Kabanata IV : Magic Of First Kiss

10 1 0
                                    

Ayen's POV

Nagkekwentuhan lang ang buong adakrab. Ngayon ko lang narinig yung tungkol sa back story ni Troy at Francine. Bukod don, nagtatawanan lang ang buong adakrab. Maya-maya tumogtog si Pars ng gitara tapos kumanta naman si Alison. Pagkatapos nun nagkwentuhan at tawanan na lang ang buong adakrab.

Habang tumatagal, napapansin kong talagang lasing na ang mga to pero kinakaya pa rin nila. Si Alison inom pa rin ng inom. Ang lakas niya uminom pero mukhang lasing na rin ang isang to. Ako, kanina pa rin ako inom ng inom pero ewan ko ba, parang hindi sakin tumatalab ang alak. Nakaubos na kami ng apat na malalaking beer kaya nagdecide na silang tumigil.

"Tara, tulog na tayo!", sabi ni Jeric na halatang lasing na rin talaga kasi pagewang-gewang na eh.

"Tara!", sigaw din ni Troy tapos nagsitayo na silang lahat pero natira si Yuan.

"Uy, Yuan... tara na.", pangangalabit ko sa kanya kasi tulog na siya.

"Ha?", sagot niya na lasing na lasing na rin.

"Uy, pre tulog na tayo! Ang sakit na ng ulo ko.", sabi ni Troy habang nakahawak sa ulo niya.

"Ah...", tapos tumayo na si Yuan pero dahil sa sobrang kalasingan natumba siya.

"Uy!", sigaw ko kasabay ng pagsalo ko sa kanya tapos tinulungan na ako ni Troy na alalayan siya. Sinabit ko na yung braso niya sa balikat ko at naglakad kami papapasok ng bahay nila sa likod namin ang adakrab.

Papasok na dapat kami nang biglang muntikang matumba ni Yuan kaya inalalayan ko siya pero pagkatayo niya bigla niya akong sinandal sa pinto kaya nagulat ako at napahinto ang adakrab. Hawak niya ngayon sa magkabila ang balikat ko.

"Uy Yuan, ano bang ginagawa mo?!", pasigaw na tanong ko tapos bigla niya akong hinalikan.

Hindi ako makagalaw dahil sa pagkagulat tapos ang buong adakrab gulat na gulat din. Yung tipong nawala lahat ng kalasingan nila at parepareho kaming nakatitig kay Yuan.

After ilang seconds, bigla niya ng inangat yung ulo niya at ngumiti tapos natumba na siya.

"Uy!", sinalo ko siya pero parang nawala na ako sa sarili tapos pagtingin ko sa adakrab, lahat sila dumbfounded din. Nailang ako kaya inangkas ko na ulit si Yuan at dinala ko na siya sa kwarto niya.

Pumunta na kami sa mga kwarto namin. Sa bahay nila Yuan, merong dalawang guest room. Yung isa, gagamitin ni Jeric at ni Troy tapos yung isa naman, kami nila Alison at Francine ang gagamit.

Parepareho na kami ngayong nakahiga at lahat ng tao ay tulog na pero ako, hindi ako makatulog. Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin yung nangyari kanina. 1:30 na ng madaling araw pero hindi pa rin ako makatulog. Bakit ba yun ginawa ni Yuan. Dahil ba yun sa kalasingan niya. Malamang dahil nga yun dun kasi wala naman siyang pwedeng maging ibang dahilan pero, bakit nagkakaganito ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko? HAY! NAKAKAINIS! SI PARS KASI EH! PAANO BA AKO MAKAKATULOG NITO?! Nagpagulong-gulong lang ako dito sa hinihigaan ko pero wala talaga. Hindi talaga ako makatulog. Alas kwatro na ng umaga pero, ito... gising pa rin ako. Kaasar!

Bandang alas sais bumangon na ako para magkape kasi wala rin namang mangyayari sa akin kung mahihiga pa ako kasi di rin naman ako makatulog.

.

.

.

Nandito na ako ngayon sa lamesa sa kitchen nila Yuan at uminom ng kape na tinimpla ko.

Hanggang ngayon, yung nangyari pa rin kagabi ang iniisip ko.

"Hay...", napabuntong hininga na lang ako tapos humigop ako ng konti sa kape ko.

Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon