Kabanata VI : Missing You

14 0 0
                                    

Ani's POV

*Bell Rings

3pm na kaya tapos na ang klase namin. Inayos ko na yung mga gamit ko at pumunta ako sa locker ko.

"Ani, kain tayo! Libre kita!", full of energy na sinabi ni Aaron. As usual...

""Wala akong oras.", walang lingon kong sagot habang nilalagay ko yung mga gamit ko sa locker.

"Ah ganun ba... Sige next time na lang! Kailan ka ba pwede?!", pangungulit pa niya.

"I have no free times kaya pwede wag ka nang makulit.", diretsyong sabi ko sa kanya kasabay ng malakas na pagsara ko ng locker ko tapos pumasok na ulit ako sa room para kunin yung bag ko.

"Sa Saturday, pwede ka?! Weekend yun!", nakangiti niya pa ring sinabi.

"Ano ba, Aaron?! Tigilan mo na ako pwede! STOP ANNOYING ME ALL THE TIME!", sigaw ko sa kanya tapos lumabas na ako at pumunta sa parking lot.

.

.

.

"Kuya Makoy, mauna na po kayo sa bahay, may pupuntahan pa po ako.", sabi ko sa driver namin.

"Okay, Ma'am.", sagot niya.

"Salamat po.", tapos umalis na nga siya.

Pagka-alis ni Kuya Makoy, kinuha ko yung phone ko para tawagan si mommy.

"Mommy, medyo malilate po ako ng uwi.", sabi ko kay mommy.

"Bakit? Anong gagawin mo?", tanong niya.

"May pupuntahan lang po akong importante.", sagot ko.

"Oh, sige. Basta wag kang masyadong magpapalate.", sabi pa ni mommy.

"Opo.", tapos binaba ko na yung phone ko at umalis na nga.

.

.

.

"Hello po, Tita.", nandito ako ngayon kanila Johann.

"Oh, Ani, ikaw pala.", sabi ni Tita Joyce habang nag-aayos ng pagkain.

"Si Johann po...?", tanong ko.

"Nako Ani, may sakit siya ngayon.", malungkot na sagot ni Tita.

"Kamusta po ang lagay niya.", sa totoo lang... nag-aalala talaga ako.

"Hanggang ngayon sobrang taas pa rin ng lagnat niya. Hindi pa rin bumababa simula kagabi. Halos hindi na nga siya makagalaw eh. Nasa ospital siya ngayon.", sabi ni Tita.

"Ospital?...", nasabi ko bigla.

"Oo, ito nga oh, naghanda ako ng pagkain niya at dadalhin ko tong mga gamot niya. Kinailangan na kasi siyang i-confine kasi masyado nang delikado ang lagay niya.", dagdag pa ni Tita.

"Tita, pwede po ba akong sumama sa ospital?", tanong ko kay Tita.

"Oh sige, tara na.", tapos pumunta na nga kami sa ospital.

.

.

.

Pagdating namin sa ospital ay nakita naming natutulog si Johann kaya nilapitan siya ni Tita Joyce para gisingin.

"Johann... Johann...", hindi pa rin nagigising si Johann.

"Tita, ako na po. Uhm... Tita, pwede po bang... ako na po ang magpakain sa kanya tsaka ako na rin po ang magpapainom sa kanya ng gamot. Magpahinga po muna kayo, halata pong wala pa po kayong tulog kaya magpahinga na lang po muna kayo. Medyo magtatagal din naman po ako dito.", sabi ko kay Tita Joyce.

Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon