CH [19] Epic Entry

177 31 3
                                    

Chapter [19] Epic Entry

Yuin's Person's POint OF View

Isang malakas na pagsabog ang naganap. Napuno ng green smokes ang paligid ng kampo. Mula sa mismong mga palad ni Finn, lumalabas ang mga poison smokes na ito ng sobrang bilis.

Mas bumilis pa ito nang madala sa bugso ng hangin at napuno ang buong kampo ng nakakalasong usok na ito kahit hindi pa umaabot ng minuto nang ito'y pakawalan.

Pero nakagawa din ako ng violet lightning shockwave barrier sa paligid ko, kaya't hindi tuluyang nakakalapit sa akin ang usok. Sigurado akong nakaalis na sina Ryan ngayon kaya't—ha?!

Nabigla ako nang makita si Ryan sa kanang gilid ko na may energy barrier din sa katawan. "Anong ginagawa mo dito?!" Akala ko ba umalis na sila? Kainis!

"Wag napo kayong magsalita. Desisyon po namin 'to." nakita ko din si Lerri sa kabilang gilid ko, at gaya ko, may lightning barrier din sa katawan niya.

"Kailangan po namin kayong tulungan." sabat din naman ni Ryan at tumingin sa'kin. "ipaghihiganti po namin sina Felkon."

Alam nila na hindi madaling gumawa ng energy barrier sa katawan ng ganito katagal. Kaya't kunting pagkakamali lang pwede nila itong ikamatay. Ganun pa man, napabuntong-hininga na lamang ako't binalik kay Finn ang tingin.

Siya'y nakataas noong nakangisi lamang sa amin at hindi man lang naaapektuhan ng usok na halos malunok na niya sa sobrang kapal.

"Nasaan si Dengki?" tanong ko naman at sa kaparehong oras naman biglang nahawi ng bahagya ang usok sa likurang bahagi ni Finn, at lumitaw bigla dun si Dengki. Balot ng fire energy barrier ang katawan, at gamit ang kanang kamay na may hawak ng fire sword, pahalang niya itong iwinasiwas tungo sa kanang leeg ng kalaban.

Pero nang mahiwa nga niya ang leeg ni Finn, akala namin yun na yun pero bigla din namang naging usok ang buong katawan nito't nasama sa lason sa paligid kaya't nabigla hindi lang si Dengki dahil pati rin kaming tatlo dito.

Tapos bigla din namang lumitaw si Finn sa bandang gilid ni Lerri. "Uunahin na muna kita." sabay gamit ang kanang kamao nitong balot ng poison smoke, mabilis niya itong ipinabulusok ng suntok sa gilid ng mukha ng katabi ko.

Hindi makagalaw si Lerri sa sobrang gulat, kaya't nung sandaling ilang pulgada nalang sana at tatama na ang kamao niya kay Lerri, gamit ang kaliwang kamay ko naitulak ko siya payuko't gamit naman ang kanang palad na nababalot ng violet lightning energy nasalubong ko ang kamao niyang lumagpas sa uluhan ni Lerri.

Malakas ang impact na nangyari't bigla din namang nahawi ang mga usok sa paligid namin sa lakas ng shockwave, at ganun din ang pagbitak ng mga lupa sa paligid namin.

Napangisi si Finn. "Mas mabilis ka pa rin talaga sa'kin."

Sa ganung posisyon lang din gamit ang kaliwang kamay ni Lerri, gumawa siya ng water dagger sabay mabilis yung iwinasiwas sa tiyan ni Finn na nasa mismong gilid lang din niya.

Pero mabilis lang din itong patalong umatras ng halos limang metro lang din. At kasabay bigla ding nakasunod si Ryan sa likod nito. At gamit ang kanang kamay na may water sword, iwinasiwas niya ito sa kaliwang leeg ni Finn.

Pero naiyuko din nito agad ang ulo't iniwan si Ryan dun at tumakbo palapit sa amin. Kaya't mabilis din akong paikot na nagpalit ng pwesto ni Lerri at kasabay ding nakalapit si Finn. Nagkatitigan kami ng malapitan, kaya't kasabay din nun mabilis niyang ini-swing pahalang ang kanang kamao tungo sa kaliwang pisngi ko, kaya't mabilis ko din namang nasampal yun pababa ng kanang kamay ko.

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon