Rain 2

466 12 5
                                    

MAY ibang lalaki ang nanay niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MAY ibang lalaki ang nanay niya. Ayan ang paulit-ulit niyang naririnig kapag nasa school siya at kapag nasa bahay siya. Kung saan na lang siya pumunta ay parang lahat nakatingin sa kaniya at sinisisi siya sa mga nangyayari.

Ever since na iwan sila ng ina niya. Hindi na nawala sa kaniyang tainga ang suot na headset. The voices inside her head were fucking noisy and to minimize the noise, she wore headset.

Mas lalo siya hindi nakikipagusap sa iba. Kung hindi tinatanong sa kaniya kung anong nangyari sa kaniyang ina, ang mga mata naman ng mga ito ay puro pang huhusga.

Napagod na lang siya.

Nasa kusina siya sa mga araw na iyon. Pinagsabihan siya ni Nana huwag pakialaman ang hinihiwa nito. Lumabas kasi ito saglit para bumili ng tuyo dahil naubusan sila. Nakaupo siya sa high-chair habang kanina pa pumipitas ng ubas sa gilid nang dumako ang mata niya sa matulis na kutsilyo nasa harapan niya.

She was about to reach it nang makarinig siya ng boses. "Pahingi ako ng isa, ha?" Agad siyang lumingon sa right side niya kung saan nang galing ang mahinang boses ngunit walang tao ang nasa gilid niya.

Binalewala niya ito at kumuha ulit siya ng ubas. "Ok, thanks." Napabalik ulit ang tingin niya sa kanan. Wala. She sighed. Kinuha niya ang headset at sinalpak sa tainga niya.

"Bleh, ang asim naman nito." She heard something but mas malabo na ito dahil sa suot niyang headset. She must be imagining things. More like nag sisimula na naman mag ingay ang utak niya. "Sorry, ako na nga lang ng hihingi. Ako pa nag rereklamo, no?"

Mas nilakasan niya ang volume sa cellphone at nag patuloy sa pag kain ng ubas. Nawala na rin ang atensyon niya sa kutsilyo nasa harapan niya.

IT was her birthday. Gumising siya sa pagkanta ni Nana ng birthday song sa kaniya. Binigyan siya nito ng cake at niyakap siya nito ng mahigpit. It was Friday. Wala siyang balak pumasok kung hindi lang siya pinilit ni Nana.

"Rainbow, ipagluluto kita ng ulam mamayang gabihan. Anong gusto mo?"

"Kahit ano na lang po. Ikaw na po ang bahala."

"Sigurado ka?"

"Yes po—si Dad po ba uuwi?" she asked but she saw how Nana avoided her gaze. Hindi na naman ito uuwi. Alam kaya nito na kaarawan niya?

Simula nang iwan sila ng ina. Hindi na rin nila na-ci-celebrate ang kaarawan niya na kasama ang ama. Kundi palagi na lang ang kasama niya ay si Nana.

Nana rito at Nana roon. Hindi naman siya nag rereklamo dahil ito ang isang tao na hindi siya iniwan. Inasikaso siya nito at pinaramdam ang pagmamahal nakalimutan na niya.

Katulad ng kagawian niya. Sinabi niya lang na papasok siya pero wala talaga siyang balak pumasok. Tumambay siya sa comics house at nagbasa nang nagbasa. Natulog din siya saglit sa mahabang sofa naroroon.

Saving, RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon