C16 In Just 24 Hours

2K 36 1
                                    

Vice's POV

Pagkahiwalay namin ni K ng sasakyan ni-locate ko agad si Anne kung nasaan sya. Pero ikina-inis ko nung nakita ko kung nasaan sya. Lugar to ng bahay ni Vhong. Mabilis kong pina-andar ang sasakyan at pinuntahan sila. Pero pagdating ko dun wala naman ang sasakyan ni Anne, so naghesitate ako. Pero kasi ayun na oh. Na-locate na. Kaya huminto ako sa harap ng bahay ni Vhong. Iniisip ko kung bababa ako o aalis na lang. Pero huli na. Nakita kong nasa pinto si Vhong at kumakaway. Ngiting ngiti ang mokong. Lumabas sya at nilapitan ako sa sasakyan.

Vhong: Brad! Tara sa loob.

Vice: Nandyan ba si Anne?

Vhong: Brad, kausapin mo ng maayos. Namimiss ka na nun panigurado ayaw lang mag-sabi.

Vice: Tunay na kaibigan ka talaga.

Vhong: Syempre! Pero pag sinaktan mo, baka magtake advantage ako. HAHA!

Vice: Subukan mo lang Vhong. Mawawala kaputian mo sa katawan.

Vhong: Baba na! Puntahan mo na. Nandun sya sa may dining.

Vice: Samahan mo na ko.

Syempre sinamahan ako ni Vhong. Nauna syang maglakad papasok ng bahay. Nang marating namin ang dining nakita ko na lang na parang natulala si Anne sakin at sinabi nya ang pangalan ko. Tinignan ko sya, yung tingin na may lambing ang mga mata ko.

Vhong: Anne, Brad iwan ko muna kayo. Mag-usap na muna kayo.

Tinapik ni Vhong ang balikat ko at yun ang naging hudyat ko para magsalita. Abala si Anne sa cellphone nya. Mukang ayaw pa din ako kausapin. Bahala na. Lumapit ako sa kanya at umi-squat (yung pwesto na parang jejebs sya sa sahig) sa may tuhod nya. Busy pa din sya. Nilagay ko naman ang dalawa kong kamay sa gilid ng upuan nya para ma-maintain ko ang balanse ko.

Anne: Vice may upuan kasi.

Vice: Gusto ko malapit ako sayo.

Anne: Then pull a chair beside me.

Umiling lang ako. Inihilig ko ang ulo ko sa hita nya. Hindi na ko makapag-salita. Naramdaman ko na lang ang luha ko. Alam kong naramdaman nya din yun kaya ibinaba nya yung cellphone nya sa lamesa.

Anne: Don't cry.

Vice: Can't help it. Namimiss kita.

Anne: I'm here na oh.

Sinuklay nya ang buhok ko kaya napatingin ako sa kanya.

Vice: Babe, aminin na natin sa madla.

Anne: What? Your career would be at stake. As well as mine.

Vice: Pero babe..

Anne: Vice wag pabigla-bigla ok? Let's slowly show them what is the real score. Okay?

Tumango ako.

Vice: Babe, I'm sorry. Sorry for being insensitive. Masyado akong malapit sa ibang girls. Hindi lang kay K. Pati sa iba. Pero babe, I want you to know na ikaw ang mahal ko.

Hinawakan nya ang pisngi ko at hinaplos nya. Tumango sya. Not even a single word uttered by Anne but a smile.

Vice: Bati na tayo?

Anne: Just keep it that way. Ako naman ang mali. I forgot that before we have us, ganun ka na talaga.

Vice: Babe, if I would keep it that way baka magselos ka lang. Kaya iiwasan ko na lang. I don't want to mess up.

Anne: Vice, you won't. I trust you. Basta wag lalagpas sa linya huh. And if ever, just Karylle. Atleast alam kong hindi ka maaagaw sakin.

Vice: I like you being possessive. Ikaw din. Dapat kay Vhong lang....

Secret Love (ViceAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon