E P I L O G U E

302 33 9
                                    

Chapter [38] Epilogue Chapter

Third Person's Point Of View

Tatlong taon na ang lumipas.

Matapos mangyari ang huling araw ng digmaan sa pagitan ng Liufen kingdom at ng buong mundo.

Natalo si Jiuben. At totoo ang paglabas ng mga demon spirits mula sa underworld, pero ang ikinapagtataka lamang ng lahat.

Ay ni isang demon spirits wala silang nakita. Kahit bakas o presensya ng mga ito'y hindi nila nasilayan. Kahit saang parte ng bayan, mapaliblib man o kapatagan. Walang ni isa sa mga ito ang napinsala o nagambala ng mga nasabing nilalang.

Hindi alam ng lahat. Na si Master Grey ang may pakana kung bakit hindi natuloy ang pagsakop ng mga ito sa mundo.

Mga imortal na nilalang ang demon spirits, kaya't para sa pananatiling balanse ng mundo, kailangan niyang harangan ito't tuluyang pigilan na kumalat sa mundo. Yun lamang ang tanging layunin niya dito sa mundong ito. Ang ipanatili ang imortal at mortal sa magkakaibang dimensyon at mundo.

Walang may alam sa bagay na ginawa niya dahil lihim niya ito habambuhay, maliban sa batang yun.

Pero sa kabila ng pagkalito ng mga tao, sinimulan na nga nila ang pagbabago. Bumalik muli ang kapayapaan sa buong apat na kaharian at may mga bagong mga namumuno dito na hindi sakim sa kapangyarihan at sumasang-ayon lamang sa purong hustisya at karangalan.

Napunong muli ng ngiti ang lahat ng mga bata sa kalsadang naglalaro at ang masasayang mangangalakal na payapa na sa kani-kanilang paglalakbay.

Ang natirang miyembro ng White cloaks bandits na si Kakojen, ay hinayaang makalaya, at ngayon ay mapayapa ng namumuhay sa isang bayan malapit sa Deligon kingdom.

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"Mabuhay!"

"Mabuhay ang bagong kasal!"

"Mabuhay!"

Halos abot-tenga na din ang ngiti ni Prinsipe Noegi kasama ang kaniyang asawa nang magsigawan ang lahat ng mga bisita at knights sa loob ng bulwagan ng kastilyo dito sa Vendrisal.

Labis-labis din ang ngiti ng Hari sa kasal ng kaniyang anak dahil sa wakas ay may papalapit na sa kaniya bilang bagong mamumuno sa kaharian.

Matapos ang seremonyas, bawat isa sa mga kaibigan ng prinsipe ay bumati sa kaniya habang abala naman ang iba sa kanilang mga pagkain.

Si Caid ay naging ganap na right hand ni Komander Revin at pareho nilang maayos na sinesecure ang buong palasyo sa abot ng kanilang makakaya.

"Prinsipe Noegi. Congratulations."

"Salamat. Ryan."

"Sana ako naman ang susunod na ikakasal." excited nitong saad. Pero natawa lang din ang katabi niyang babae, na walang iba kundi ang kasintahan niya.

"Ayusin mo muna yang buhay mo, bago kita papayagang pakasalan ako 'no."

"Lerri naman. Prinsipe Noegi, ano ba talagang problema sakin bakit ayaw niya pa ding pumayag na maging mag-asawa na kami?" halatang problemado ito sa kaniyang nobya.

Natawa nalang din ang prinsipe. "Hayaan mona munang mag-isip si Lerri. Kailangan niya ng oras para magdesisyon. Dapat ikaw din." payo niya dito na sinang-ayunan naman ng dalawa.

Iiling-iling si Hazel na lumapit naman sa prinsipe. "Congratulations." bati niya rito na ikinatawa lang din ng prinsipe.

"Mas lalo kang gumanda ngayon. Nasaan na yung boyfriend mo? Hindi ba siya makakapunta?" tanong ng prinsipe.

"Ah siguro, nasa labas lang yun, alam mo naman, hindi yun masyadong mahilig sa mga okasyon." sagot naman ng dalaga.

"O Hazel. Nasaan na ang boyfriend mo, wala pa rin ba siya?" nakasalubong ni Hazel sa entrance ng bulwagan ang naka wheelchair nilang si Headmaster Yuin Kang. Hindi na gumaling ang bali sa paa nito pero hindi yun naging hadlang para hindi maging magaling pa ring namamahala sa Vendrisal Knight Academy.

"Hinahanap ko nga po eh. Nakita nyo poba siya?" tanong ng dalaga dito.

"Akala ko magkasama kayo."

Lumabas ng bulwagan si Hazel matapos ang saglit na pag-uusap rito kung saa nakasalubong din niya sina Teacher Kenko, sir Nenibi, at sir Lance.

"Naku, hindi paba nagsisimula ang kasalan?" bulong ni sir Jeshin na kadarating lang din.

"Kanina pa natapos ang seremonyas. Anong oras kaba kasi nagising kanina?" sabat naman ni Sir Hanami na nakapamulsang nakasunod sa kaibigang guro.

"Hoy, huwag nyo akong iwan." bigla ding habol ni Sir Ruk sa dalawa.

"Isa kapa." tila sermon ni sir Hanami rito. Kaya't ngiti na lamang ding nagpatuloy sa paglalakad si Hazel. Ang tatlong ito ay naging matalik na talagang magkaibigan. Ang dami talagang bagay na hindi mo lubos aasahan na pupwede pala talagang mangyari.

Dumiretso siya sa pasilyo hanggang sa may kamuntikan na siyang makabanggang pigura din nang papaliko na siya ng hallway. Pareho silang nagulat sa isa't-isa at nagkangitian.

"Pasensya napo, prinsipe Keileb."

"Naku. Kasalanan ko din naman yun. Kaya paumanhin din sayo." magalang ding saad pabalik ng prinsipe rito.

Saglit silang nagbatian bago din nagpatuloy sa kani-kanilang nilalakaran.

Nadaanan niya ang malawak na hardin nitong palasyo, at nakita naman niyang masayang nagkakatuwaan ng ensayo sina Ariel at Sir Caid.

May itinanong ang dalaga sa dalawang ito, na sinagot din naman nila agad kaya't nagpaalam si Hazel at nagpatuloy na sa paglalakad.

Narating niya ang isang watch tower nitong palasyo at nang makarating sa tuktok, napangiti naman siya nang makita ang lalaking kanina pa niya hinahanap.

"Ace. Bakit kapa nandito?" tawag ni Hazel rito at tila nagulat naman ang binatang marinig ito at napapihit sa kaniyang direksyon.

Nakasuot ito ng puting coat at nakapusod pa rin ang kaniyang buhok. Itim ang kaniyang mata—medyo nakakagulat, pero simula nang maipalabas niya ang puting kulay na mata niya nagsimula na siyang mag-ensayo patungkol rito kasama sa pangangala ni Master Grey at Kylo.

Nahasa niya ng mas mabuti ang kakayahan hanggang sa nagagawa na niyang paibahin ang kulay ng mata niya, kaya niya itong itago kahit kailan niya gusto ng kahit walang gamit na mga singsing at iba pa.

Marami ang humanga sa kakayahan ni Ace. At siya ang nagsisilbing bayani ng buong sangkatauhan. Pero ang sinabi niya'y hindi siya ang talagang nagligtas sa mundo. Kundi ang lahat ng tao mismo, at ang mga namatay na nagbuwis ng buhay nila. Sila. Ang tunay na mga bayani.

"Isang linggo ka ding nawala sa Vendrisal kaya namiss ka na ng lahat. Tapos dito kalang magmumukmok?" saad ni Hazel rito. At isa namang matamis at matagal na halik ang kaniyang natanggap mula sa binata na mas ikinangiti pa niya.

"Mahirap ang maging isang Holy Knight. At alam ko namang naiintindihan mo yun."

"Oo na. Alam ko yun, pasensya na. Namiss lang kasi talaga kita."

"Gusto mo bang magpakasal nadin tayo?" tanong bigla ni Ace na ikinatawa naman ng dalaga.

"Kailan?" nagulat naman si Ace sa sobrang bilis nitong pagpayag.

"Ang bilis naman yata?"

"Eh ang tagal konang hinintay ang tanong nayan eh."

Natawa naman si Ace. "Sa susunod na apat na buwan siguro." sagot niya at masayang tumango naman ang dalaga, at nagkatawanan naman silang sabay pinagmasdan ang pababa ng araw sa bukirin sa may kanluran.

"Saan mo naman balak magpakasal?" tanong ni Hazel.

Dahil dun ay tila ba'y may magandang naisip na plano si Ace at ngiti siyang lumingon rito bago nagsalita.

"Kung sa Earth kaya?"

The End

Reincarnated With You: Season 3\ Final Part [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon