Kabanata II : Lunch With The Adakrab!

45 2 3
                                    

Ayen's POV

Hay sa wakas, tapos na rin yung first subject naming College Algebra. Lunch na namin. Baka isipin niyo masyado pang maaga… 10 AM and first subject namin hanggang 11:00 AM then break time from 11:00 AM to 12 NN tapos second subject naman namin is from 12 NN to 1:00 PM tapos 2:00 PM ang third subject then 30 minutes vacant then 3:30 PM – 4:30 PM; forth subject na then 4:30 PM – 5:30 PM ang last subject ko. M, W, F, palang yan. Iba pa ang schedule ko sa T, TH.

.

.

.

Nasa may canteen na kami ngayon…

.

.

.

“Order ka na Pars.”, sabi ni Yuan.

“Mamaya na Pars. Wala pa yung adakrab.”, baka hindi niyo alam yung ‘adakrab’. Barkada ang ibig-sabihin nun sadyang hilig lang talaga naming pag-balibaliktarin yung mga letters.

“Asan na ba kasi yung mga yun eh!”, parang galit na sabi ni Pars habang iniikot yung mata niya para nga hanapin yung adakrab.

“Uy, ayan na pala yung kambal!”

“Hoy kambal!”, sigaw nila.

“Ang tagal niyo naman! Kanina pa kami dito!”, sabay sigaw ni Pars sa kanila.

“Sorry na, Boss. Ito na nga kami diba!”, sarcastic na sagot naman ni Troy habang umuupo na sila.

.

.

.

Okay. So bukod sa mag-bestfriend kaming dalawa ni Yuan, meron pa kaming mga kabarkada.

.

.

.

Si Troy, Troy John Jimenes. yan ang katropa naming never pa nawalan ng fan girls kasi simula Elementary kasi varsity player na siya ng basketball.

.

.

.

Si Jeric, Jeric Clyde Eusebio. Yan naman ang katropa naming dancer na chickboy. Lahat ata ng madadaanan naming mga babae kinikindatan niya. Take note: chickboy siya hindi playboy kasi hanggang chicks lang siya pero wala pang girlfriend.

.

.

.

Si Alison, Alison Jane Martinez. Sa Adakrab namin, kung may dancer, syempre, meron ding singer. Sobrang ganda ng boses niyan, ultimate biretera at napakaganda pa pero medyo boyish nga lang.

.

.

.

Si Francine, Francine Akari Yoshida. Sa tropa namin, siya ang pinakakikay, fashion icon, babaeng-babae, at siya ang kinuconsider naming dyosa sa Adakrab. Kasi naman, mukhang anime! Haft Japanese kasi eh.

.

.

.

Syempre, idi-describe ko na rin si Pars. So, si Yuan, Yuan Rei Santos, yan ang pinaka-heartrob sa tropa namin kasi sa totoo lang, siya talaga ang pinakagwapo. Tapos matalino, laging nasa top. Mabait, walang duda. Ang dami niya ng napagtanggol, especially girls. Kaya naman ang daming in love dyan kay Pars. Talented din yan. Marunong sumayaw, actually, magaling. Maganda ang boses at ang daming alam tugtuging instruments. Mapa-gitara pa yan, mapa-piano pa yan, pati nga violin eh. Isa pa, ang galing din niyan sa sports. Basketball, volleyball, soccer, badminton, swimming, chess, lahat na nga ata eh. You know para siyang mixture ng Adakrab. Yung galing ni Troy sa sports, nasa kanya. Yung galing ni Jeric sa pagsasayaw, nasa kanya rin. Yung magandang boses ni Alison, nasa kanya pa ulit. Yung apil at magandang pagporma na meron si Francine, meron din siya. At yung talino na meron ako, nabahagian din siya. Iba talaga tong si Pars. To be honest, dream guy siya ng lahat ng babae dito sa campus, actually, pati nga sa labas nitong campus eh.

Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon