Sun 7

295 4 0
                                    

HE groaned then pabagsak niyang kinapa ang side table para patayin ang kanina pang nag iingay na alarm clock

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HE groaned then pabagsak niyang kinapa ang side table para patayin ang kanina pang nag iingay na alarm clock. Binuksan niya ang isang mata at pinatitigan ang orasan.

Five o'clock.

Bumangon siya sa kama. Nag palit ng damit into tee shirt and short. Kinuha niya rin ang sapatos at sinuot pagkatapos ay nag tungo siya sa loob ng banyo para mag hugas ng mukha at mag toothbrush.

Gamit ang kamay ay sinuklay niya ang magulong buhok. Bago siya lumabas ng silid ay kinuha niya muna ang digital camera nasa tuktok ng cabinet at inilagay ito sa mini bag nakadikit sa kaniyang braso.

Tumama sa kaniyang mukha ang malamig na simoy ng hangin nang makalabas siya ng kanilang tahanan. Nag unat-unat muna siya bago siya nag simula tumakbo paakyat na kalsada.

Gusto niya maabutan ang sunrise sa silangan. Balak niya rin kasi kumuha ng mga bagong litrato.

Habang tumatakbo siya ay may ilang mamayanan din ang kasabay niya mag jogging. Tinanguhan niya lang ang mga ito bilang pag galang.

Hinihingal siya nang makarating siya sa tuktok. Sa gilid ng kalsada. May pwesto roon kung saan makikita niya ang kabahayan sa ibaba.

He inhaled and exhaled muna bago pinikit ang mga mata para damahin ang malamig na hangin tumatama sa kaniyang mukha at nag papalipad sa kaniyang buhok.

Nang makuntento siya. Nilabas niya ang digicam at tinutok sa unti-unting umaangat na araw. It was mesmerizing. So calming. Kumuha siya ng ilang shots bago umuwi pabalik.

WHEN he was in grade two. May kaklase siyang isang babae na every day ay iba't iba ang ayos ng buhok nito.

Sobrang cute nito at hindi niya mapigilan titigan ito lalo na't sa tuwing nakangiti ito sa kaniya. Mas lalo siya napapamulahan ng pisngi.

Sa tingin niya, ayon ang una niyang pagkagusto sa opposite gender niya.

NANG mag grade three siya. Natuwa siyang malaman na kaklase niya pa rin ito. Mas lalo siya na-inspired pumasok at mag-aral.

Narinig niya kasi sa mga pinsan niyang matatanda sa kaniya na mahilig ang mga babae sa mabango at nag-aaral ng mabuti.

Nakwento niya iyon sa kaniyang ina. Kung saan inasar siya nito. "Oo anak, kaya dapat mag-aral ka ng mabuti," saad ng kaniyang nanay.

Sa tingin niya sa mga oras na iyon ay naisahan siya ng ina. Ngunit, ginawa niya pa rin. Nag aral pa rin siya ng mabuti.

Isang beses ay nilapitan siya nito. Inalok siya nito ng cupcake na gawa raw ng ina nito. Hindi niya pinahalata na kinikilig siya. Sa huli ay inabutan niya rin ito ng yakult.

"Salamat, Eli," ngiti-ngiti nitong saad sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya habang pinagmamasdan ito. Ang cute cute kasi nito.

NGUNIT, gayun na lamang ang kaniyang lungkot naramdaman nang mabalitaan na kailangan nila lumipat ng lugar.

Grade four siya. Akala niya ay makikita niya ulit ito ngunit hindi siya pinagbigyan ng pagkakataon dahil agad silang lumisan sa lugar kung saan ito nakilala.

Hindi man lang siya nakapagpaalam sa kaniyang mga kaibigan. Especially to her.

SINIGAWAN siya ng ina nang makita siya nito sa taas ng puno. Galit na galit ito sa kaniya. Kumuha rin ito ng walis tingting at dinuro-duro siya.

"Ipapalo ko 'to sa 'yo kung hindi ka bumaba di 'yang bata ka! Ano ba ang iniisip mo at nagawa mong umakyat d'yan sa tuktok ng puno?! Gusto mo ata ako bigyan ng sakit sa puso?!" sigaw ng kaniyang ina.

Natatawa naman siyamg bumaba. Niloko niya pa ito na muntik na siya mahulog. Mas lalo tuloy siya namura ng ina.

Nang makababa siya ay binitawan nito ang walis tingting at hinablot ang damit niya at pilit siyang pinagpapalo sa pwetan. Todo iwas naman siya habang tumatawa.

"At nagagawa mo pang tumawa!" Huminto siya at niyakap nang mahigpit ang ina. Hinalikan niya pa ito sa noo.

"Niloloko ka lang naman, ma. Sorry na po." Wala itong sinabi sa kaniya bagkus ay kinurot lang siya nito sa singit. Na kina-aray naman niya.

PUMUNTA siya sa isang piyesta sa kanilang probinsiya. Bitbit ang camera habang nakamasid nag lalakad ay kumuha siya ng mga litrato. Mga ganito talagang okasyon ang gusto niya.

Maraming tao at maraming magagandang palamuti sa buong kapaligiran.

Habang siya'y busy sa pagkuha ng litrato. Malayo pa lang ay tanaw at rinig na niya ang maingay na banda. Nag mumula ito sa plaza.

Nag tungo siya roon at huminto. Titig na titig siya sa local artist na lalaki sa kaniyang unahan. May hawak itong gitara habang kumakanta.

Sa unang pagkakataon, he found himself falling in love with music. Simula no'n ay palagi na siya napunta sa mga music fest sa kanilang probinsya at mas lalo niya nahasa ang pagkuha ng litrato sa tulong na rin no'n.

PINAGMASDAN niya ang paboritong artist. Ito ang unang beses niya dumalo sa isang music fest na hindi sa kanilang lugar dinadaos.

Katulad nang madalas mangyari. Lumipat na naman sila ng tahanan pero this time ay bumalik sila kung saan siya lumaki no'ng bata pa siya.

Maraming nagbago at maraming wala siyang matandaan sa lugar na ni-minsan ay pinaglakihan niya.

Ngunit para sa kaniya. Isa ang masasabi niya na hindi nagbago ay ayon 'yong pagmamahal niya sa mga litrato at sa musika.

"Sa tingin ko paborito ko na rin na local artist si Timothy." Sa maingay na paligid ay isang tinig ng babae ang narinig niya banda sa kaniyang kanan. Nang lingunin niya ito ay lalaki naman ang katabi niya.

"Hindi ko alam ang title ng kanta niya pero sa tingin ko alam ko na ang dahilan kung bakit mo siya paborito."

Ayon na naman ang boses ng babae. The voice was so familiar yet he couldn't pinpoint who was it. Bigla rin siya nakaramdam ng lungkot out of nowhere.

"Hindi lang kasi niya binibigkas ang mga lyrics sa kanta. He tells story."

Ang boses nito.

Bakit malungkot ito? Sino ito at bakit niya ito naririnig bigla?

GABI na nang matapos ang event. Maraming tao ang sabay-sabay na lumabas patungo sa exit. Nakipagsiksikan siya para maaga siya makauwi. Panigurado kasing hinahanap na siya ng kaniyang ina.

Ito lang kasi ang naiwan sa bahay nila dahil ang ama niya ay sobrang busy sa trabaho nito. Hindi na nito nagagawa umuwi para masamahan sila kumain man lang sa hapagkainan.

"Excuse me," he said. Maingat niya rin niyakap ang bitbit na camera. Ang camera niya ang isa sa pinakamahalagang bagay para sa kaniya.

Nang tuluyan siya makalabas. Tumingin siya sa kaliwa't kanan gawi niya. Kahit pa alam niyang naka red na ang stoplight. May ilan siyang kasama galing din sa event ang tinawid ang pedestrian.

Ngunit ang bilis ng pangyayari. Namalayan na lang niya ang sarili nakahandusay sa malamig na semento. Masakit ang buong katawan at nahihilo.

Dumako ang paningin niya sa kaniyang kamay nakalupaypay sa lupa. Nalilito siya kung bakit pinapalibutan siya ng puro pulang likido. Sobrang ingay din ng paligid na mas lalong nagpasakit sa kaniyang ulo.

Sa huling pagkakataon, tinitigan niya ang kaniyang camera na tumalapon sa kaniyang harapan. Grabe ang basag nito. Tumulo na lang ang luha sa kaniyang mga mata bago tuluyan na dumilim ang buong paligid niya.

Saving, RainbowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon