabuti na lang at may naupuan pa kami.
Paano ba naman? Ang tagal na nga maglakad ng mga kasama ko. Pare-pareho pa kaming late na nagising.
"Napuyat ako. Nanood pa ako sa Netflix." Si Ate Jenna.
"Iyang isa riyan panigurado na napuyat dahil kausap ang jowa." Pagpaparinig naman ni Jillian. Alam kong si Mariam ang pinaparinggan niya. Kahit naman hindi niya kausap ang boyfriend niya, late pa rin siya gumising. Kahit nga siguro ilang alarm clock na ang ilagay sa tabi niya, wala pa rin.
Habang naglalakad kasi kami, nagsitanungan sila kung bakit late na nagising. Napatingin naman silang lahat sa akin. Tinaasan ko sila ng kilay.
"Ikaw, anong palusot mo?"
"Masarap ang tulog ko." Hindi nagdadalawang-isip kong tugon.
Mukhang mali ang aking sinabi dahil nang marinig iyon ni Jillian. Biglang nanlaki ang mata niya, napaawang pa ang bibig nito. Pinanlakihan ko rin siya ng mata.
BINABASA MO ANG
TASTE OF REGRETS
Teen FictionONGOING Iliana Mendoza is a 17-year-old student in grade 11. She identifies as bisexual, but this is not accepted by her family. When her best friend introduced her to someone new, it changed everything for her. She managed to regain her parents' tr...