Kabanata V : Mr. White Hankie And Ms. Cry Baby

7 0 0
                                    

Ayen's POV

Hindi ko agad kinuha yung puting panyo at tumingala muna ako para makita kung sino ang nag-aabot nito.

"Sino ka?", tanong ko sa kanya dahil medyo nanlalabo rin ang mata ko dahil sa pag-iyak ko.

"Kunin mo muna tong panyo.", tinignan ko ulit yung panyong inaabot niya. "Kunin mo na.", sabi niya kaya naman kinuha ko na nga ito.

"Salamat...", sabi ko tapos pinunasan ko na nga ang mukha kong basang-basa ng mga luha nang naramdaman kong umuupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka umuiiyak?", tanong niya sa akin na parang nag-aalala.

"Uhm... sa totoo lang... hindi ko rin alam.", tapos tumulo nanaman ang luha ko. "Mali bang magmahal?", tanong ko sa kanya.

"Hindi.", sagot niya ng diretsyo at para bang sobrang seryoso niya. "...Kung meron mang mali sa pagmamahal... yun ay ang pag-pili ng taong mamahalin mo pero ang pagmamahal mismo, walang mali dun coz' we are all here on earth to appreciate all the things around us and to love on another.", tapos ngumiti siya pagkatapos niya iyong sabihin. Yung ngiting alam mong gusto ka i-comfort.

"Binigyan kita ng panyo pero hindi mo naman ginagamit...", sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha ko gamit ang kamay niya.

"Salamat pero pwede bang hayaan mo na lang silang tumulo... kasi... mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nararamdaman kong nailalabas ko silang lahat... ang mga luha ko na kalungkutan ang dahilan.", sabi ko sa kanya habang nakangiti, isang malungkot na ngiti. Tapos kinuha ko ang kamay niya mula sa pagpupunas niya ng luha ko at ibinaba ko ito...

.

.

.

"Alam mo, meron akong alam na mas magpapagaan ng luob mo...pero wag kang mao-offend", sabi niya sakin ng diretsyo at napatango ako.

"Ano ba yu-", hindi ko na natapos ang sinasabi ko kasi bigla niya akong niyakap...

.

.

.

"Sabi sakin ng mama ko... to comfort others, hug them, kaya naman naniniwala ako dun kasi yun din ang lagi niyang ginagawa para gumaan ang pakiramdam ko... so, that's the reason why gusto ko ring ishare sayo ang warmth na meron ako... coz' I want to ease the pain that you feel inside your hurting heart... So please... stop crying kasi... kung warmth ang nakukuha mo sakin, yung kalungkutan mo naman ang naa-absorb ko sa pagyakap ko sayo.", dahan-dahan niyang sinasabi sakin habang nakayakap pa rin.

.

.

.

Ewan ko ba... ngayon ko lang siya nakilala pero ewan ko... komportable akong kasama ko siya ngayon... Hindi ko alam kung paano niya ginagawa pero... sobrang gumagaan ang pakiramdam ko sa yakap niya na para bang... ayoko nang umalis dito...

.

.

.

"Uhm... late na. Kailangan ko nang umuwi.", sabi ko sa kanya pagkaalis ko sa pagkakayakap niya.

"Okay, tara na...", sabi niya tapos bumaba na kami ng hagdan.

.

.

.

"Maraming salamat nga pala, Mr. White Hankie.", sabi ko nang nakangiti.

"Mr. White Hankie?", nakakunat na nuo niyang tanong habang nakangiti kaya napangisi ako.

Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon