Kabanata III : After Class.

15 0 0
                                    

Jeric's POV

Tapos na ang klase. Nauna na silang lumabas, hobby ko kasing magpahuling lumabas. Papunta na ako ngayon sa Parking Lot which is the meeting place of the adakrab ng bigla akong natigilan...

"Hi, Alison. Kamusta ka na? Oh, bakit hindi ka umiimik? Wag mong sabihing in love ka pa rin sakin--", sabi ng lokong Drew na yon kay Alison.

.

.

.

"Pwede ba Drew, tigilan--", hindi ko na pinatapos ang sinasabi ni Alison at inakbayan ko siya bigla. "Je--", inunahan ko na siya.

"Hoy ikaw, Drew Santiago! May problema ka ba sa girlfriend ko?!", sabi ko ng may diretsyong tingin sa kanya.

"Jeric...", parang kinakabahan si Alison kaya parang inaawat niya ako.

"Ah.", tapos biglang ngumisi ang loko. "Kinaya mo palang maghanap ng iba?! Tandang-tanda ko pa kasi nung mga panahong hinaharana mo pa ako tapos yung pag-iyak mo ng iniwan kita tapos--", nakita kong malapit nanamang magsimulang umiyak si Alison kaya hindi ko na pinatapos ang sinasabi ng Drew na to at sinapak ko na siya agad.

"Hoy, ikaw, Mr. Drew Santiago! Tigilan mo na si Alison kung ayaw mong mawala ka dito sa eskwelahang ito!", sigaw ko sa kanya habang nakaupo siya sa sahig. Napaupo kasi siya pagkatapos ko siyang sapakin.

"Aba! Ang yabang mo ah! Sino ka ba sa tingin mo ha?!", sigaw niya naman pabalik.

"Well, ako lang naman si Jeric Clyde Eusebio; ang anak ng may-ari nitong school na si Mrs. Erica Eusebio." yes, it’s true. Anak ako ng may-ari nitong Wilson University. Maybe you're confused because of my surname and the university's name. Well, my mom is the running president of this school but of course, my mom is a married woman that's why she carries my father's surname but my mom's real surname is Wilson. Back to the situation. Mukhang nasindak naman ang loko kaya tumakbo na siya.

.

.

.

"Tsk!", sabi ko na lang. Tapos umupo muna kami ni Alison sa may bench sa tabi.

"Ano ba yung ginawa mo?!", tanong ni Alison.

"Para tigilan ka na niya...", walang tinging sagot ko. Tapos biglang tumahimik sandali.

.

.

.

"Jeric, sorry talaga ha. Sorry kung nagsinungaling ako sayo.", tanong ni Alison bigla.

"Natatandaan mo pa ba dati, nang grade 1 palang tayo...", tapos inisip niya. "Nang inaway ka ng mga loko nating kaklase tapos bigla kang umiyak.", walang tinging sabi ko parin.

.

.

.

Flashback:

"Hoy! Ikaw, Alison, bakit mo kami sinumbong kay teacher?!", sabi ng mataba naming kaklase noon na bully.

"Bakit? Kayo naman talaga ang gumawa non ah! Kayo naman talaga ang sumira non hindi si Jeric!", sigaw naman ni Alison.

"Sumbongera ka!", sigaw naman nung isa naming patpating kaklase noon.

"Sumbongera!", sigaw din ng isa pang munkhang unggoy naming kaklase.

"Sumbongera!", tapos nagsabay-sabay na sila hanggang sa umiyak na si Alison.

.

.

Ka-ibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon