C46 Bicol Getaway

1.9K 39 27
                                    

While Offcam sa Showtime..

Anne: Babe! I slipped tounged. Gosh!

Vice: Wag kang OA. Alam naman nila..

Sabay tawa ni Vice ng malakas kaya naman napatingin sa kanila ang mga hosts na kumakain sa sofa. Parang bata naman si Anne na ngumuso at papa-dyak padyak pa na halos magwalling na sa dingding. Hindi naman ito nakalagpas sa paningin ng mga kasama.

Billy: Hoy Anning, iprito kaya kita?

Anne: Whut?!

Billy: Para kang bisugo eh.

Natawa naman ang ibang hosts pati si Vice.

Anne: Ah talaga? E kung i-Le---chon kaya kita?

Vhong: Lechon yun Anne! Lechon!

Tila nahihiya naman si Anne sa mga kasama kaya tumahimik na lang sya. Pero dahil nandun ang kanyang babe, ayan. Mabilis itong lumapit sa kanya at yumakap mula sa tagiliran. Puno ng langgam ang pakiramdam kung kaharap ka nila. Si Vice na bumubulong kay Anne at si Anne na mula sa simangot ay unti unting ngumingiti.

Anne: How did you do that?

Vice: Ako pa ba? Basta para sa pinakamamahal ko, nagagawan ng paraan.

Anne: Kaso one day lang tayo dun?

Vice: Well, oo. But don't worry hon.. Babalik tayo dun. Besides, we have tonight to enjoy.

Anne: Thank you babe!

Yakap na yakap naman si Anne kay Vice ng biglang nagsalita ang mga hosts.

Mariel: Araaayy!!

Amy: Ang kati no?

K: Nagpapantal na ko.

Jugs: Magagalit any ViceRylles nito.

Teddy: VhongAnne din!

Billy: Go get a room!

Anne: Ay! Grabe sila oh.

Vice: Kaibigan ba talaga kayo? Grabe kayo!

Vhong: Biro lang!

Sabay tawanan. Nagpatuloy ang show hanggang sa natapos ito. Mabilis namang umalis ang ViceAnne ng hindi nagpaalam sa co-hosts nila. Ang glam team naman nila ang syang nagligpit ng mga gamit ng mga to. Bukod tanging handbag ni Anne ang dala ni Vice kung saan nakalagay ang cellphones, wallets, GoPro at ang passport nilang dalawa. Pina-derecho naman ni Vice ang kanyang driver sa NAIA T3. Pag dating nila sa bay area ng NAIA ay sinalubong sila ni Jackie dala ang isang back pack trolley at travel bag na sapat na lang para sa kanilang hand carry ni Anne. Inako ni Vice ang pagbubuhat ng mga ito kahit na ipinipilit ni Anne na tulungan sya. Kaya imbis na makipag talo, sumunod na lang si Anne sa gusto ni Vice. Kung si Vice ay hindi mamukaan ng mga tao, kabaligtaran naman ang kay Anne. Dahil wala syang suot na shades o sumbrero man lang, di tulad ng kay Vice. Kung kaya't inakala ng mga tao na mag-isa si Anne sa byahe.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Secret Love (ViceAnne)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon